CHAPTER 11

21 3 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 11:

[6months later]

-LYRA POV-

Makalipas nga ang anim na buwan na panliligaw sakin nila Troy at Darwin, ay dumating na ako sa point na kailan ko ng mamili sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, yun ang pinakaayaw ko. Yung papapiliin ako. Pero isa lang talaga ang sa una palang ang nagpatibok ng puso ko, siya lang yung lalake na nagawang patigilin ang pag ikot ng mundo sa tuwing kausap ko siya, yun ay si Darwin.

"Troy, I'm sorry." paghingi ko ng tawad kay Troy ng sabihin ko na sakanya kung sino ang pinipili ko.

"Ok lang, alam ko naman kung sino talaga ang pipiliin mo. At hindi ako yun. Masaya ako sa naging desisyon mo." nakangiting pagkakasabi ni Troy ngunit mababatid sa mga mata niya ang matinding lungkot at disappointment.

"Makakahanap ka rin ng babaeng para sayo talaga. Yung babaeng pipiliin ka, at yung babaeng mamahalin ka. Higit pa sa pagmamahal na binibigay mo." saad ko saka ko siya niyakap.

"Sige na, puntahan mo na si Darwin. Sigurado akong iniintay kana niya." nakangiting pagkakasabi ni Troy ng kumawala siya mula sa pagkakayakap ko sakanya.

Nagmamadali nga ako na nagpunta sa lugar kung saan may usapan kami ni Darwin na magkikita kami.

At malayo palang ay natatanaw ko na ang nakangiti na si Darwin.

-DARWIN POV-

"Akala ko hindi kana darating." saad ko ng tuluyan ng makalapit sakin si Lyra.

"Pwede ba naman yun?" nakangiting pagkakasabi ni Lyra.

Agad ko naman hinawakan ang kamay ni Lyra saka siya tinitigan sa mga mata niya.

"Mahal na mahal kita Lyra." nakangiting pagkakasabi ko habang nakatitig sa mga mata ni Lyra at saka siya kinabig papalapit sakin.

"I love you too." nakangiting pagkakasabi ni Lyra.

Saka ko siya hinagkan sa noo.

[END OF FLASHBACK]

-LYRA POV-

Halos tatlong buwan na rin pala ang nakakalipas mula ng magbreak kami ni Darwin, at sa loob ng tatlong buwan ay wala ako naging balita sakanya. Ngunit nitong nakaraan buwan ay nabasa ko ang pangalan niya sa isang Forbes Magazine.

At aamin ko sa sarili ko na sobrang nasasaktan parin ako. Paano ko naman kasi makakalimutan ang nag iisang lalake na minahal ko ng sobra, na sa loob ng tatlong taon na relasyon namin ay sa kanya nalang umikot ang mundo ko.

Pauwe na ako at habang naglalakad ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan, kaya agad ako humanap ng pwede masilungan.

Hanggang sa isang lalake ang may hawak na payong ang lumapit sakin.

"Gusto mo, share nalang tayo?" saad niya at ng tignan ko kung sino ang lalake ay nagulat ako sa nakita ko, ang lalake ay walang iba kundi si Darwin.

"Miss, ok ka lang? Bakit umiiyak ka?" pagtataka niya saka niya kinuha ang panyo sa bulsa niya at binigay sakin.

Oo nga pala, umuulan na naman. Kaya hindi niya ako makikilala. Nang sandali na yun ay gustong gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Mukhang hindi pa yata titila ang ulan na 'to. Gusto mo bang sumabay nalang sakin? Saan ka ba papunta? Wag ka mag alala Miss, hindi ako mapagsamantalang tao. Mapagkakatiwalaan mo 'ko." saad niya.

"Wag mo na 'ko alalahanin. Ok lang ako. Medyo malapit nalang din naman dito yung bahay ko." pagsisinungaling ko pero ang totoo ang may ilang kilometro pa ang layo ng bahay ko mula dito sa kinaroonan ko ngayon.

"Sure ka? Oh sige, mauna na ako. Sana tumila na ang ulan para hindi kana rin mabasa. Ah itong payong, sayo nalang 'to. Baka kasi hindi pa 'to tumila." nakangiting pagkakasabi niya saka inabot sakin ang payong at saka siya sumakay sa kotse niya.

Pag alis niya ay doon na nga nagsunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ko.

-DARWIN POV-

Habang nasa biyahe ako pauwe sa bahay ko ay hindi maalis sakin ang mukha ng babaeng kanina. Sayang lang at hindi ko nalaman ang pangalan niya.

Habang kausap ko siya, pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Kahit ngayon ko palang siya nakita.

Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ko. Agad ko naman sinalpak sa tenga ko ang bluetooth earphone saka ko sinagot ang tawag ni Chloe, ang girlfriend ko.

-CHLOE POV-

"My god babe, bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa kita tinatawagan." saad ko ng sagutin ni Darwin ang tawag ko.

Napansin ko naman na tinignan ako ng masama ni Troy.

"Nagmamaneho kasi ako, don't worry. I'm on my way. See you later." saad niya saka nag end call.

"Wow, babe ah. Ano ka girlfriend niya? Eh girlfriend ka lang naman niya sa tuwing umuulan. Dahil alam natin na kapag umuulan ay hindi niya natatandaan si Lyra, dahil sa sakit niya." sarcastic na pagkakasabi ni Troy.

"Wala akong pakialam. Hindi ko naman hahayaan na magkabalikan pa sila." mataray na pagkakasabi ko.

"Ewan natin Chloe, kasi ako naniniwala ako na ang isip lang ang kayang makalimut. Pero hindi ang puso." seryosong pagkakasabi ni Troy.

To be continue..




PLEASE STOP THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon