CHAPTER 19

22 2 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 19:

-CHLOE POV-

"Tita, hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal namin ni Darwin. Please do something Tita." pakiusap ko kay Tita Nathalie.

"Don't worry sweetie, gagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal niyo ni Darwin. Dahil hindi rin naman ako papayag na hindi matuloy ang kasal niyo ng anak. Hindi ko pinangarap na mapunta ang anak ko sa isang cheap lang na babae na tulad ng Lyra na yun." paninigurado ni Tita Nathalie.

--

-TROY POV-

"Masaya ako na ok na kayo ulit ni Lyra. Ano na nga palang balita kay Chloe? For sure galit na galit yun." saad ko.

"Hindi ko na iniintindi ang galit ni Chloe, ang importante sakin ngayon ay masaya kami ni Lyra sa relasyon namin." seryosong pagkakasabi ni Darwin.

"Oo nga pala Bro. maraming salamat sa tulong mo." nakangiting saad ni Darwin at kaagad naman ako ngumiti sakanya.

"Alam mo naman na para narin kitang kapatid. At isa pa, ayaw ko rin nakikitang nasasaktan si Lyra. Kaya sana, hindi mo na ulit makalimutan pa si Lyra." saad ko.

"Hindi ko na hahayaan na mangyari yun Bro. kaya nga ito, gumawa ako ng video clip at notebook kung saan nakasulat ang tungkol samin ni Lyra, para kung sakali na makalimutan ko na naman siya, madali ko nalang ulit siya maalala. Nagpa-gawa rin ako ng memory bank, kung saan nandoon ang lahat ng memories namin ni Lyra." saad ni Darwin

"Mabuti naman kung ganun, yan ang bagay na dapat noon pa man ay ginawa mo na." nakangiting saad ko.

"Kung noon nga sana ay naisipan ko ng gawin 'to, hindi na sana umabot sa punto na kailangan ko pa masaktan si Lyra." malumanay na pagkakasabi ni Darwin.

"Pero hindi pa naman huli ang lahat Bro." nakangiting pagkakasabi ko.

-YNNA POV_

"Kamusta naman ang date niyo ni Darwin kagabi?" interesadong tanong ko kay Lyra.

"Ayon, ok naman." nakangiting pagkakasabi ni Lyra.

"Grabe ang ngiti ah, abot tenga. Mukhang may hang over ka pa sa kilig-moments niyo ni Darwin ah. Saan ba kayo nagpunta?" nakangising tanong ko.

"Masaya lang naman ako Ynna, I really thought kasi na hindi na kami babalik sa dati ni Darwin. Pero si God na mismo ang gumawa ng paraan para muli niya ako maalala." saad ni Lyra.

"At sobrang saya ko rin sayo gurl. Yun nga lang, may isang problema lang kayo. Yung Chloe na yun, na parang pinagulong sa harina sa sobrang puti." saad ko.

Bahagya naman natawa si Lyra sa sinabi ko patungkol kay Chloe.

-LYRA POV-

Masaya kami nagki-kwentuhan ni Ynna ng mag ring ang cellphone ko, si Darwin ang tumatawag.

"Go girl, answer the phone." nakangiting pagkakasabi ni Ynna sakin.

At agad ko nga sinagot ang tawag ni Darwin.

"Oh, napatawag ka?" saad ko.

"I miss you." agad na saad niya.

"Aysuus. I miss you too. Tumawag ka lang ba talaga para sabihin sakin yan?" natatawa kong pagkakasabi.

"Dumungaw ka sa bintana." saad niya.

"Sa bintana? Bakit?" pagtataka ko at napatingin ako kay Ynna.

"Oo." saad ni Darwin.

Agad naman ako tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama ko. At mula sa bintana ng kwarto ko dito sa ikalawang palapag ay dumungaw ako sa bintana tulad ng gusto ni Darwin.

At nakita ko siya na masayang kumakaway sakin.

"Aksayado ka masyado sa load." natatawang pagkakasabi ko kay Darwin.

"Magbihis ka, lalabas tayo." saad ni Darwin sa kabilang linya.

"Saan na naman tayo pupunta?" pagtataka ko.

"Kahit saan, basta kasama kita." nakangiting pagkakasabi niya.

"Oh siya, ibababa ko na 'to. Intayin mo nalang ako d'yan. Magbibihis lang ako." saad ko saka ako kumaway sakanya at binaba na ang tawag.

"May date kana naman pala. Nagbabawe talaga si Darwin sayo ah." nakangising pagkakasabi sakin ni Ynna at ngumiti lamang ako sakanya.

Pagkatapos ko makapag bihis ay agad na ako bumaba ng hagdan upang puntahan si Darwin na nag iintay sa labas ng gate.

-DARWIN POV-

Paglabas ni Lyra sa gate ay kaagad ko na siyang sinalubong at bigla ko siya binuhat na kinagulat niya.

"Ibaba mo nga 'ko. Nakakahiya ano ba." saad niya.

"Ayaw ko. Saka anong nakakahiya? Eh boyfriend mo naman ako." nakangisi kong pagkakasabi.

"Mabigat ako, hindi na ako nakakapag diet eh." nakangisi niyang pagkakasabi.

"Kahit bumigat ka pa ng sobra, hindi ako mapapagod na buhatin ka." saad ko habang nakakatitig sa mga mata niya.

To be continue..



PLEASE STOP THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon