CHAPTER 24

35 7 3
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 24:

[3days later]

—JADE POV—

Nagulat nalang ako ng pagdilat ng mata ko ay nakita ko si Marvin na nakangiti sakin kaya naman agad ako napabalikwas.

“Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka sa kwarto ko? Paano ka nakapasok?” magkakasunod na tanong ko.

“Kalma lang, isa isa lang ang tanong. Anong ginagawa ko dito? Well, nandito ako para sunduin ka. May pupuntahan tayo. Paano ako nakapasok? Siyempre dumaan ako sa pintuan ako ng kwarto mo. Joke lang, si Wendy ang nagpapasok sakin dito. Tulog ka pa daw kasi eh. Kaya sige na, bumangon kana d'yan.” nakangising pagkakasabi ni Marvin.

“Ibangon mo 'ko.” nakangising pagkakasabi ko saka ko tinaas ang dalawang kamay ko para itayo niya 'ko.

Agad nga niya ako hinawakan sa dalawang kamay ko upang ibangon pero biglang na nawalan ng pwersa si Marvin kaya magkasama kaming bumagsak sa kama.

Kakaibang kilig ang nararamdaman ko ng magtama ang mga mata namin ni Marvin.

At ilang saglit pa nga ay sinunggaban na ako ng halik ni Marvin.

“Bakit tumigil ka? May problema ba?” seryosong tanong ni Marvin ng tumigil ako sa paghalik sakanya.

“Hindi pa ako nagto-toothbrush. Kagigising ko nga lang diba?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Oh ano ngayon?” nakangising pagkakasabi ni Marvin at muli niya ako hinalikan.

“Opps...sorry ah nakakaistorbo ba ako?” nakangising sabat ni Wendy ng bigla siyang pumasok sa kwarto ko.

Maya maya pa ay agad narin akong bumangon pagkatapos ay nag asikaso ng pagligo habang si Marvin ay nag-iintay sakin sa sala kausap si Wendy para naman hindi siya mainip sakin.

Nang makapag gayak na ako ay agad narin ako lumabas ng silid ko at nagtungo sa sala kung saan ako iniintay ni Marvin.

—MARVIN POV—

“Ingat kayo kung saan man kayo pupunta. Marvin, ingatan mo kaibigan ko ah. Kahit tanga nga yan noon sa pag ibig mahal ko yan.” bilin ni Wendy at bahagya naman natawa si Jade.

“Wag ka mag alala Wendy, hinding hindi ko papabayaan 'tong si Jade. Dahil mahal na mahal ko rin 'to.” nakangiting pagkakasabi ko habang nakatitig ako kay Jade saka ko hinawakan ang kamay niya.

“Oh sige na nga, umalis na kayo. Nilalanggam na ako dito eh.” pagtataboy samin ni Wendy at natatawa naman kami ni Jade na umalis.

Agad kong pinagbuksan ng pintuan ng sa front seat si Jade saka siya inalalayan na makasakay. Pagkatapos ay sumakay narin ako sa driver seat saka agad na ini-start ang kotse at pinaandar ito.

“Saan ba tayo pupunta?” agad na tanong ni Jade sakin.

“Basta, pero sigurado akong matutuwa ka.” nakangiting pagkakasabi ko.

Agad naman na ngumiti sakin si Jade.

Nag research ako tungkol kay Jazz Vargas na namatay dahil sa ingkwentro noong November 16, 1992. Habang ipinanganak naman si Jade on the same day ng mamatay si Jazz.

Inalam ko kung saan ang dating bahay ni Jazz, nakatira din pala siya dito sa Manila. Buhay pa ang bahay na iyon kahit halos magti-30years na ang nakakalipas mula ng mamatay si Jazz.

Gusto ko siyang dalhin sa bahay na yun, gusto kong makita niya muli ang bahay na yun.

Around 9AM ng marating namin ang isang exclusive subdivision dito sa Manila. Malayo palang ay matatanaw na ang malaking bahay ng pamilya ni First Lieutenant Jazz Vargas, ayon kasi sa research ko ay mula sa mayamang pamilya si Jazz bago pa man siya pumasok sa pagsusundalo at maging Lieutenant.

—JADE POV—

Pagbaba ko ng kotse at matanaw ang gate ng kulay puti at asul na pintura ng malaking bahay ay napapikit na lamang ako at halo halong emosyon na ang naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko ng makita ko ang bahay na yun.

“Anong ginagawa natin dito? Kaninong....kanino bahay 'tong pintuhan natin?” magkakasunod na tanong ko kay Marvin na nakatingin din sa bahay, agad naman siya tumingin sakin.

“Bahay ito ni Jazz. Ang bahay kung saan siya lumaki at nagkaisip.” saad ni Marvin.

At doon na nga nagsimulang tumulo ang luha ko.

“Sino kayo? Anong kailangan niyo?” rinig kong tinig ng isang boses lalake na may edad na kaya agad ako napalingon sa likod ko.

“J-jazz...anak?” sambit ng lalake at bigla nalang ako nitong niyakap kaya hindi na ako nakagalaw pa.

Patuloy naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

“Nagbalik ka anak.” naluluhang pagkakasabi ng matandang lalake sakin agad naman ako napasulyap kay Marvin.

“Hindi po Jazz ang pangalan ko. Ako po si Jade....Jade Sarmento po.” saad ko.

“Pasensya kana, ang laki kasi ng pagkakahawig mo sa nag iisang anak ko. Pero matagal na siyang patay.” nakangiting pagkakasabi ng matandang lalake habang nanggigigilid parin ang luha sa mata niya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang ako 'to. Ako si Jazz na anak niya, ngunit nasa ibang katauhan na.

Kaya ang ginawa ko ay muli ko nalang niyakap.....ang daddy ni Jazz.

To be continue..



My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now