CHAPTER 8

25 1 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 8:

[2weeks later]

-LYRA POV-

Paunti unti, napapansin ko nga ang tila pagbabago ng pakikitungo sakin ni Darwin. Ibang iba na siya kung ikukumpara sa Darwin na nakilala ko noon. Palagi ko na siyang nakikitang nakangiti lalo na kapag ako ang kausap niya, at ang isa sa hindi ko nga makakalimutan na ginawa niya ay noong ipagtanggol niya ako kay Nadia. Nagulat talaga ako sa ginawa niya, hindi ko yun inaasahan.

Madalas ako nagiging laman ng usapan sa kompanya na pinagpasukan ko ang kompanya na pagmamay-ari ni Darwin, kaya naisipan ko nalang na mag resign at humanap ng ibang mapapasukan na trabaho. Ayaw ko kasi na isipin ng karamihan sa mga nagta-trabaho doon na kaya ako nagwork sa Winslet ay para landiin o kung ano pa man ang may ari nito na si Darwin. Dahil hindi naman talaga yun ang intensyon ko kaya ako nag apply sa Winslet.

Noong una ay ayaw ni Darwin pirmahan ang resignation letter ko, pero nakiusap ako sakanya. Kaya labag man sa loob niya na umalis ako doon sa Winslet ay pumayag nalang din siya.

Sa kabutihang palad ay natanggap naman ako sa bagong kompanya na in-aplayan ko.

Katatapos ko lang maglinis ng bahay, wala kasi akong work ngayon dahil day-off ko, kaya nagkaroon ako ng time para matulungan si Ynna na makapag general cleaning.

Kasalukuyan ako umiinom ng juice habang nakasandal ang likod sa sofa ng marinig ko ang tatlong beses na pagkatok sa pintuan.

Agad naman kami nagtinginan ni Ynna.

"May iniintay ka bang bisita?" tanong ko kay Ynna.

"Anong ako? Baka ikaw kamo." depensa niya.

"Ako? Eh bakit ako?" pagtataka ko.

"Teka nga lang, titignan ko kung sino para hindi na tayo nagtatalo." saad ni Ynna saka agad na tumayo at tinungo ang pintuan.

"OMG sir Darwin!" rinig kong saad ni Ynna kaya agad ko nilapag sa lamesita ang juice na iniinum ko at agad na napatayo mula sa kinauupuan ko.

Pagpasok ni Darwin ay may dala siyang bulaklak.

Nakangiti naman siyang lumapit sakin, saka inabot sakin ang bulaklak.

"Bakit mo 'ko binibigyan ng bulaklak?" pagtataka ko ng kunin ko ang bulaklak na inabot niya sakin.

"Hindi pa ba obvious gurl? Nililigawan ka ng dati mong Boss." sabat ni Ynna.

"Ano ba Ynna, manahimik ka nga d'yan." saad ko.

"Totoo ang sinabi ng kaibigan mo, ngunit yun ay kung papayagan mo 'ko na ligawan ka." nakangiting tanong sakin ni Darwin.

Dahil narin sa pagkabigla ay hindi ko nagawa na magsalita agad. Nakatitig lang ako sakanya, tulad kung paano niya ako titigan sa mga mata ko.

"Baka matunaw kayo n'yan." biro ni Ynna agad naman ngumisi si Darwin saka siya napayuko at muling tumingin sakin, sa pagkakataon na yun ay kinuha na ni Darwin ang dalawang kamay ko.

"Kung pahihintulutan mo 'ko, gusto ko sanang manligaw sayo " seryosong pagkakasabi ni Darwin sakin.

"Wag ka mag alala, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyari, nandito lang ako lagi para sayo." dagdag pa ni Darwin.

Hanggang sa makaalis si Darwin ay tila nakalutang parin ako sa alapaap.

-DARWIN POV-

"Mabuti naman at umalis na ang Lyra na yun sa kompanya mo. Akala mo ba hindi nakakarating sakin, na ang Lyra na yun ay pilit na kinukuha ang tiwala mo." agad na salubong sakin ni Daddy ng umuwe ako sa Mansion.

Agad ko naman siya tinignan ng masama.

"Pwede ba dad, tigilan niyo ang kakabitaw ng masasakit na salita tungkol kay Lyra. Lalo pa't hindi niyo naman lubusan na kilala yung tao." saad ko.

"Aba, wag mo sabihin na pinagtatanggol mo ang babaeng yun sa Daddy mo, Darwin!" sabat naman ni Mommy.

"Kung ganyan lang din naman ang isasalubong niyo sakin, hindi na sana ako pumunta pa dito." seryosong pagkakasabi ko at agad rin umalis ng mansion.

Narinig ko pa ang pag tawag ni mommy sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ako kotse ko.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now