CHAPTER 14

36 7 4
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 14:

—JADE POV—

“Baka naman pwede mo na ako bitawan?” seryoso kong pagkakasabi at agad naman kumalas mula sa pagkakayakap sakin si Marvin.

“Nasaktan ka ba nila kanina? Anong ginawa nila sayo?” magkakasunod na tanong ni Marvin na may halong pag-aalala.

“Nasaktan? Hindi nila ako nasaktan. Pero ikaw oo. Bakit ka naglihim sakin? Bakit hindi mo agad sinabi sakin na yung ex mo palang yun ang babae ni Ian? Pinagkakaisahan niyo ba talaga ako? Pinlano niyo ba lahat ng 'to?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Hindi ko yun agad sinabi sayo dahil tulad ko ay masasaktan ka lang din. Alam ko ang pakiramdam na pagkaksilan ka ng taong inakala mong tapat sayo. Alam ko ang pakiramdam ng bigla ka na lang iwan ng taong halos sakanya na umikot ang mundo mo.” paliwanag ni Marvin.

“Sorry kung naglihim ako sayo.” dagdag pa ni Marvin.

Agad naman ako napasulyap sa kanang kamay niya kung saan hawak pa niya ang 45 Caliber na baril.

Napansin niya yata na nakatingin ako sa hawak niyang baril kaya agad niya 'tong inangat.

“Lagi ko 'tong dala for self defense. And from now, I will protect you. I won't let anything bad happened to you.” saad ni Marvin habang nakatitig sa mga mata ko.

/~akala ko hindi pa handa muling tumibok ang puso~ pero bigla ka dumating sa buhay ko~/

——

—SHANTAL POV—

Naihatid na ako ni Ian dito sa unit ko, pero hindi maalis sa isip kung paano nag aalala si Marvin kay Jade.

Nagseselos ba ako? And why would I? Matagal na kaming hiwalay ni Marvin and I'm now happy with Ian. Pero bakit pakiramdam ko ay nasasaktan ako. No, hindi dapat. Hindi ko dapat 'to maramdaman.

Para malibang ang isip ko ay nag open nalang ako ng social media ko. Pero tila pinaglalaruan ako ng tadhana. Nag notif sakin ang picture namin ni Marvin 4years ago. Ang saya pa namin noon, kung hindi lang talaga ako naging selfish. Hindi naman masisira ang relasyon namin.

Habang pinagmamasdan ko ang litrato naming dalawa ay hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang luha sa mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga ako umiyak.

Bigla ako nakaramdam ng panghihinayang. Panghihinayang kasi sinayang ko yung limang taon na masayang relasyon namin ni Marvin. At kung may pagkakataon lang talaga ako na maibalik ang nakaraan, hindi na sana ako bibitaw sa mga kamay ni Marvin. Edi sana, ako parin ang dahilan ng bawat ngiti niya.

I will do everything, to win him back.

——

—JADE POV—

“Oh tapos ano pa nangyari? Dali kwento mo.” pangungulit ni Wendy sakin matapos ko i-kwento sakanya ang ginawang pagliligtas ni Marvin sakin kanina.

“Anong ano pa nangyari? Yun na yun.” saad ko.

“Nakakabitin naman yang kwento mo. Pero in fairness, kinikilig ako sainyo. Marvin, your knight in shining amor.” kinikilig na pagkakasabi ni Wendy.

Maya maya pa ay bigla nag ring ang cellphone ko. From unknown number pero kilala ko kung kaninong number yun, number yun ni Ian. Agad naman kami nagkatinginan ni Wendy.

“It's up to you kung sasagutin mo ang tawag ng manlolokong yan. Pero kung ako sayo, i-ignore mo nalang yung tawag niya. Baka mamaya maloko ka pa ulit niyan.” saad ni Wendy.

Hindi ko nga sinagot ang tawag ni Ian, pero muli na naman 'to nag ring.

“Sagutin ko nalang, baka importante.” saad ko.

“What the----”

At agad ko nga sinagot ang tawag ni Ian.

——

—IAN POV—

“Thanks God, you answered my call.” nakangising pagkakasabi ko.

“Bakit ka napatawag?” seryosong tanong ni Jade sakin.

Damn, I miss her voice.

“Gusto lang kita kamustahin. Nakauwe kana ba? Ok ka lang ba?” pag aalala ko.

“Ok lang ako. Mabuti nalang talaga at dumating si Marvin kanina. Dahil kung hindi, baka kung ano na nangyari sakin.” saad ni Jade sa kabilang linya.

Agad naman ako natahimik.

Ako dapat ang pomo-protekta kay Jade para sa mga taong mananakit sakanya. Pero tila ako pa ang unang nanakit sakanya.

“I'm so sorry.” sambit ko.

Hindi naman nagsalita si Jade at agad na niyang ibinaba ang tawag.

Kaya para bang may tumutusok sa dibdib ko. Inaabot ako ng konsensya sa ginawa kong panloloko kay Jade. Kaya naman gagawin ko lahat to win her back.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now