CHAPTER 15

37 6 3
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 15:

—MARVIN POV—

“Mahal na mahal kita Elyas......”

Nagising ako mula sa isang panaginip. Isang babae na naka-damit ng uniporme pang sundalo ang tumawag sakin na Elyas. Hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko ang babaeng yun at tinawag niya ako sa pangalan na Elyas. Ngunit hindi ko na lamang 'to iniintindi, kahit na palaging sinasabi sakin ni Jefferson na baka may connection sakin ang Elyas na yun at ang babae sa panaginip ko.

Dahil sa panaginip ko na yun ay hindi na ako muli pang dinalaw ng antok. Pasado alas-onse na ng gabi, tatawagan ko sana si Jade kaso naisip ko na baka tulog na siya. Ayaw ko naman siya maistorbo.

Pero bigla tumunog ang cellphone ko, ng tignan ko ito isang text message ang na-recieve ko mula kay Jade. Kaya naman awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko.

“Good Evening, sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. Gusto ko lang magpasalamat sayo. Sa ginawa mong pagliligtas sakin kanina. Kung hindi ka dumating, baka kung ano nangyari sakin.” — ang nilalaman ng mensahe mula kay Jade.

—JADE POV—

Matutulog narin sana ako matapos ako mag iwan ng text message kay Marvin. Pero bigla nag ring ang cellphone. Pagtingin ko ay si Marvin ang tumatawag kaya taranta ako na sinagot ang tawag niya.

“H-hi.”

“Mabuti naman gising ka pa. Akala ko tulog kana eh.” saad ni Marvin sa kabilang linya.

“Obvious ba? Eh kung tulog na ako masasagot ko ba yung tawag mo?” biro ko.

“Bakit ka nga pala napatawag?” pagtatakang tanong ko.

“Gusto ko lang kamustahin ka. Isa pa, hindi naging maganda ang paglabas natin kanina. Kaya kung ok lang sayo, pwede ba kita ulit yayain na lumabas? Pero kung ayaw mo o-----”

“Anong oras bukas?” agad na tanong ko.

“H-huh?” paglilinaw ni Marvin.

“Oh, akala ko ba gusto mong lumabas tayo bukas. Anong oras ba tayo magkikita? At saan ang meeting place natin?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Ah around 2PM, susundin kita bukas sainyo.” saad ni Marvin.

“2PM? Baka naman 2:01PM ka dumating.” biro ko at agad natawa si Marvin.

Kinabukas nga 1:30PM palang ay sinundo na ako ni Marvin dito sa bahay. Sakay ng kotse niya ay nag road trip kami, kapag may nadaan kami na nagbebenta ng street food ay kaagad kami bumababa ng kotse upang kumain. Sobrang saya kausap at kasama ni Marvin, pakiramdam ko sa tuwing kausap ko siya ay sobrang tagal na namin magkakilala kahit na halos mag iisang buwan palang namin kilala ang isa't isa.

/~will you be with me forever~ will you stay by my side until the end of the world~ I will be sure to do that until the end~/

Hanggang sa maabutan na kami ng malakas na ulan. Ngunit imbes na sumilong ay nagtampisaw pa kami sa ulan na para bang mga bata na sabik sa malakas na buhos ng ulan.

——

—WENDY POV—

Naghahanda ako para sa hapunan ng may biglang kumatok. Inisip ko na baka yun na yung pinapa-deliver ko na pagkain kaya agad ko tinungo ang pintuan.

Pero nabigla ako sa nakita ko ng buksan ko ang pintuan.

“Ian? Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ko kay Ian na basa dahil sa ulan.

“And'yan ba si Jade?” tanong niya.

Hindi lang siya basa sa ulan, amoy alak din si Ian.

“Bakit mo hinahanap ang kaibigan ko?” sarcastic na tanong ko.

“I want to talk to her.” seryosong pagkakasabi ni Ian.

“Wala dito si Jade, umalis siya at kasama niya si Marvin. Hindi ba't niloko mo ang kaibigan ko? Kaya pwede ba Ian, wag ka ng manggulo pa. Masaya na ang kaibigan ko. Pabayaan mo na siya.” mataray na pagkakasabi ko at agad na pinagsaraduhan ng pinto si Ian wala akong pakealam kung mabasa pa siya ng ulan sa labas. Kulang pa yun sa sakit na dinulot niya sa panloloko sa kaibigan ko.

To be continue..

                                                                      

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now