Episode 39

908 131 241
                                    

Episode 39: Journey

--
Happy reading! Don't forget to vote, comment, and share the story. See yah sa next update 😉

-----

"Sorry kung natagalan ako," si Debbie habang yakap ko.

This feels surreal. After almost 2 weeks, nandito na ulit siya! This is not a scam at salamat naman!

Napangiti ako. "Don't mind it, Madam! But, I admit, I was a bit impatient pero it doesn't matter anymore. You're here! What more can I ask for?!" sabi ko at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi ko alam pero naiiyak ako sa ideyang pakiramdam ko, nakakita na ako ng liwanag na halos dalawang taon kong hinintay. Now that she's here, makakasama ko na siya at makikita kung kailan ko gugustuhin. Our relationship that was in a pause is now officially playing again. It honestly feels so surreal.

"I—I will never leave you again, Eero. Never again," sabi niya and yes, sarap sa ears.

After the overwhelming meet-up again at may record breaking na yakapang walang kasing tagal ay naisipan naming pumunta ni Debbie sa isang restaurant na malapit na lamang sa airport. We are both really hungry at the moment and definitely has a lot of catching up to talk about kaya heto, we needed the energy. Isa pa, sa party kanina, sino nga ba naman ang gustong kumain? H'wag na.

"What happened, Madam? O—Okay na ba kayo ng daddy mo?" I asked, "Y—You see, nagkita kami kanina sa isang event. H—He was with that woman and I'm not sure, mukhang hindi niya naman ako kilala! We shook each other's hand," I said honestly.

She was reactionless in a bit pero ngumiti na rin naman kinalaunan pagkatapos ay bumuntong hininga. "Lumayas ako," she said directly and I admit, nagulat ako sa narinig mula sa kanya.

"H—Huh?"

She smiled with her teary-eyed eyes. "I mean, pinalayas ako!" aniya at napaiwas tingin sa akin. "As weak as I was before, akala siguro niya ay hindi ko tutohanin ang sinabi niya patungkol sa pag-alis but I did, I'm here now. And, I'm not surprise about the whole proud momentum of that man kasama ang babaeng 'yon because my mom and him are considering a divorce and it's good for them! Yeah, I think it's for the best," anito and my heart is in pain hearing those from her.

"I—I'm sorry, Debbie." sabi ko at marahang napahawak sa kanyang mga kamay. Ang lamig niya, na animo'y kinakabahan.

"Y—you don't have to be sorry for my family's miserable ending, Eero." She said as she smiles. "I'm okay, surprisingly! Ayaw ko na rin ipilit pa kung hindi na rin talaga masaya ang isa sa kanila. Pero sa totoo lang, naiinis ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit pinaabot nila ng ganito katagal kung darating din pala sila sa ganitong sitwasyon. Sana man lang naramdaman kong sinubukan nilang dalawang isalba kung anong meron sa pamilya namin, e! Sabagay, ni hindi ko talaga alam kung naging pamilya ba kami o nagiging pamilya lang sa harap ng mga tao at dahil kailangan, e!" aniya and I can sense the burden she's trying to carry all by herself.

I sighed. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya. I feel guilty in a way na naging impatient ako sa paghihintay sa kanya these past few days' kung ganito pala katindi ang kinailangan niyang pagdaanan mag-isa.

"I—I'm here, okay? You are not alone. Sasamahan kita sa pagsubok na ito ng buhay mo, Deb. I may not be enough to heal you but I will just be here," Sabi ko and I mean it. I hope my words and my presence are enough to make her feel at ease kahit na sobrang hirap nang pinagdadaanan niya ngayon.

Prince 3: Patient Love (✔️) Where stories live. Discover now