CHAPTER 12

35 6 3
                                    

“MY HAPPY ENDING”
(Guns n' Roses Sequel)

CHAPTER 12:

—WENDY POV—

“Alam mo Marvin, hindi mo naman kailangan alalayan sa pagkain si Jade. Ang laki na niyan eh.” puna ko kay Marvin habang abala sa pag aasikaso kay Jade sa pagkain.

Agad naman nagtinginan sila Jade at Marvin. Kaya hindi ko maiwasan kiligin sa dalawa.

“Alam niyo bagay kayong dalawa. May chemistry kayo, isa yata ako sa magiging masaya kapag nagkatuluyan kayong dalawa.” kinikilig na pagkakasabi ko. Kaagad naman ako pinandilatanan ng mata ni Jade.

“Pwede ba kumain nalang tayo. Hindi yung marami ka pang sinasabi d'yan.” saway sakin ni Jade kaya tumahimik nalang ako.

—JADE POV—

“Jade, ok lang ba kung yayain kitang lumabas mamaya? Magpahangin o kaya kumain sa labas?” mahinahon na tanong ni Marvin sakin.

Agad ko naman siya tinignan.

“Nasa labas naman tayo kumakain ngayon ah. Labas ng bahay, isa pa mahangin naman dito.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“That's not what I mean.” seryosong pagkakasabi ni Marvin.

“Dami pang paligoyligoy eh. Bakit kasi hindi mo nalang diretsahin si Jade, huh Marvin? Sabihin mo. Pwede ba tayo mag date? Ganun dapat.” sabat ni Wendy kaya agad ko siya tinignan.

“Sabi ko nga tatahimik na ako.” saad ni Wendy sabay inum ng mainit na kape.

“Yun naman ay kung ok lang sayo. Mas makakabuti kasi kung lalabas ka, kaysa nagkukulong ka sa kwarto mo. Paano ka makakalimutan sa sakit na dinulot sayo ng Ian na yun kung hahayaan mo na lamunin ka ng lungkot.” saad ni Marvin.

Bahagya naman ako napaisip sa sinabi ni Marvin. Tama siya, hindi ako agad makaka move on kung patuloy ko ikukulong ang sarili ko sa kahapon na alam kung hindi na maibabalik pa. Kaya naman pumayag narin ako sa gusto ni Marvin na lumabas kaming dalawa.

——

—SHANTAL POV—

“What are we doing here?” seryosong tanong ko kay Ian ng magtungo kami sa isang amusement park.

“Namamasyal.” nakangiting pagkakasabi niya.

“Namamasyal? Tapos sa ganitong klaseng lugar pa? Love, alam mo naman hindi ko ugali na magpunta sa matataong lugar diba? Tapos dito mo 'ko dadalhin?” naiinis na tanong ko kay Ian.

“Love, wag kana magtampo please? I just want to make you happy. Kaya kita dinala dito.” paliwanag ni Ian.

“Akala ko naman matutuwa ka, hindi pala.” matamlay na pagkakasabi ni Ian.

Agad naman ako napabuntong hininga.

“Of course, I'm happy kasi kasama kita. Pero alam mo naman na noon pa man ayaw ko sa matataong lugar. I hope you understand.” nakangiting pagkakasabi ko kay Ian.

Agad naman niya hinawakan ang kamay ko.

“Ok, sa iba nalang tayo magpunta.” nakangiting pagkakasabi ko.

Palabas na kami ng entrance ng amusement park ng makasalubong namin si Marvin at kasama niya si Jade, ang ex-girlfriend ni Ian.

—MARVIN POV—

“Shantal?” sambit ko ng makasalubong namin sila sa entrance ng amusement park.

“Wait, kilala mo ang babaeng 'to?” sabat ni Jade.

Agad naman kami nagkatinginan nila Shantal at Ian. Hindi ko pa nga pala nababanggit kay Jade na ex ko ang babae ni Ian na ex din niya ngayon.

“Marvin, I asking you. Kilala mo ang babaeng 'to?” seryosong tanong muli ni Jade sakin pero ako agad nakapag salita.

“Of course, kilala niya ako. I'm Marvin's ex-girlfriend. And to be honest, he already met Ian, I think last week.” sarcastic na pagkakasabi ni Shantal.

Agad naman tumingin sakin si Jade.

“Is that true?” seryosong tanong sakin ni Jade.

Agad naman ako tumango.

At isang malakas na sampal mula kay Jade ang dumampi sa pisngi ko.

“Alam mo na palang ang ex mo ang babae ni Ian, pero bakit hindi mo pa sinabi sakin? Yung nagpunta kami sa studio, may alam kana ng mga araw na yun. Pero nanahimik ka lang? Pinag mukha mo pa 'kong tanga. Akala ko iba kay Ian, pero pare-parehas lang pala kayo. Mga manloloko.” mariing pagkakasabi ni Jade habang tumutulo ang luha niya saka siya nagmamadaling umalis pero kaagad ko siyang hinabol.

To be continue..

My Happy Ending (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon