Episode 63

688 86 57
                                    

Episode 63: Honesty

---
Please don't forget to vote the episode, drop some comments and share the story! It'll mean a lot. ❤️

---

"Anak ng tokwa! Sa lahat ng babaeng pinagpala, si Ericka talaga babalik sa buhay mo, pre?!" Si Kyle

Katatapos lang ng naging meeting namin at naging maayos naman ang takbo nito. We closed the deal and for sure, masaya ang daddy ni Debbie sa kinalabasan nito.

"Anong babalik sa buhay ko?! Gago ka ba?"

"Tanga! Hindi! I mean, si Ericka 'yon! Nabaliw sa iyon noon! Nagtagal din kayo! Isa pa, come to think of it, noon, parang si Debbie nga siya, e! Mahinhin, maganda, mahiyain, kaso 'di mo nga lang mahal—mahal mo si Debbie!"

"Putek ka! Pinagsasabi mong parang si Debbie?! They are not, okay?! Tsaka, ano bang pinagsasasabi mo riyan, e past is past! Ang tagal na no'n! Malamang nakapag-move on na iyon at may bagong jowa na! Tumigil ka nga riyan sa reaksyon mong parang kahapon lang nangyari ang mga ganap namin ni Ericka! Siraulo 'to!"

Natawa siya."Sabagay! Pero ano, can you work with her? Ako ang madalas na makakasama niya pero as the main engineer, magiging magkatrabaho rin kayo! Mahirap na! Paano na si Debbie?! Marupok ka pa naman, hayup ka!"

"H'wag kang mapagbintang! Loko ka! Finalized mo na na nga lang ang naging kasunduan natin sa kanila! Tsaka, stop exaggerating! She's out of the story long before! Mga propesyonal na kami ngayon, this shouldn't be a big deal."

"But can you remember how devastated Ericka was that time, pre? Grabe iyon! Kamuntikan na akong makumbinsing i-alay ka sa kanya!" Natawa ito. "Sabagay, matagal na nga naman iyon! Malay naman natin, sa ganda niya ngayon malamang, may boyfriend na siya o 'di kaya baka may pamilya na rin katulad mo!"

"Exactly! Kaya puwede ba, h'wag ka na gumawa ng issue diyan! Tsaka, Ericka needs to know that I have my own family now, just incase."

"Naks! Sabagay! Dapat talaga sabihin mo rin kay Debbie na kasama mo sa isang project iyong ex mo para walang problema! Nakakatakot pa naman magalit si Madam Debbie, shuta! Ayaw ko na! Baka mapugutan na ako ng ulo this time! Hinding hindi na ako kakampi sa 'yo!"

"Baliw ka! Pinapalabas mo pa talagang nagloko ako, naimpluwensyahan ka na talaga ni Maggie!"

"No way! E kontrabida nga rin iyong Maggie sa amin ni Irene! Feeling ko, masasakal ako no'n pag-uwi dahil sa mga report niya, nagbabagong buhay na nga!"

Hindi naman sa nambababae kami, no, we are not, and never! Pero sadyang sa dami ng mga naging babae namin dati, hirap na hirap kaming umiwas sa kanila—alam mo iyon, kung nasaan kami sa galaan, naroon din sila?! Tsaka, seryoso, alam ko ang prinsipyo ko sa buhay at gising ang diwa ko! Na kahit marami akong naging babae noon, iisa na lamang ang para sa akin ngayon, si Debbie lang, at syempre, si Jamjam! Ito na nga ba ang sinasabi sa akin ni Kuya JM noon sa amin ni Kuys EL, ha-huntingin nga naman talaga kami ng mga babaeng dumaan sa buhay namin, sana h'wag na. Peace on earth na nga, e.

Bumuntong hininga ako. Ayaw ko nang isipin ang bagay na iyon. Maybe I'm like this because I'm just this guilty towards Ericka, mali ang ginawa ko sa kanya, I broke her heart. Kahit pa sabihing she knew everything from the start, alam ko, kasalanan ko pa rin. I messed her calm life and there is no excuse.

Babae rin ang anak ko, hindi ko gugustuhin na maranasan niya ang bagay na iyon. Hindi puwede! Kaya siguro as much as possible, hihingi ako ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan.

"Past is past. Ayaw ko na isipin ang bagay na 'yan! Tsaka, wala naman akong balak maglihim kay Debbie 'no! Mag trabaho na nga tayo!" sabi ko

"Osya! Aalis lang ako't may site visit ako sa Cavite! Nagsisimula na ang construction ng provincial market project natin kaya kailangan imonitor! Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka, pre!" ani Kyle at napatango na lang ako.

Prince 3: Patient Love (✔️) Where stories live. Discover now