CHAPTER 13

38 6 5
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 13:

—MARVIN POV—

Dahil masyadong maraming tao sa amusement park ay hindi ko na nasundan pa si Jade. Nawala nalang siya sa paningin ko, hindi ko alam kung saan siya nagsuot.

Hindi ko naman siya matatawagan dahil wala rin akong number niya.

Pero hindi parin ako tumigil sa kakahanap kay Jade, alam kong nandito lang siya sa paligid ng amusement park at hindi pa siya nakakalayo.

—JADE POV—

Sobrang sama ng loob ko sa kanilang tatlo dahil niloko't pinaglaruan nila ako. At dahil nga sa sama ng loob na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon ay hindi ko na alam kung saan na patungo.

Hanggang marating ko ang isang eskinita.

At sa paglalakad ko nga ay nasalubong ko ang apat na lalake. Amoy alak sila, kaya halos bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Iba ang tingin sakin ng isang lalake kaya napaatras ako pero tila bumangga lang sa kung sino kaya agad ako napalingon at isang lalake na may katangkaran at may matikas na pangangatawan ang nakita ko.

Maya maya pa ay pinalibutan na nila ako. Agad ko kinapa ang cellphone sa bag ko upang makahingi ng tulong pero mabilis itong inagaw sakin ng isang lalake.

“Wag kana mag aksaya pa ng oras na humingi ng tulong miss beautiful dahil baka masaktan kalang. Kung ako sayo sumama kana lang samin, dahil dadalhin ka namin sa langit.” nakangising pagkakasabi ng lalake na nakasuot pa ng bonet.

Takot na takot na ako ng mga oras na yun dahil wala masyadong tao sa paligid kaya kahit sumigaw ako upang humingi ng tulong ay wala rin makakarinig sakin.

“Leave her alone!” isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya agad ako napalingon sa likod ko at nakita ko si Marvin na may hawak na baril.

“Marvin.” sambit ko.

“At sino ka naman?” maangas na tanong ng isa pang lalake.

“Boyfriend ako ng babeng binabastos niyo.” saad ni Marvin. Wait ano daw? Boyfriend ko siya?

“Ngayon kung ayaw niyong kumalat ang utak niyo dito sa sahig, umalis na kayo.” pagbabanta ni Marvin at agad niya kinasa ang hawak niyang 45 Caliber na baril.

Dahil sa takot ng mga lalakeng may balak na masama sakin ay kaagad silang kumaripas ng takbo.

Hindi ko naman maiwasan na matulala kay Marvin habang hawak niya ang baril.

Nang umalis na ang mga nambabastos sakin ay kaagad ako nilapitan ni Marvin saka niya ako mahigpit na niyakap na kinagulat ko.

“Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo.” seryosong pagkakasabi sakin ni Marvin habang nakayakap siya sakin.

Pakiramdam ko ay tumahimik ang buong paligid at tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

—IAN POV—

Nag alala rin naman ako kay Jade kasi kahit papano ay may pinagsamahan kami. Kaya kahit ayaw ni Shantal ay tumulong din ako sa paghahanap kay Jade, gusto ko rin kasi makapag paliwanag sakanya.

Pero ilang saglit pa ay nakita ko na siya....sila ni Marvin na magkayakap.

At bakas sa mukha ni Jade ang matinding takot. Hindi ko alam kung anong nangyari, peri nakaramdam ako ng selos ng mga sandaling yun. Ako dapat yung pomo-protekta kay Jade, pero mukhang hindi na ngayon.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon