CHAPTER 9

42 8 0
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 9:

—JADE POV—

Isang malalakas na sampal at kalmot ang natamo ni Ian mula sakin dahil sa tindi ng galit ko.

Halos mapunit naman ang suot na damit at malagas ang buhok ng malanding babaeng sumira ng relasyon namin ni Ian, matapos ko siya sabunutan at halos magpagulong gulong kami sa labas ng seafood restaurant.

Ilang beses na inaawat ako ni Marvin pero hindi niya kinaya yung galit ko sa manlolokong si Ian at sa kabit niya.

Natigil lang ang pag aaway namin ng pumagitna na ang mga security guard.

Pagkatapos ay agad din umalis sila Ian at ng babae niya.

At doon na nga ako nagsimulang umiyak dahil parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Hanggang sa naramdaman ko na ang mainit na pagyakap sakin ni Marvin.

“Tahan na.” mahinang pagkakasabi ni Marvin habang nakayakap sakin.

Agad narin naman ako kumawala mula sa pagkakayakap niya sakin.

—MARVIN POV—

“Ihahatid na kita sainyo. Saan ka ba nakatira?” mahinahon na tanong ko kay Jade.

“Ayaw ko umuwe.” seryosong niyang pagkakasabi saka nagsimula ihakbang ang mga paa niya palayo pero kaagad ko siya hinawakan sa braso.

“Saan ka pupunta?” agad na tanong ko.

Kaagad naman niya binawe ang braso niya mula sa pagkakahawak ko dito.

“Gusto ko mapag isa. Pabayaan mo muna ako pwede?” inis na pagkakasabi niya.

Pipigilan ko pa sana si Jade pero agad na siyang sumakay ng Taxi.

Masama ang loob ni Jade ngayon, kaya hindi ko dapat siya hayaan na mag isa. Kaya naman nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at agad ko sinundan ang Taxi na sinasakyan ni Jade.

——

—SHANTAL POV—

“Hayst! bwiset! look what Jade did to me. Ang mahal ng bili ko sa damit na 'to. Alam mo kung hindi lang talaga pumagitna yung mga guards na yun, kakalbuhin ko na yang ex mo eh.” asar na asar na pagkakasabi ko.

Nananatili naman tahimik si Ian habang nagmamaneho ng kotse.

“Ian are you listening?” inis kong tanong kay Ian dahil tila wala siyang pakialam sa sinasabi ko.

“Pwede ba Shantal, manahimik ka muna. Naririndi na yung tenga ko sa kakabonganga mo eh.” sarcastic na pagkakasabi ni Ian.

“Matapos dumihan ni Jade ang mamahalin kung damit, you want me to shut up? No I won't. At babalikan ko ang magaling mo ex, hindi naman pwedeng ga------”

“I said shut up!” galit ng sigaw ni Ian sabay preno ng kotse.

Alam kong galit na talaga si Ian kaya nanahimik nalang din ako para hindi na kami magtalo pa. Tutal nasakin narin naman si Ian eh, ano pa bang habol ng ex niyang si Jade.

——

—MARVIN POV—

Masyado ng maraming sumisingit na sasakyan kaya hindi ko na nasundan pa ang taxi na sinakyan ni Jade.

Ngunit hindi ko naman basta pe-pwedeng pabayaan nalang si Jade. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Ilang saglit pa ay bumuhos na ang malakas na ulan.

At sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Jade na nakaupo sa gilid ng kalsada. Umiiyak habang basang basa ng ulan.

Mabuti nalang at palagi akong may dalang payong sa loob ng kotse kaya agad ko yun dinampot saka ako nagmamadaling bumaba ng kotse. At patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Jade saka ko siya pinayungan.

Napansin niya yata na hindi na siya nababasa ng ulan kaya agad siyang tumingala sakin.

At kasabay nga ng buhos ng ulan ang pagluha niya dulot ng panlolokong ginawa sakanya ni Ian.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon