CHAPTER 8

50 7 3
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 8:

—SHANTAL POV—

“You're 5 mins late.” agad na sambit ko sa kararating lang na si Ian.

Agad naman niya akong hinalikan.

“Yan, ok na ba? Hindi na ba ako late?” nakangising niyang pagkakasabi.

“Tsk. late ka parin. Bakit ka nga ba late? Hindi naman traffic papunta dito sa unit ko ah.” saad ko.

“Sinamahan ko pa kasi si Jade kanina na magpunta sa photoshoot studio ng ex mo.” seryosong pagkakasabi ni Ian na kinabigla ko.

“Anong sabi mo? Nagpunta kayo ni Jade sa photoshoot studio ni Marvin? It means nagkita rin kayo ni Marvin? Teka, paanong naging magkakilala si Jade at si Marvin?” pagtataka ko.

“Hindi ko rin alam.” sambit niya.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko Ian, dapat una palang nakipag hiwalay kana kay Jade. Para if ever na malaman niya na may relasyon tayo, wala na siyang magagawa pa kasi break na kayo.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Hindi nga kasi ganun kadali yun, hindi ganun kadali na makipag hiwalay kay Jade. Dahil masasaktan ko siya ng sobra. Kahit naman papano ay nakokonsensya ako.” pangangatwiran ni Ian.

“Don't tell me na pinagsisisihan mo nag karoon tayo ng affair.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Hindi sa ganon Shantal. Mahal kita, kaya wala akong pinagsisisihan. Ang sakin lang, just give some another time na masabi ko kay Jade ang tungkol sa relasyon natin.” saad ni Ian.

“Ok fine. Mas mabuti kung kumain nalang tayo sa labas. Wag natin aksayahin yung araw na 'to.” saad ko.

“Mas mabuti pa nga. Sige treat ko.” nakangiting pagkakasabi ni Ian.

At agad din kaming lumabas ng unit ko.

—JADE POV—

Tumitingin pa ako ng ibang litratro at painting sa photoshoot studio ni Marvin ng mapansin ko ang wallet sa sahig. Kung hindi ako nagkakamali, ang wallet na yun ay pagmamay ari ni Ian.

Agad ko kinuha ang cellphone ko saka ko tinawagan si Ian, pero cannot be reach siya.

Kaya nag decide nalang ako na pumunta sa kompanya niya upang ihatid ang wallet niya.

Pero nagpaalam muna ako kay Marvin na aalis na ako.

“Aalis kana agad?” seryosong tanong sakin ni Marvin.

“Ah oo, kailangan ko kasi maihatid 'tong wallet ni Ian. Nakalimutan niya kasi.” saad ko.

“Samahan na kita.” nakangiti niyang pagkakasabi.

“Wag na nakakahiya naman.” pag aalinlangan ko.

“Hayaan mo na si Marvin na samahan ka, Jade. Gentleman talaga yang kaibigan ko, lalo na sa mga magagandang babae tulad mo.” nakangising sabat ni Jefferson agad naman siya tinignan ng masama ni Marvin

“Sige na nga.” pagpayag ko.

At agad namin tinungo ang ground floor ng commercial building na yun kung saan doon naka-park ang kotse ni Marvin.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe papunta sa kompanya ni Ian ng mapansin ko ang kotse ni Ian na nakapark sa isang seafood restaurant, kaya agad ko pinatabi ang kotse kay Marvin saka nagmamadaling bumaba ng kotse.

At halos manikip ang dibdib ko ng makita si Ian na may kasamang babae na palabas ng seafood restaurant. Magkahawak ang kamay nila at sweet na sweet pa ang dalawa.

“Babe...” naluluhang sambit ko

Agad naman silang napatingin sakin.

“Jade, anong gina---”

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil isang malakas na sampal mula sakin ang dumampi sa pisngi niya.

“Gaano katagal mo na akong niloloko?” seryosong tanong ko habang umaagos ang luha sa pisngi ko.

“Jade, let me explain.” mahinahon na pagkakasabi ni Ian.

“He don't love you anymore Jade. Kaya pwede ba, pabayaan mo na kami ni Ian.” sabat ng babae na kasama ni Ian kaya agad bumaling ang tingin ko sakanya.

“Hayop ka!” galit na pagkakasabi ko sabay agaw sa hawak na milk tea ng dumaan na babae at sinaboy ito sa babaeng kabit ni Ian.

Susugurin sana ako nito at aambahan ng pagpalo gamit ang bag niya pero agad ako kinoberan ni Marvin.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Where stories live. Discover now