CHAPTER 3

59 7 5
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 3:

—SHANTAL POV—

Agad ko tinungo ang pintuan ng condo unit ko matapos ko marinig na may nag doorbell. Alam kong si Ian na yun kaya nag mamadali akong binuksan ang pintuan.

Nang mabuksan ko 'to ay nakangiti sakin si Ian saka niya ako agad na sinungaban ng halik.

“Bakit ngayon ka lang? Lumamig na lang yung niluto kong pagkain. Sabi mo kasi sabay tayo mag di-dinner.” kunwareng pagtatampo ko.

Agad naman niya hinawakan ang kamay ko.

“Sorry kung pinag antay kita, don't worry babawe naman ako sayo ngayon..” mahinahon na pagkakasabi ni Ian sakin sabay halik muli sakin.

“Hmmm siguro magkasama kayo ni Jade kanina. Ikaw naman kasi Ian, bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Jade ang totoo?” tanong ko.

Kaagad naman bumitaw si Ian sa pagkakahawak sa kamay ko at saka siya tumuloy sa living room at kaagad ko naman siya sinundan.

“Anong totoo? Ang tungkol sa relasyon natin? Ang panloloko ko sakanya? Shantal kapag ginawa ko yun masasaktan si Jade.” pangangatwiran ni Ian.

“At sa tingin mo hindi mo pa siya sinasaktan sa ginagawa mong 'to? Magda-dalawang taon na tayo Ian, at magda-dalawang taon mo narin na niloloko si Jade. I think it's about time na makipaghiwalay kana kay Jade. Not unless, mas mahal mo siya kaysa sakin. ” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Shantal, you know how much I love you. Pero kasi-----”

“Mahal mo naman pala ako eh. Bakit hindi mo kayang iwan si Jade para sakin?” seryosong tanong ko.

“Hindi kasi ganon kadali yun para sakin Shantal.” malumanay na pagkakasabi ni Ian sakin.

“Paanong hindi ganun kadali? Eh naging madali nga lang sayo na lokohin siya ng magkaroon tayo ng relasyon.” sarcastic na pagkakasabi ko.

——

—JADE POV—

“Kamusta naman ang date niyo kanina ng jowabells mo?” tanong sakin ni Wendy habang nagpapahid ng facial cream.

“Ok naman. Ayaw parin niya ako ipakilala sa parents niya.” malungkot na pagkakasabi ko.

“Alam mo Jade, wag ka masasaktan sa sasabihin ko ah. Pero sa ginagawa ni Ian, yung rason niya na sobrang babaw kung bakit ayaw ka niyang ipakilala sa parents niya. Naisip ko lang na, hindi kaya bukod sayo may iba pang babae si Ian? o baka naman may asawa na yang boyfriend mo.” saad ni Wendy.

“Grabe ka naman.” saad ko.

“Jade, hindi ka naman siguro manhid diba? Nararamdaman mo rin na may something d'yan sa boyfriend mo.” seryosong pagkakasabi ni Wendy at bahagya ako natahimik.

“Hayst. Change topic na nga lang tayo gurl. Pati ako nai-stress sa love life mo eh. Kaya nga ako hindi nagjo-jowa eh. By the way, may nabasa ako kanina. Ikaw ba Jade may birth mark ka?” pag segway ni Wendy.

“Birth mark? Oo meron sa dibdib, sa tapat ng puso. Bakit?” seryosong tanong ko.

“Alam mo doon sa nabasa ko. Ang sabi, kung saan daw ang birth mark mo yun daw ang naging rason ng pagkamatay mo sa past life mo.” saad ni Wendy.

Bahagya naman ako natawa sa sinabing yun ni Wendy.

“Bakit ka natatawa? Legit yun gurl.” saad ni Wendy.

“Ewan ko sayo. Matutulog na nga ako.” natatawa parin na pagkakasabi ko.

—MARVIN POV—

I can't sleep, kaya naisipan ko na mag swimming muna. Hanggang sa mapadaan ako sa malaking salamin patungo sa swimming pool area at makita ang birth mark ko sa parteng dibdib sa tapat ng puso. Bigla ko tuloy naalala ang palaging sinasabi sakin ni Mommy noong nabubuhay pa siya. Kapag daw kasi may birth mark, it means may connection yun sa kung paano ka namatay sa past life mo. Kung ano man yun, yun ay hindi ko alam at wala na akong balak na alamin pa.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now