CHAPTER 25

39 7 3
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 25:

—MARVIN POV—

Mabait ang daddy ni Jazz, they let me in on his house. Siguro ay dahil narin sa resemblance ni Jade ang anak niyang si Jazz and he miss his daughter so much.

Pagdating palang sa sala ay bumungad na samin ang isang malaking portrait ni Jazz na nakasuot ng uniporme ng pang sandalo.

“Siya ang anak ko, si Jazz.” nakangiting pagkakasabi ni Mr. Vargas habang nakatingin sa malaking portrait ng anak niyang si Jazz.

Napansin ko naman na nakangiting naluluha si Jade habang pinagmamasdan ang mga picture ni Jazz nasa frame.

“Hindi ko maintindihan pero sobrang gaan ng loob ko sayo Jade. Kaya't maaari ba kitang muling mayakap?” malumanay na tanong ni Mr. Vargas kay Jade.

Gusto kong sabihin kay Mr. Vargas na si Jade ay ang reincarnation ng anak niyang si Jazz pero baka hindi siya maniwala. Kaya minabuti nalang namin na wag na lang itong sabihin.

Bago kami umalis ni Jade sa bahay na yun, ay nakiusap pa si Mr. Vargas na baka maaari namin siyang bisitahin muli. Kaya nangako naman ako na weekly namin siyang pupuntahan ni Jade.

——

“Thank you for bringing me to my dad's house or should I say, Jazz dad's house.” nakangiting pagkakasabi ni Jade.

Bahagya naman ako ngumiti at sumulyap sakanya. Kasalukuyan ako nagmamaneho ng kotse.

“Pero alam mo, I feel sad for him. Sobrang namimiss niya na ang anak niyang si Jazz. Kung pwede ko nga lang sabihin na, ako 'to. Ako si Jazz, kaso...baka hindi naman siya maniwala sakin. Pero sapat na sakin na nayakap ko siya.” dagdag pa ni Jade.

“Pwede naman natin siya ulit bisitahin eh. Next week, punta ulit tayo.” nakangiting pagkakasabi ko.

“You've done so much for me. What if hanapin naman natin yung family mo----what I mean is family ni Elyas? For sure, miss narin nila ang anak nila. At kapag nakita ka nila, tulad ni Mr. Vargas ay matutuwa rin sila.” saad ni Jade.

Agad kami ni Jade nagpatulong kay Jefferson na mag research tungkol sa naganap na labanan sa Marawi noong November 16, 1992 kung saan maraming sundalo mula sa First Infantry Division ang namatay sa ambush kasama na si Elyas.

Napag alaman namin na si Elyas ay anak pala ng isang AFP General, ngunit namatay narin 'to apat na taon na ang nakakalipas.

Agad nga tumulo ang luha ko ng malaman ko yun.

Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon upang muli siyang mayakap.

Kaagad naman hinawakan ni Jade ang kamay ko.

[2days later]

—SHANTAL POV—

“Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong sakin ni Marvin ng magpunta ako sa bahay niya.

“Marvin, pwede ba tayo mag usap?” malumanay na tanong ko.

“Tungkol saan?” seryosong tanong niya sakin.

Unti unti naman ako lumapit kay Marvin.

“Tungkol satin. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo and I know that sorry isn't enough. Pero gagawin ko parin yun, hihingi parin ako ng tawad sayo. Bumalik ka lang sakin.” naluluhang pagkakasabi ko.

“Bumalik sayo?” sarcastic na tanong ni Marvin.

“Hinding hindi na mangyayari yun. Shantal, alam mong minahal kita. Lahat ng gusto mo nasusunod, lahat ng gusto ko binibigay ko sayo. For 5years ikaw ang naging mundo ko, kaya ng iwanan mo 'ko. Para akong mababaliw. Kasi iniisip ko, saan ba ako nagkulang? Ano bang ginawa ko? Bakit mo 'ko kailangan iwanan. Aaminin ko sayo, noong maghiwalay tayo hirap na hirap ako na kalimutan ka. Hirap na hirap akong mag move on. At matagal ko rin inasam ito, yung bumalik ka sakin. But it's too late, I don't love you anymore.” seryosong pagkakasabi ni Marvin dahilan upang tuluyan bumuhos ang luha ko.

Agad na nga rin umalis si Marvin sakay ng kotse niya.

Habang ako naiwan na nakatayo sa gitna ng tirik na sikat ng araw habang patuloy sa pag luha.

[Flashback]

“Happy Anniversay Mahal ko.” nakangiting pagkakasabi ni Marvin sakin dala ang malaking teddy bear at bouquet of flowers.

“Thank you mahal. Happy Anniversary too.” nakangiting pagkakasabi ko at agad na niyakap si Marvin.

“Nagustuhan mo ba?” nakangiting tanong ni Marvin sakin ng iaabot niya ang bulaklak at teddy bear sakin.

“Basta galing sayo, siyempre magugustuhan ko talaga yan.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Dahil d'yan, may isa pa akong gift sayo. But before that, close your eyes muna.” nakangising pagkakasabi ni Marvin.

“Huh? Bakit kailangan ko pa pumikit?” pagtataka ko.

“Sige na mahal. Saglit lang 'to, then pagbilang ko ng tatlo. Didilat mo na yung mata mo.” nakangising pagkakasabi ni Marvin.

“Sige na nga. Oh ayan nakapikit na ako.”

“1....2....3....”

He kissed my lips kay agad ako napadilat ng mata.

“Nagnanakaw ka ng halik ah.”

“Ito na talaga promise. Pikit mo ulit mata mo.” natatawang pagkakasabi ni Marvin.

At kaagad ko nga pinikit ang mata ko. Pag dilat ko ay bumungad sakin ang napakagandang kwentas.

“S-sakin yan?” nauutal kong pagkakasabi.

Agad naman tumango si Marvin saka niya isinuot ang kwentas sa leeg ko.

[End of Flashback]

Naluluha pa ako ng hawakan ko ang kwentas na nakasuot parin sa leeg ko. Ang kwentas na binigay sakin noon ni Marvin.

To be continue..



My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now