CHAPTER 11

39 7 6
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 11:

—JADE POV—

Naalimpungatan ako matapos ko mapanaginipan ang isang lalake, hindi malinaw sakin ang mukha niya. Pero tinawag niya ang First Lieutenant Jazz Vargas, kakapanood ko yata 'to ng kung ano ano kaya kung ano ano rin naiisip ko.

Hanggang sa bigla na lang sumagi sa isip ko ang Guns n' Roses na painting doon sa photoshoot studio ni Marvin.

“Oh Jade, aga mo nagising ah. Alas-kwatro palang ng madaling araw.” saad ni Wendy ng pumasok siya sa silid ko.

Agad naman ako tumingin sakanya hanggang bigla nalang pumatak ang luha ko.

“Oh umiiyak ka? Naku sabi ko naman sayo wag mo na iiyakan yung Ian na yun diba?” saad ni Wendy ng lapitan niya ako.

“Hindi ko maintindihan Wendy, pero nakakaramdam ako ng matinding lungkot ngayon. Hindi dahil sa break up namin ni Ian, pero parang may iba pa. Naguguluhan ako. Kanina kasi may napanaginipan akong lalake, then he called me First Lieutenant Jazz Vargas. Hindi ko nakita mukha niya eh. Pero ng magising ako sumagi sa isip ko yung Guns n' Roses painting doon sa photoshoot studio ni Marvin. Tapos ito, nalulungkot ako na hindi ko maintindihan.” pagki-kwento ko.

“Hindi kaya reincarnation ka ng sinasabi mong Lieutenant?” nakangising tanong ni Wendy sakin.

Agad naman ako natawa.

“Pwede ba Wendy kahit ngayon lang maging seryoso ka naman sa mga isasagot mo sakin. Hindi ako nakikipag biruan ok?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Hindi naman kasi ako nagbibiro Jade. Malay mo may connection ka talaga sa Lieutenant yun.” pagpupumilit ni Wendy.

“Hayst ewan ko sayo. Lumabas kana nga ng kwarto ko. Matutulog na ako ulit.” inis na pagkakasabi ko.

Paano ba naman, sabihin ba naman na reincarnation ako ng First Lieutenant na yun. Eh hindi naman totoo yung reincarnation.

——

—MARVIN POV—

[6:30AM]

“Bro. ikaw na muna bahala dito sa studio.” nakangising bilin ko kay Jefferson.

“Oh, bakit saan ka pupunta?” pagtataka niya.

“Pupuntahan ko si Jade, she need someone to talk to. Naranasan ko na kasi yung mabigo sa pag-ibig kaya alam ko ang pinagdaraan niyang sakit ngayon. Kailangan niya ng makakausap.” saad ko.

“Wow naman Bro. shoulder to cry on kana ngayon ng mga broken hearted.” natatawang pagkakasabi ni Jefferson.

Tinapik ko lang si Jefferson sa braso at kaagad narin akong umalis upang magtungo sa bahay ni Jade.

——

“Good Morning” bati ko sa bestfriend ni Jade na nagwawalis sa bakuran.

“Ay kabayo!” gulat na pagkakasabi niya.

“Grabe ka naman sakin. Yung gwapo kong 'to iko-kompara mo 'ko sa kabayo?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Eh ikaw naman kasi, wala man lang pasintabi bigla kana lang sumusulpot d'yan.” inis na pagkakasabi niya.

“Si Jade, kamusta siya?” mahinanon na tanong ko na may pag aalala.

“Nasa kwarto niya. Tulog pa yata.” saad ni Wendy.

“Ganun ba? Sige, pakisabi nalang na bumisita ako.” saad ko. Aalis na sana ako dahil ayaw ko rin naman istorbohin ang pagtulog ni Jade ng marinig kong tawagin ni Jade ang pangalan ko kaya agad ako napalingon sa gawing kanan.

“Exit na muna ako ah. Kayo na muna bahala mag usap d'yan.” saad ni Wendy saka umalis bitbit ang walis-tingting.

Agad naman naglakad palapit sakin si Jade.

“Good Morning. Naistorbo ko ba yung tulog mo? Pasensya kana, pwede naman ako umalis na----”

“Malayo layo rin yung binyahe mo mula doon sa studio mo papunta dito tapos aalis kana lang agad. Kanina pa naman ako gising, hindi lang ako lumalabas ng kwarto ko.” saad ni Jade.

“Ah ganun ba. Baka kasi nakakaistorbo ako. Oo nga pala, ito oh may dala akong almusal. Nag almusal kana ba?” nakangiting tanong ko sabay pakita ng paper bag na dala ko.

“Hindi pa, wala pa akong gana.” matamlay na pagkakasabi ni Jade.

“Hindi pwedeng wala kang gana. Tara, sabayan mo 'ko mag almusal.” nakangising pagkakasabi ko.

Tumingin lamang sakin si Jade na para bang nangungusap ang mga mata niya.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon