CHAPTER 22

18 1 0
                                    

“PLEASE STOP THE RAIN”

CHAPTER 22:

—LYRA POV—

“Yung sinabi mo kanina-----”

“Alin? Yung pakakasalan kita? Oo, totoo yun. Kaya nga kita sinama dito sa Mansion. Pero sorry kung hindi naging maganda yung pagtrato sayo ng parents ko.” saad ni Darwin.

“Pero Darwin-------”

“Ssssshhh. Kung iniisip mo yung sinasabi ni Mommy sayo kanina, diba sinabi ko naman sayo. Wag mo iintindihin ang ano man na sasabihin niya. Sakin ka lang makikinig.” saad ni Darwin.

“Pero matatagalan ka ng karapatan bilang nag iisang anak ng mga magulang mo. At posible rin mawala sayo ang kompanya, kung pakakasalan mo 'ko.” saad ko.

Agad naman ni Darwin hinawakan ang kamay ko.

“Hindi sakin mahalaga ang kompanya, dahil ikaw ang mahalaga sakin. Kung mawalala sakin ang kompanya, ok lang. Pero hindi ko kakayanin kong pati ikaw ay mawawala rin sakin. I don't want to lost again.” seryosong pagkakasabi sakin ni Darwin habang nakakatitig siya sa mga mata ko.

Pagkatapos ay agad ko siyang niyakap.

—TROY POV—

Mag isa akong nanonood ng TV ng mag ring ang cellphone ko, kaya agad ko 'to tinignan. Si Darwin ang tumatawag.

“Bro. napatawag ka?” saad ko.

“Hindi ba't sayo ko pinatago yung susi ng bagong rest house na nabili ko sa Pampangga?” tanong niya.

[Flashback: 8months ago]

“Ano 'to? Para saan 'to?” pagtataka ko ng i-abot sakin ni Darwin ang isang susi.

“May binili ako na rest house sa pampangga. At gusto ko na ikaw muna ang magtago ng susi. Just in case na kailanganin ko ang rest house na yun, sayo ko kukunin ang susi.” saad ni Darwin.

“Bakit hindi nalang ikaw ang magtago, Bro.?” pagtataka ko.

“Hindi pwedeng ako, dahil hindi ko pinaalam ang pagbili ko ng rest house na yun. Kaya sayo ko muna pinagkakatiwala.” saad niya.

“Ok sige, ako na bahala dito.” saad ko.

[End of Flashback]

“Ah yun ba, oo. Nasakin nga. Kakailanganin mo na ba?” tanong ko.

“Oo Bro. papunta na kami d'yan sa condo unit mo para kunin ang susi.” saad ni Darwin sa kabilang linya.

“Kami? Teka, magkasama kayo ni Lyra?” tanong ko.

“Oo, kasama ko siya ngayon.” saad ni Darwin.

“Good, ok sige intayin ko nalang kayo dito sa condo ko. Ingat sa biyahe.” saad ko saka ko binaba ang tawag.

—DARWIN POV—

“Hindi 'to ang daan pauwe samin, saan tayo pupunta?” puna ni Lyra.

“Pupunta tayo sa condo ni Troy, may kukunin kasi akong susi.” saad ko habang nagmamaneho ng kotse.

“Susi? Susi ng ano?” pagtataka niya.

“Basta, malalaman mo nalang mamaya.” nakangiting pagkakasabi ko.

Makalipas ang ilang minuto ay narating narin namin ang condo unit ni Troy.

“Maupo muna kayo, gusto niyo ba ng juice? o kahit anong maiinum?” tanong ni Troy.

“Wag na Bro. ok lang kami.” saad ko.

“Anong ok ka d'yan? Kanina pa ako nauuhaw 'no. May Lemon Juice ka ba d'yan Troy?” sabat ni Lyra at nagtinginan kami ni Troy.

“Lemon Juice? Wala eh. Pero may pineapple, ok lang ba sayo yun?” tanong ni Troy.

“Sige, ok na yun sakin. Salamat.” nakangiting pagkakasabi ni Lyra.

“Tsk.”

“Saglit lang Bro, kuha lang ako ng juice.” saad ni Troy saka tumayo mula sa inuupan na sofa at agad na tinungo ang kusina.

“Ngayon, pwede mo na ba sabihin sakin kung para saan yung kukunin mong susi?”

“Susi yun ng rest house na binili ko 8months ago. Nilalaan ko talaga ang rest house na yun para satin dalawa, at ngayon. Pwede na natin magamit yun.” saad ko.

“Natin? Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ni Lyra at agad ko naman hinawakan ang kamay niya.

—LYRA POV—

“Oo natin. Simula ngayon ay hindi na ako papayag na magkakahiwalay pa tayo. Kaya simula sa araw na 'to ay doon kana sa rest house mananatili, habang nag iintay tayo ng tamang pagkakataon para maikasal.” nakangiting pagkakasabi ni Darwin samin.

Hindi ko alam pero natulala nalang ako bigla sakanya.

“Ito na ang juice mo Lyra, saka ang paborito mong turon. Nabanggit kasi ni Darwin na kasama ka niya na pupunta dito kaya ayan, bumili ako ng turon para sa'yo.” nakangiting sabat ni Troy saka nilapag sa lamesita ang isang baso ng juice at ang turon na nakalagay sa desert plate.

“Wow! grabe na-miss ko kumain ng turon.” masayang pagkakasabi ko.

“Nga pala Bro. ito na nga pala yung susi.” saad ni Troy sabay abot ng susi kay Darwin.

Habang ako naman ay enjoy na enjoy sa pagkain ng paborito kong turon.

“Tara na, baka gabihin pa tayo sa daan.” seryosong pagkakasabi ni Darwin sakin at saka siya agad na tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa.

“Aalis na agad tayo? Hindi ko pa nga 'to nauubos 'to.” saad ko.

“Bibilhan nalang kita mamaya.” seryosong pagkakasabi ni Darwin.

Agad naman ako napatingin kay Troy.

“Sige na Lyra, baka nga gabihin kayo sa daan. Sa pampangga pa kasi ang rest house ni Darwin. Don't worry, next time. Kapag bumisita ako sainyo, magdadala ako ng maraming turon.” nakangiting pagkakasabi ni Troy.

“Talaga? Wow thank you.” masayang pagkakasabi ko.

“Bro. mauna na kami.” saad ni Darwin saka agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng condo unit ni Troy.

Napansin ko naman na parang ang seryoso masyado ng mukha ni Darwin.

“Are you ok?” malumanay na tanong ko.

Agad naman siya tumingin sakin, saka siya ngumiti.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now