Episode 31

748 109 291
                                    

Episode 31: Comfort
----
Don't forget to vote, comment, and share the story! 😊 Happy reading and kalmahan ang spoilers sa twitter ha? Hehe. Salamat! ❤️

Ps: Unedited, sorry sa typos.
-----

"I'm sorry, sir! Pero ilang araw na po ang nakalipas since umalis ng condo si Miss Enrile," sabi ng front desk ng condo building nila Debbie.

Yeah, nandito ako sa condo building niya at nagbabakasakali akong nandito siya. I was in her school earlier at ang sabi, she suddenly dropped out and has requested for a transferral notice and to where, nobody knows.

"S—Sure ka ba? Mayroon ba siyang sinabi o may alam ka ba kung saan siya lumipat? Kahit hindi na saktong address, lugar lang, Miss." sabi ko at kulang na lang siguro ay lumuhod ako sa harapan niya, e.

I'm so confused with everything that is going on. I don't have any single clue about what happened, what cause this, at kahit na anong rason, wala akong maisip! Tanginang tunay nga naman, 'di ba?!

"I'm sorry, sir. Wala po talaga! Nagulat nga po ako na biglaan ang paglipat niya, e! Matagal na po siyang nakatira rito! K—Kasama niya po ang Mommy niya noong umalis siya rito at may iilang... parang body guards ata iyon! Akala nga namin, may artista, e." at bahagya itong natawa."Ay s—sorry, sir!"

Napabuntong-hininga ako at napatango na lamang kinalaunan. It's getting dark at mukhang nagsasabi naman talaga ang frontdesk na ito ng totoo kaya nagpasalamat na lamang ako at umalis na. Of course, nag-iwan ako ng number,just in case she comes back—who knows.

Gulong-gulo pa rin ang isipan ko ngayon. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. My emotions are not in sync. I don't know what to feel.

Habang stuck ako sa traffic ay nag-ring naman ang phone ko and well, it's Miss Jenny and I can now guess why she's calling. I ditched school this afternoon.

"And where were you, young man?! Nakarating sa akin ang balita na hindi ka pumasok sa afternoon class mo and let me remind you, exam week is next week! Anong meron?" she asked

I sighed. "I—I just had something to take care of! It was a life and death situation, Miss Jenny! Seryoso! Just let it slip this one time, please? Hindi puwede 'to makaabot kay Nanay! She's stress enough lalo na at malayo si Tatay at talagang inatake pa ng sakit niya! Please?" I plead at baka nga totohanan ko nang iyakan ang sitwasyon ko ngayon.

"You should have thought about it before ditching school, Eero! This is your last warning, okay? I'll let you this last time pero do it again, no more warning calls from me! Understand?"

I sighed. "Promise," sabi ko na lang.

Last time na rin naman siguro 'tong mangyayari, 'no?

"Kamusta ang Tatay mo? Okay na ba siya?" she asked at mas malumanay na ang tonado niya ngayon.

Miss Jenny and Tatay are like siblings. Mas marami pa nga ata silang bonding moments ni Tatay kaysa kay Tita Laura mismo, e. Isa pa, Tita Laura and Miss Jenny are best friend's kaya mas solid ang samahan.

"Well, sabi naman ni Nanay, okay naman daw si Tatay. She checked his medical records recently at minor attack lang naman daw. But I don't know, mukhang nagpaplano si Nanay na pumunta na muna ng Germany para samahan si Tatay. We can't afford another attack from Tatay tapos malayo kami sa kanya. Nanay wants to make sure he is okay at kaya pa i-handle ang pressure ng kumpanya. That's about it, I guess." Kuwento ko.

"Okay! Thank you for letting me know! O sige na at may work pa 'ko! Umuwi ka na, at baka kung saan ka pa magsisipunta! I didn't pardon you for something irrelevant! Mag-aral ka at do better in your exams, okay?" sabi na lamang nito.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon