CHAPTER 21

40 6 4
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 21:

—MARVIN POV—

“So sinasabi mo na si Jade, may posibilidad na siya yung babaeng nasa panaginip mo lagi?” pag uulit na tanong ni Jefferson matapos ko i-kwento sakanya lahat ang mga natuklasan namin ni Jade.

“Ganun na nga Bro. pero hindi pa ewan ko ba, parang may pagdu-duda parin ako.” saad ko sabay tungga ng beer na nasa can.

“Ano pa ba ang kaduda-duda bro? Sayo narin nanggaling noon na ng magkita kayo ni Jade sa mall ay parang familiar siya sayo. Tapos base sa kwento mo kanina, nakita mong may birth mark si Jade parehas ng sayo kung saan pinaniniwalaan ng iba na may connection daw yun sa kung paano ka namatay sa past life mo. Eh diba ba nga, yung Jazz at Elyas na sinasabi mo eh binaril sa dibdib noon kaya sila namatay? At ito pa ang malupit Bro. magkamukha si Jade at yung Jazz sa picture. Eh baka nga ikaw talaga si Elyas.” paliwanag ni Jefferson.

“Kung ako man yun, sisiguraduhin ko na hindi na kami magkakahiwalay pang muli ni Jade.” seryosong pagkakasabi ko at agad kami nag cheers ni Jefferson.

——

—JADE POV—

Nandito kami ngayon ni Wendy sa isang Regression Therapy Clinic. At aminado ako na kinakabahan ako sa mga posible kong matuklasan. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako o malulungkot kung sakaling ako nga talaga si Jazz.

Ilang saglit pa ay sinimulan na nga akong isailalim sa isang past life regression therapy sa tulong ni Dr. Angel ang regression therapist.

Pinapikit niya ako habang nakahiga sa isang higaan na animoy natutulog lang at hayaan dalhin ako ng diwa ko sa aking nakaraan.

********
“Alam ko sobrang daming pagsubok na ang magkasama natin napagdaan, nalagpasan, napagtagumpayan at marami pa tayong pagsubok ang magkasamang haharapin. Akala ko noon, imposible sa isang tulad ko ang mapamahal sa isang babae, pero nagbago yun ng makilala kita. Ikaw yung nagturo sakin na magmahal. Binigyan mo rin ako ng pagkakataon na maranasan na mahalin. Hindi ko makakaya kapag nawala ka sakin Jazz, sobrang mahal na mahal kita. First Lieutenant Jazz Vargas will you marry me?” nakangiting pagkakasabi ni Elyas sakin sabay pakita ng singsing.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga sandaling yun. Walang mapagsidlan ng saya ang nararamdaman ko.

“Oo naman. I will marry you, kahit saang simbahan pa yan.” naiiyak na pagkakasabi ko dahil sa labis-labis na tuwa.

Agad naman sinuot ni Elyas sa finger ring ko ang singsing. Saka niya ako hinagkan sa labi.

———

Tumutulo ang luha ko habang inaabot ang kamay ni Elyas.

“In my next life, I will find you.” naghihingalo kong pagkakasabi habang patuloy sa pag agos ng luha sa pisngi ko.

Mahigpit naman na hinawakan ni Elyas ang kamay ko.

“Mahal na mahal na mahal kita.” nakangiting pagkakasabi ni Elyas hanggang sa tuluyan niya ng ipikit ang mga mata niya.

Bago mandilim ang paningin ko ay nakita ko pa ang papalapit na mga sundalo sa kinaroroonan namin ni Elyas.

********

Halos mapahagulhol ako sa iyak ng idilat ko na ang mga mata ko. Kaagad naman ako niyakap ni Wendy.

“It's me.” nakangiti kong pagkakasabi habang patuloy ang pag agos ng luha mula sa mata ko.

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng message mula kay Marvin. Gusto niya makipag kita sakin doon sa park malapit sa photoshoot studio ng 6PM.

Agad naman kami nagtinginan ni Wendy.

——

—SHANTAL POV—

“Seryoso ka ba talaga na makikipag balikan ka kay Marvin, atapos mo siyang iwanan?” sarcastic na tanong sakin ni Eyana.

“Yes of course. And I will do everthing to win him back. Alam ko naman na until now, he's still love me.” nakangising pagkakasabi ko.

“I don't think so Shantal. For sure sa loob ng ilang taon na hiwalay na kayo may iba ng nagpapatibok sa puso niya ngayon.” saad ni Eyana.

Agad ko naman siya tinaasan ng isang kilay.

“Can you just support me? Hindi yung dini-discourage mo pa 'ko.” inis na pagkakasabi ko.

“Nakakalimutan mo yata na may sinira kang relasyon ng maging kayo ni Ian. Tapos ngayon, bigla ka makikipag balikan kay Marvin?” tila pangongonsensya sakin ni Eyana.

“Gusto rin na makipagbalikan ni Ian sa ex niyang si Jade. So patas na kami ngayon.” nakangising pagkakasabi ko.

Bahagya naman napakunot ang noo ni Eyana.

“So yun na yun? Matapos niyong sirain ang mga kanya kanya niyong relasyon tapos bilang babalikan niyo mga ex niyo? Alam mo kung hindi kita kaibigan baka nasampal na kita ng sampong beses ng magising ka naman d'yan sa kabobohan at katangahan mo.” sarcastic na pagkakasabi ni Eyana pero nginitian ko lamang siya kaya napailing na lang siya.

——

—IAN POV—

“Nand'yan ba si Jade?” agad na tanong ko kay Wendy ng pagbuksan niya ako ng pintuan.

“Ikaw na naman? Bakit ba lagi mo hinahanap si Jade? Wala siya dito umalis siya may pinutahan.” mataray na pagkakasabi ni Wendy.

“Pwede ko ba malaman kung saan siya nagpunta?” mahinanon na tanong ko.

“At bakit ko naman sasabihin sayo na nasa Nature Park si Jade?” sarcastic na pagkakasabi ni Wendy at bigla siya napatakip ng bibig dahil hindi niya inaasahan na madudulas siya ng pagsabi sakin kung nasaan si Jade.

“Ok sige, thank you.” nakangiting pagkakasabi ko at agad na umalis upang puntahan si Jade.

Kailangan ko humingi ng tawad kay Jade, at humingi ng isa pang pagkakataon. Pinapangako ko na kailan man ay hinding hindi ko na siya lolokohin at sasaktan.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now