CHAPTER 20

22 2 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 20:

[3Days Later]

-LYRA POV-

Nasa mall kami ngayon ni Darwin, sa mall na isa sa pag mamay-ari niya mismo. And using his Black Credit Card ay pinamili niya ako ng kahit anong gusto ko.

Pero siyempre puro tanggi ako, ayaw ko naman isipin niya na napaka-materialistic kung tao kasi hindi naman talaga ako ganun.

"Bag? Gusto mo ng bag?" nakangisi niyang tanong.

"Ikaw ang gusto ko, hindi yang mga bag na tinuturo mo sakin." saad ko at kaagad naman siya tumingin sakin.

"Ikaw lang din naman ang gusto ko wala ng iba, pero siyempre gusto ko rin na mabili yung mga gusto. Ganyan kita kamahal." saad niya.

"My goodness Darwin, you don't need to buy me luxurious bag or anything. Your love is enough." nakangiting pagkakasabi ko.

Hahalik sana sakin si Darwin pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko.

"Bakit?" pagtataka niya.

"Anong bakit? Nasa public place kaya tayo. Baka ano pa isipin satin ng makakakita satin eh. Masyado tayong PDA." saad ko.

"Iki-kiss ko lang naman girlfriend ko eh." tila bata na nagtatampo si Darwin.

"Kahit na." nakataas na kilay na pagkakasabi ko habang natatawa sa reaction niya na para bang totoong nagtatampo.

"Si Lyra ba yung kasama ni Sir Darwin? OMG sila na pala ulit." rinig kong saad ng sales lady ng mapadaan kami sa bilihan ng mga sapatos.

Magkahawak ang kamay namin ni Darwin habang naglilibot sa loob ng mall. Kaya halos sa lahat ng emleyado sa mall na yun ay hindi maiwasan na mapatingin samin.

-DARWIN POV-

Kahit anong pagpupumilit ko kay Lyra na bumili ng bag ay ayaw talaga niya. Kaya naisipan ko nalang na dalhin siya sa bilihan ng mga damit, baka sakali may magustahan na siyang damit.

"Good Day, Sir." bati sakin ng sales lady at tila ba ay nagpapa-cute siya sakin, pero hindi ko nalang inintindi.

"Anong ginagawa natin dito?" pagtataka ni Lyra.

"Hindi ba obvious? Ayaw mo naman ng mga bag, so baka dito sa bilihan ng damit may magustuhan kana." nakangiting pagkakasabi ko.

Agad naman tinignan ni Lyra ang mga damit saka kinuha isang suit saka ito tinapat sakin.

"Ayan sir, bagay na bagay po sainyo. Mas lalo po kayong gumwapo sir." nakangiting pagkakasabi ng saleslady na bumati sakin kanina.

"Salamat." nakangiti ko naman na sagot.

"Wala po yun Sir, totoo naman po na ang gwapo at ang bango niyo pa sir. Kung wala lang kayong bantay Sir, yayakapin ko kayo eh." saad ng saleslady, napansin ko naman na tinignan ng masama ni Lyra ang saleslady kaya hindi ko mapigilan na matawa.

Ngayon ko lang nakita na nagselos si Lyra, ang cute niya pala.

"Anong sabi mo?" mataray na tanong ni Lyra sa saleslady.

Agad naman na napayuko ang saleslady.

Lalapitan pa sana ni Lyra ang saleslady pero bigla ko na siyang inakbayan at inakay palabas ng shop na yun. Pero habang naglalakad palayo at hindi ko parin mapigilan na hindi mapangiti dahil sa naging reaction ni Lyra.

"Hindi ako natutuwa sa saleslady na yun ah." inis na pagkakasabi ni Lyra at pinagmamasdan ko lang siya.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin?" seryosong tanong niya, agad naman ako napangiti.

"Ang cute mo pala kapag nagseselos ka." nakangising pagkakasabi ko.

"So anong gusto mong gawin ko? Matuwa? Habang nilalandin ng ibang babae yung boyfriend ko at sa harapan ko pa talaga." paliwanag niya.

"Wag ka tumawa, walang nakakatawa." seryosong pagkakasabi niya kaya tinikom ko na ang bibig ko.

"Sorry na. I love you." seryosong pagkakasabi ko.

"I love you too." seryoso rin na pagkakasabi niya.

Saka ko siya hinila palapit sakin at agad na niyakap.

"Kahit naman ilang billion babae pa ang makilala ko, ikaw lang ang nag iisang Lyra sa puso ko. Ikaw lang ang pinaka mamahal ko." saad ko habang nakayakap sakanya.

"Talaga? Kahit umulan pa, tapos makalimutan mo 'ko?" tanong ni Lyra.

"Kahit bumagyo pa." saad ko naman.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now