CHAPTER 10

44 6 2
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 10:

—WENDY POV—

“Ano nangyari sayo bakit basang basa ka Jade!” agad na salubong ko kay Jade ng ihatid siya dito sa bahay ng hindi ko kilalang lalake.

Basang basa si Jade dahil sa malakas na buhos ng ulan kaya naman kaagad ako kumuha ng tuwalya niya para makapag patuyo siya.

“Bakit ka ba kasi nagpakabasa sa ulan? Gusto mo ba talagang magkasakit? Saka sino naman 'tong lalakeng 'to?” magkakasunod na tanong ko kay Jade.

“I'm Marvin. Jade's new friend.” sabat ng lakake na nag ngangalan na Marvin. Well, in fairness ang gwapo ah saka halatang may abs at bakat pa ang muscle sa suot niyang t-shirt na puti. Ang hot shuta.

“Hindi ikaw ang tinatanong ko. Pero dahil nagpakilala kana rin naman sige, my name is Wendy Alcantara. 25year old. Single and available.” nakangising pagpapakilala ko sa sarili ko at saka ko nilahad ang kamay ko kay Marvin pero nginitian niya lang ako. Aba, ang lakas ng loob niya tangihan ang kamay ni Wendy Alcantara.

Agad naman ako muling bumaling kay Jade na nakatulala habang hawak ang tuwalya na binigay ko sakanya.

“Jade, anong nangyari? Uy Marvin. Anong ginawa mo sa bestfriend ko? Pinagsamantalahan mo ba 'to? Bakit ganito siya nakatu------”

“Wala na kami ni Ian.” seryosong sambit ni Jade na kinabigla ko. Well, deep inside ikanatuwa ko yun. Kasi noon pa man hindi ko na talaga gusto yung Ian na yun para kay Jade.

“Wala na kayo? Nakipag break kana? My goodness Jade, mabuti naman at natauha-----”

“He cheated on me. Nahuli ko siya kanina, may kasamang iba siyang iba. They look so happy.” naluluhang pagkakasabi ni Jade.

“Tingin ko kailangan ko narin umalis. Para makapag pahinga na si Jade, hinatid ko lang talaga siya dito.” sabat ni Marvin.

“Ah sige, ingat sa biyahe medyo maulan pa naman. Salamat sa paghatid sa kaibigan ko.” saad ko.

At matapos ni Marvin makapag paalam kay Jade ay kaagad narin siya umalis.

—JADE POV—

“Inomin mo 'to, para mainitan yang sikmura mo.” saad ni Wendy sabay lapag sa lamesa ng maiinit na tsaa.

Maya maya pa at muli na naman tumulo ang luha ko.

“Gurl, ayan kana naman iiyak kana naman. Pabayaan mo na kasi si Ian, pabayaan mo siya kung saan siya mas magiging masaya. He don't deserved your tears.” malumanay na pagkakasabi ni Wendy agad ko naman siya tinignan.

“Hayaan kung saan siya magiging masaya? Bakit? Hindi ba siya naging masaya sakin? Hindi ba ako naging enough para sakanya? Kaya niya ako sinaktan at niloko? Wendy, saan ba ako nagkulang? For 3years inintindi ko si Ian, inintindi ko siya sa mga naging pagkukulang niya sakin. Yung hindi niya sakin pagpapakilala sa magulang niya, inintindi ko yun. Hindi ako naging demanding na girlfriend. Tapos ito ang igaganti niya sa kabila ng pagmamahal at tiwala na binigay ko sakanya. Lolokohin niya ako?” pahayag ko habang tahimik na nakikinig si Wendy sa paglalabas ko ng sama ng loob.

“Sige lang, iiyak mo lang yan Jade. Bukas, magigising kana lang wala na yung sakit.” nakangiting pagkakasabi ni Wendy ng hawakan niya ang kamay ko.

——

—JEFFERSON POV—

“Ang tagal mong nakabalik Bro. mukhang nag date na yata kayo ni Jade ah.” nakangising salubong ko sa kararating lang na si Marvin dito sa studio.

Kaagad naman siya dumiretso sa fridge saka kumuha ng beer na nasa can at kaagad 'to binuksan saka ininum.

“Anong nangyari kanina? Kwentuhan mo naman ako.” saad ko.

“Alam na ni Jade ang panloloko sakanya ng boyfriend niya.” seryosong pagkakasabi ni Marvin.

“Ano? Paano niya nalaman? Sinabi mo ba?” magkakasunod na tanong ko.

Agad naman kumuha ng mauupuan si Marvin saka 'to naupo.

“Habang papunta kasi kami sa kompanya kung saan nagtata-trabaho si Ian. Nakita ni Jade na naka-parking ang kotse ni Ian sa tapat ng isang seafood restaurant sa Makati. Kaya agad na bumaba si Jade, at yun na nga. Nakita ng dalawang mata niya na magkasamang lumabas ng restaurant sila Shantal at Ian.” pagki-kwento ni Marvin.

“Wala ka ba napapansin Bro? Si Shantal ex-girlfriend mo. Tapos ang pinalit sayo ni Shantal ay si Ian na boyfriend naman pero ex na ngayon ni Jade. Tapos pinagtagpo ang landas niyo ni Jade, tingin mo ano meaning non? Naku bro. baka naman kayo talaga ni Jade para sa isa't isa. Well hindi kana lugi. Maganda, sexy, matalino, masayahin at mabait si Jade.” nakangising pagkakasabi ko.

“Alam mo ikaw, puro ka kalokohan. Magkaibigan lang kami ni Jade. Hanggang doon lang yun.” seryosong pagkakasabi ni Marvin.

“Hindi lang isang beses ko yan narinig sayo Bro. ganyan din ang sinabi mo noong bago palang kayo magkakilala ni Shantal. Pero anong nangyari? Nauwe din sa ligawan hanggang sa naging kayo for 5years.” saad ko at tinignan lang ako ni Marvin saka tinungga ang natitirang laman ng beer can.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon