CHAPTER 26

36 6 1
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 26:

—JADE POV—

Kasalukuyan na ako nag susuot ng hikaw, may usapan kasi kami ngayon ni Marvin na magkikita kami at susunduin niya ako dito sa bahay.

Maya maya pa ay narinig ko na ang katok sa pintuan kaya nagmamadali ako na binuksan ito.

Ngunit ng buksan ko ang pintuan, hindi si Marvin ang nakita ko. Kundi si Ian.

“Ian? Anong ginagawa mo dito?” pagtataka ko.

Hindi nagsalita si Ian at agad nalang niya ako niyakap. Gusto ko siyang itulak pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.

“Ian ano ba, bitawan mo nga 'ko.” inis na sambit ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya sakin.

“Minsan na kitang binitawan noon, at sobrang pinagsisisihan ko yun Jade. I shouldn't hurt you.” sambit ni Ian.

Dahilan upang tumulo na ang luha ko ng sariwain ko na sa isip ko ang masayang relasyon namin ni Ian na humantong sa hiwalayan dahil sa pagtataksil niya sakin.

Maya maya pa ay kusa ng kumalas mula sa pagkakayakap sakin si Ian saka niya pinunasan ang luha ko.

“Patawarin mo sana ako sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, sa panloloko ko sayo. Bigyan mo pa sana ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko ang sarili ko sayo, Jade.” naluluhang pagkakasabi ni Ian saka siya lumuhod sa harapan ko. Ramdam ko ang sinsiridad sa paghingi niya ng tawad sakin.

Ngunit kahit ilang beses pa siya lumuhod at magmakaawa sakin para sa isa pang pagkatataon na hinihingi niya, ay hindi na niya mababago ang isip ko. Hindi na niya matuturuan pang muli ang puso ko na mahalin siya dahil si Marvin na ang nilalaman nito.

“Tumayo ka d'yan.” seryosong pagkakasabi ko.

“Hindi ako tatayo hanggat hindi ko naririnig mula sayo na pinapatawad mo na ako. At handa mo na akong muling mahalin, tulad noo.” saad ni Ian na lalo lamang nagpagulo sa isip ko.

“Kaya kitang patawarin, kaya kong kalimutan lahat ng panloloko mo sakin. Pero isa lang ang hindi ko kaya, ang muli kang mahalin. Kaya kahit maglupasay ka ba d'yan sa sahig, hinding hindi na ako babalik sayo Ian. Hinding hindi na ako magpapakatanga.” seryosong pagkakasabi ko.

Ilang saglit pa ay nakita ko ng bumaba na ng kotse si Marvin.

“Umalis kana, at wag kana sanang magpakita pa sakin. Pabayaan mo na ako kung kanino ako mas magiging masaya. At alam mong hindi ikaw yun.” seryosong pagkakasabi ko.

Agad narin naman na tumayo si Ian, bago siya umalis ay tumingin pa siya sakin.

Deep inside, nakaramdam ako ng guilt at awa kay Ian habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo. Hinihiling ko nalang na sana, tulad ko ay maging masaya narin siya kasama ng babaeng nilaan ng diyos para sakanya.

—MARVIN POV—

“Anong ginagawa ng Ian na yun dito? Ikaw ba pinuntahan non?” seryosong tanong ko kay Jade matapos ko masalubong si Ian sa labas ng gate.

“Nagseselos ka?” nakangising tanong niya sakin.

“Aba, sino ba naman hindi magseselos? Kapag yung girlfriend mo pinupuntahan ng ex niya.” seryosong pagkakasabi ko.

Agad naman tumawa si Jade.

“Bakit ka natatawa?” seryosong tanong ko.

“Wala. Ang cute mo pala magselos 'no?” nakangisi niyang pagkakasabi.

Tinitigan ko lamang siya.

“Bakit ganyan ka makatingin sakin?” pagtataka niya.

“Mas gumaganda ka kasi kapag nakangiti ka.” seryosong pagkakasabi ko habang nakatitig sa kaniya.

Agad naman siya tumingkayad at bigla ako hinalikan. Oo, kailangan niya pa talaga tumingkayad para mahalikan niya ako dahil mas matangkad ako sakanya.

Maya maya pa ay bigla ko siya binuhat na ikinagulat niya.

“Ibaba mo 'ko!” utos niya sakin.

“Ayaw ko.” seryoso kong pagkakasabi at buhat buhat ko nga siya hanggang sa makalabas kami ng gate ng bahay niya.

Halos lahat tuloy ng kapitbahay niya ay samin nakatingin.

To be continue.

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now