CHAPTER 7

45 7 7
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 7:

—MARVIN POV—

“Bro. ok na ba 'tong suot ko?” tanong ko kay Jefferson.

Agad naman niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.

“Ano ba kasing meron? Bakit ba kailangan bihis na bihis ka?” pagtataka ni Jefferson agad naman ako ngumisi sakanya.

“Pupunta kasi Jade dito sa studio.” nakangising pagkakasabi ko.

“Jade? Sino naman yun? Bagong pino-pormahan mo? Maganda ba? Sexy?” intersesadong tanong ni Jefferson sakin.

“Si Jade, siya yung sinasabi ko sayo na nakabanggaan ko sa mall na sobrang familiar sakin. Muli nag crossed ang landas namin kanina doon sa park. And I invited her to visit our studio with her boyfriend.” seryosong pagkakasabi ko.

“Muli nag crossed? So ibig sabihin ilang beses na kayo nagkikita ng 'di sinasadya? Baka namab destined kayo ng Jade na yun. Pero tama ba narinig ko? May boyfriend na siya?” magkakasunod na tanong ni Jefferson sakin.

“Yun na nga ang problema Bro. Natatandaan mo ba yung pagkikita namin ni Shantal? Yung pinalit niya sakin, yun din ang boyfriend ni Jade. Pero sa tingin ko wala siyang alam na niloloko siya ng boyfriend niya.” saad ko.

“Patay tayo d'yan. Naku Bro, much better kung wag kana lang makisawsaw sa problema ng iba. Hayaan mo nalang sila.” saad ni Jefferson.

Hindi nalang ako kumibo pa.

Ilang saglit pa nga ay dumating na si Jade kasama si Ian.

At ng muli magtama ang mga mata namin ni Jade ay nakaramdam ako ng kakaibang sigla. Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganito ako sa tuwing nasisilayan ko ang mukha ni Jade.

/'cause there's something in the way you look at me~/

—IAN POV—

“Marvin, si Ian nga pala boyfriend ko.” nakangiting pagpapakilala ni Jade sakin sabay pulupot sa braso ko.

Halos hindi naman ako makapag salita ng makita ko ang lalakeng pinapakilala ni Jade sakin. If I'm not mistaken, he is also the guy na pinakilala rin ni Shantal sakin kahapon.

“It's nice to finally meet you, Ian.” sarcastic na pagbati ni Marvin sakin sabay lahad ng kamay niya at agad ko naman 'to inabot.

“So, shall we start?” saad ni Marvin.

Agad naman tumingin sakin si Jade.

“Bakit parang kabado ka? Ok ka lang?” pag aalala ni Jade sakin.

“Ah oo, ok lang ako.” pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay kinakabahan talaga ako ng mga sandaling yun dahil batid ko na may alam na si Marvin sa panloloko ko kay Jade.

—JADE POV—

“Hi Jade, Jefferson nga pala. Nalimutan lang ako ipakilala ni Marvin.” nakangising pagpapakilala ni Jefferson sa sarili niya.

“Nice to meet you Jefferson.” nakangiti ko naman na pagbati sakanya.

“Start na tayo? Pumwesto na kayo doon.” seryosong pagkakasabi ni Marvin.

At agad naman kami nagpunta ni Ian sa may studio kung saan may decoration na para bang nasa city of love (Paris, France).

Nasa kalaginaan kami ng photoshoot ng mag ring ang cellphone ni Ian.

“Go answer it. Baka importante yan.” saad ko.

Agad naman tumango si Ian saka lumabas ng studio upang sagutin ang tawag niya.

Maya maya pa ay bumalik narin siya.

“Sorry Bkagitnaan I really have to go. Tumawag kasi yung secretary ni Daddy kailangan daw ako ngayon magpunta sa kompanya.” saad ni Ian.

“Ok lang sige, alam ko naman na importante yan eh. Magkita nalang tayo mamaya kapag hindi ka busy.” nakangiting pagkakasabi ko.

Bago umalis si Ian ay hinagkan niya pa ako sa pisngi.

“Masaya ka ba talaga sa boyfriend mo?” seryosong tanong ni Marvin sakin kaya agad ako napatingin sakanya.

—MARVIN POV—

“Ano bang klaseng tanong yan? Siyempre oo. Masaya ako sakanya, he's my happy pill. Ian is my everything. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sakin.” saad ni Jade.

Mas lalo lamang ako nakaramdam ng awa sakanya. Paano nalang kapag nalaman niya ang panloloko sakanya ni Ian.

“Pasensya kana. Naitanong ko lang.” paghingi ko ng paumanhin pero hindi siya kumibo ng mabaling ang tingin niya sa isa painting na naka-display sa studio ko at agad niya nga yun nilapitan.

“Sayong painting 'to?” seryosong tanong niya habang pinagmamasdan ang Guns n' Roses na painting.

Ang painting ng isang sundalong babae at ng rebeldeng lalake na nagkaroon ng matamis na pagtitinginan na humantong sa kamatayan ng dalawa. Nabili ko yun sa isang auction sa halagang 85,000. Hindi na ako nanghinayang sa pera, ang lakas kasi talaga ng dating sakin ng painting na yun kaya binili ko parin.

—JADE POV—

“Oo, nabili ko yan sa isang auction. 6years ago.” sagot ni Marvin.

At agad naman ako nilapitan ni Marvin saka magkasabay namin pinagmasdan ang painting.

Hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang luha sa mata ko.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now