Episode 8

722 96 55
                                    

Episode 8: Vacation

An: Thank you for waiting patiently. Happy reading! Will try my best to update once or twice a week. Mediyo busy talaga. 😞 Hope you are still here for Eero. ☺️

---

Lunes at panibagong linggo na naman ang nagbukas na ako'y mag-isang namumuhay dito sa Maynila. Naghahanda ako ngayon ng aking sarili papunta sa aming eskuwelahan at bahagya akong nakakaramdam ng kaba lalo na at pakiramdam ko'y kukumprontahin ako nila Roxanne dahil na rin sa nangyari noong sabado. Wala naman silang naging text o 'di kaya tawag pero ramdam kong may pagtatanong na mangyayari at kung kailan, hindi ko alam.

Kilala ko ang grupo nila Roxanne, ganitong tahimik lang ako ay mas naoobserbahan ko ang paligid ko. Bully sila at mahilig mangaway, at least, kapag may paharahara sa dinadaanan nila. Grupo sila ng mga magaganda at mula sa mayayamang mga angkan ng Luzon and thus, their supremacy in our school is very evident at ang nakakainis pa ay may iilan pang mas 'powerful' at umaaktong parang sino roon.

I thought being in an all girls school will give me a decent environment, calm and much better than of a coed school, hindi pa rin pala. Mabuti na lang libraries exists dahil ito an nagiging safe place ko. Simula noong umalis si Janine, nalalagi ako madalas sa library kung walang practice sa choir club kung saan kabilang ako. Kung hindi kasi kumakanta ay nagbabasa, at nagsusulat ako ng stories sa isang blog community at kahit papaano, masaya naman akong may nakakabasa ng mga gawa ko. It has become genuine calmness to me. It helps a lot.

Napabuntong hininga ako. Bahala na nga! Kung tutuusin, may mga dapat din naman akong sabihin at itanong kanila Roxanne, e! Kung bakit hindi nila sinabi sa akin ang takbo ng isang group date gathering! Na, akala ko, girl's bonding lang at nagkataon lang na may nakasabay kaming mga lalaki noong nakaraan at sinali ulit nila ako sa meet up with the same reason of girl's bonding pero ang ending hindi pa rin pala and worst could have happen kung hindi ko nakita ulit si Eero at napagsabihan niya! Right, I should ask them about it para naman maintindihan ko ang side nila.

As if. Sana nga naman kaya kong kumprontahin sila.

Ngayon ay naglalakad na ako papuntang school. Halos katapat lang ng school namin ang condo ko kaya nilalakad ko na lang ito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit din ako pinayagang mag-aral sa Maynila. Napapanatag kasi sila Mommy sa ganoong set-up.

"Good morning,"

Rinig kong mga pagbati ng iilang estyudante sa kapwa nila mga estyudante. They are friends, maybe. Masigla silang tingnan and masaya naman ako sa mga nakikita ko sa kanila. Nakakahawa ang vibes nila, lalo na ang mga tawanan nila sa alleys ng school namin. Namimiss ko tuloy si Janine.

"Ate Debbie, good morning po!" bati sa akin ng isang freshman year. Magka-clubmate kami sa choir.

"Good morning, Hannah!" pagbati ko at napangiti naman ako sa kanya.

Isa siya sa mga iilang namamansin at nakakausap kong kapwa estyudante sa paaralan na ito. Mabait siya at masayahing bata, maganda rin ang kanyang boses.

"Ilang araw na lang po, malapit na po kayong grumaduate, mamimiss po namin kayo, Ate Debbie." panimula niya, "Sana maging organize pa rin ang choir club kahit umalis na kayo mga seniors. Nakakalungkot pero ganoon talaga," dagdag nito at bagya siyang napayuko.

Nasa isang espasyo na kami ngayon papunta sa club house namin. Naroon ang mga kasamahan namin sa club at mayroong meeting na magaganap para sa gagawing misa bago ang actual graduation rites. Magsisimula na ang ensayo namin para sa nasabing misa at dahil doon, hindi na ako makakaattend sa practice sa graduation rites at okay na rin naman kasi bukod sa nakakapagod ang proseso ay makakaiwas ako kanila Roxanne kahit papaano. Pero, oo naman, handa naman na rin ako kung sakaling mayroong kumprontasyon talagang magaganap.

Prince 3: Patient Love (✔️) Where stories live. Discover now