CHAPTER 5

49 7 2
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 5:

—MARVIN POV—

Nasa Photoshoot Studio ako na pagmamay ari ko. Nire-review ko kasi ang mga shots ko sa nakalipas na ilang linggo.

Nang mapako ang tingin ko sa isang larawan ng babae. Siya yung babaeng sobrang familiar sakin, ngunit ko naman alam kung saan ko siya unang nakilala. Ang alam ko lang ay siya yung babaeng mataray doon sa mall.

Hindi ko alam na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mga stolen shots niya sa camera ko.

Hanggang sa mapansin ko ang lalakeng kasama niya na kumakain sa restaurant na yun. Siya yung pinakilalang boyfriend ni Shantal sakin.

Agad tuloy ako napaisip kong anong relasyon ng boyfriend ni Shantal sa babaeng 'to.

——

—JADE POV—

Nandito ako ngayon sa isang park. Nagpapalipas ng oras. Anniversary namin ni Ian ngayon, we supposed to celebrate our 3rd anniversary together. Pero sobrang busy yata ni Ian kaya pati yung special day namin dalawa ay nakalimutan niya.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili sa isang relasyon na ganito ang set up. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga kay Ian, wag niya lang akong iwan.

Naglalakad lakad ako sa park pero lutang ang isip ko. Hanggang sa marinig ko ang tila tunog ng isang camera kaya agad ako napalingon.

At isang lalake ang nakita kong may hawak nito. Nakangisi pa siya habang pinagmamasdan ang nakuhaan niya. Hanggang sa mapasulyap siya sakin at nagtama ang mga mata namin.

Namumukaan ko siya, siya yung lalake doon sa mall na aksidente kong nakabanggaan.

Ngunit bakit ganito yung nararamdaman ko. Bakit tila yata bumibilis yung tibok ng puso ko.

/see your face~ see your eyes~ so I knew I placed you in my heart~/

“Ikaw na naman? Stalker ba kita?” mataray na tanong ko sa lalake agad naman siya ngumisi sakin.

“At bakit naman kita susundan? Nandito ako sa park dahil may iniintay akong client. Malay ko bang nandito karin.” seryosong niyang pagkakasabi at agad ko naman siya tinaasan ng kilay.

—MARVIN POV—

Kasalukuyan ko iniintay ang client ko dito sa park ng masungpungan ko na naman siya. Sino pa ba? Edi yung magandang babae na nahagip ng lente ng camera ko doon sa restaurant. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na muli siyang kuhaan ng stolen shots.

Hindi ko narin pinalagpas ang pagkakataon na yun para tanungin siya tungkol sa lalakeng kasama niya sa restaurant noong nakaraan. Pero baka isipin niya stalker ako, kahit hindi naman talaga. Nagkakataon lang talaga na palagi kami pinagko-crossed ng landas.

“Miss, matanong ko lang. May boyfriend kana?” seryosong tanong ko.

Bigla naman siyang natawa. Wala naman nakakatawa sa tanong ko.

“Hmmm siguro na-love at first sight ka sakin 'no? Iba talaga ang ganda mo Jade.” nakangisi niyang pagkakasabi sabay tapik sa balikat niya.

Agad naman kumunot ang noo ko.

“Pwede ba sagutin mo nalang yung tanong ko.” seryosong pagkakasabi ko.

“Bakit ba interesado kang malaman? May crush ka ba sakin? Well, hindi naman yun nakakapag taka. Sa ganda kong 'to. Pero sorry, dahil oo may boyfriend na ako at sa katunayan nga ay 3rd anniversary namin ngayon.” ang kaninang tila masigla niyang pagkakasabi ay napalitan ng lungkot ng sambitin niya na ang huling salitang namutawi sa labi niya.

Kung boyfriend ng babaeng 'to ang sinasabi ni Shantal na boyfriend din niya, ibig sabihin isa kanila ang niloloko ng Ian na yun.

“Anniversary niyo ngayon? Eh bakit mag isa ka lang dito? Iniintay mo ba siya?” tanong ko.

Agad naman siya napailing.

“He didn't answered my calls. Maybe he is busy with something or someone else. I don't know.” malungkot na pagkakasabi niya.

Tila naman kinurot ang puso ko ng makita siyang malungkot. Lalo pa't alam ko na ang dahilan kung bakit hindi niya kasama ang boyfriend niya ngayon. Dahil may iba 'tong kasama, at yun ay si Shantal.

Gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling yun, pero hindi ko ginawa dahil baka isipin niya manyakis ako.

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now