Episode 46

858 129 319
                                    

Episode 46: Twenty

Guys, please NO SPOILERS SA TWITTER. Iba-block ko talaga kayo hahahahuhu. Dito na lang kayo sa comment section magwalwal tapos saktong akting lang sa twitter. haha okay? :D Salamat. ❤️ Don't forget our goal. See yah next update  🤗

———

"Nay, remind lang kita na hindi na muna ako uuwi, ha? Sasamahan ko lang si Debbie for now kasi nga kagagaling niya lang sa check-up!" sabi ko.


Katatapos lang ng practice namin at narito na ako sa parking lot kasama si Kuys  EL at pauwi na ng condo. EL wants to make sure na payag nga si Nanay na sa condo na muna ako ni Debbie uuwi and I called Nanay too just to make sure na naaalala niyang pumayag siyang hindi makauwi sa bahay. Baka nakalimutan nga naman niya, mahirap na.


"Okay, sige. Pero alam mo na, ha? May sakit si Debbie kaya you should take care of her at baka excuse mo lang 'yan! I'll send you both some dinner later para naman siguradong masustansya ang kinakain ni Debbie," saad niya at hindi ko mapigilang hindi matuwa."How is she?"


"Mediyo nanghihina pa raw siya pero she said she's fine at kailangan lang magpahinga at kumain ng maayos! I think she's stressing a lot these past few days with work and adjustments. She went through a lot," sabi ko.


I heard Nanay sighed. "Okay! Update me with her condition, okay? If she doesn't get better, puwede naman natin siya iconfine sa hospital and if ayaw niya, she can stay here muna sa bahay para mas maalagaan siya! Since she is your girlfriend, and very dear to you—means, she has a home here in our house! Magsabi ka lang, anak." saad nito at mas sumaya ako sa nasabi ni Nanay.


"Naks!Ganyan dapat! Friendly competition kayo ni Debbie sa buhay ko, Nay! Pareho kayong mahalaga sa akin kaya dapat maging close kayo!" sabi ko habang natatawa.


"Hoy! H'wag kang pakampante riyan! I'm just making sure that she receives the right treament and care! Baka nga, iniisip ng mga magulang niya na tinanan mo ang anak nila kaya ganyang umalis si Debbie, at least naman you give her the best care she deserves no! And it's better for the both of you to be under my provision! Sa harot mong 'yan, Eero!"


"Aray, ha! Napaka-judgemental, Nay! Dapat nag abogado ka na lang kesa nag doktor!" pag-alma ko, "Well, totoo naman! Pero stop worrying, okay? You are going through a lot already, wala pa si Tatay, kalma, kaya ko na 'to!" natatawang sabi ko pero natatawa. I want this conversation to be light as possible kasi syempre guilty ako sa maharot.



She giggled a bit. "Osya, sige! Magluluto pa ako ng dinner and will send you some after. Mag-ingat sa byahe, I love you!" she said.


"I love you too, Nay!"


After Nanay and I's conversation ay napatingin ako kay EL na nakatingin sa akin. "Oh, nagpaalam na ako kay Nanay, ha? Legit na 'yon!" natatawang sabi ko.


Agad napaismid ang kuya ko. "Sana all," kumento niya.


Hindi ko napigilang matawa sa kanya. "Palitan mo na si Maggie para wala ng LDR!" pagbibiro ko kaso nabatukan lang ako, "Joke lang! H'wag ka na mainggit, nagiging mangga kapag naiinggit, ikaw din! Tsaka, in a few months, tapos na rin naman ang kontrata na Maggie sa Australia, 'di ba? Puwera na lang kung mag extend siya at maging full time swimmer siya roon, mediyo masaklap na plot twist iyon!" saad ko.


"Shuta ka, yabang mo! Lumayas ka na nga at naiirita ako sa 'yo!" sabi niya at tinulak pa ako. Siraulo 'tong Kuya kong 'to, e!



Natawa ako. "Mag-umpisa ka na mag drive, baka umabot kang Australia!" pangaasar ko at napatakbo akong pumasok sa kotse ko at umalis na. Pikon, e.



Prince 3: Patient Love (✔️) Where stories live. Discover now