Episode 42

974 116 114
                                    

Episode 42: Trust

An: Thank you for patiently waiting for this update. Nahirapan ako kasi nga alam niyo na. Haha pero I'm here na ulit at salamat sa inyo. You inspire me. This update is unedited kaya malamang maraming errors at late na para mag edit haha. Kayo na mag adjust. Happy reading. ❤️ Don't forget to vote, comment, and share the story, it'll mean a lot. Labyu.

----

"Maraming salamat po," tugon ko nang makatanggap ako ng kumpirmasyon mula sa manager mismo na tanggap na ako sa trabaho. A part time job is really not bad at sobrang excited na akong magsimula! Oo, mediyo kabado pero desidido akong kakayanin ko!

Ewan ko ba, basta na lang sumagi sa isipan ko ang magtrabaho. Napaisip kasi ako na iba na ang buhay na meron ako ngayon. Hindi ko alam kung may aasahan pa ako sa pamilya ko lalo na sa Daddy ko pagkatapos kong magdesisyon umalis sa amin, na tuluyan nang iwan ang lahat na sa tingin ko'y nananakit lamang ng kalooban ko.

Hindi naging madali ang naging proseso para abutin ko ang estado na ito ngayon ng buhay ko. Marami akong kinailangan pag-isipan nang paulit-ulit. The pros and cons of my decisions lalo na pagdating sa pamilya ko. Natakot ako, pero kalaunan napaisip ako, kung hindi ngayon, kailan? Hanggang kailan ko sasabihin at ipakita sa kanilang okay lang ako kahit hindi naman,na okay lang ako sa gusto nilang mangyari sa buhay ko. Na wala akong ibang dapat gawin kundi ang sundin sila, na kailangan tama sila palagi, at hindi ako puwedeng magkamali.

True. Naging isa sa mga dahilan ko ang relasyon namin ni Eero at si Eero mismo sa mga naging desisyon ko. Na tila ba dahil sa kanya, kaya ko lahat ng kung ano man ang mga nakatakdang mangyari and I admit, naging mas matapang ako dahil sa kanya.

Malamang, galit si daddy sa naging desisyon ko dahil siguro hindi niya inaasahang mas pipiliin ko ang buhay na wala sila kesa ang mamuhay sa isang marangyang buhay kasama sila kahit na maituturing na wala naman talagang pamilyang nabuo sa amin. Everything was mere illusion, nothing is real.

Noong araw na iyon, noong araw na umuwi kami ni Eero mula sa Bataan, kabado man ay matapang kong hinarap si Daddy. Aminado akong natakot akong harapin siya pero gayun pa man, lakas loob ko siyang hinarap na mag-isa. Nakaya ko.

Hindi naging maganda ang takbo ng naging usapan namin. Nalaman ni Daddy ang tungkol sa pagpunta ko ng Bataan kasama ang isang lalaki, na alam niyang boyfriend ko. He got furious, kung anu-anong masasakit na salita ang natanggap ko mula sa kanya—kesyo, malandi ako, desperada, at kung ano pa mang mga salitang animo'y hindi ko malaman kung ako nga ba ang tinutukoy niya! It was degrading and I honestly couldn't believe my own dad said all those words!

It was painful to hear those words.

Gayun pa man, nagkalakas loob akong lumaban—na kahit alam kong maling pumatol sa magulang. I know, I at some point, I needed to do it for myself. I am in pain and it feels like the only way for me to heal is to be honest with myself.

Hindi ko napigilang prangkahin ang daddy patungkol sa totoong nararamdaman ko sa kung ano ang sa tingin ko'y namamagitan sa kanila ni Tita Sarah, ang mommy ni Kuya. I said whatever I want, kahit alam kong maaaring naririnig kami mula sa kuwartong kinalalagyan namin. I didn't care and that the only thing that I'm thinking about those moment was it's for the best, it's for my mother and I's best.

Nasampal ako kasabay ng katahimikan ni daddy patungkol sa mga naging paratang ko. Hindi ko alam kung ang katahimikan bang 'yon ay maaari kong tanggapin bilang sagot sa aking mga katanungan. Mas masakit lang.

I was forcefully brought to Camiguin and that I feel like I will no longer be able to leave. Na akala ko, hinding-hindi ko na ulit makikita si Eero, that I have never even said my good byes, proper good bye. I had nothing and no one with me.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon