CHAPTER 5

29 0 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 5:

-LYRA POV-

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" magkakasunod na tanong ni Troy na may halong pag aalala habang hawak niya ang magkabilang braso ko at nakakatitig siya sakin.

"Oo, ayos lang ako." malumanay na tanong ko.

At ng bumaling ang tingin ko kay sir Darwin ay seryoso lang siya nakatingin sakin. Lalapitan ko pa sana siya upang makapag pasalamat sa ginawa niya kanina upang mawala ang takot ko pero agad narin siyang umalis.

"Doon muna tayo sa bakeshop sa first floor, para makain mo 'tong dala ko. Ang paborito mong turon." nakangiting pagkakasabi ni Troy sakin.

"Salamat." malumanay na pagkakasabi ko.

"Ano tara na?" nakangiting tanong sakin ni Troy at kaagad naman ako sumang ayon sakanya.

-TROY POV-

"Ano ba nangyari kanina? Bakit magkasama kayo ni Darwin sa loob ng elevator? Binastos ka ba niya? Sabihin mo sakin, alam mo kahit kaibigan ko yun si Darwin hindi ako papayag na bastusin ka niya." magkakasunod na tanong ko kay Lyra na abala sa pagbubukas ng paper bag kung saan nandoon ang turon na binili ko.

"Nagulat na nga lang din ako ng hinayaan niya na makasabay ko siya sa elevator. Pero wag ka mag alala, hindi naman niya ako binastos eh. Sa katunayan nga, siya yung nagpa-kalma sakin kanina dahil takot na takot ako ng mamatay yung ilaw sa loob ng elevator kanina." pagki-kwento ni Lyra.

"Talaga?" paninigurado ko.

"Oo, mabait naman pala siya. Akala ko noong una masungit yang kaibigan mo. Siguro ganun lang siya kaseryoso or kasungit dahil nagpapaka-bossy lang siya." nakangiting sagot ni Lyra.

"Uy masarap 'tong binili mong turon ah. Saan mo 'to nabili?" nakangiting tanong niya.

At sa sobrang enjoy niya sa pagkain ng turon ay nalagyan yan na ng asukal ang pisngi niya, kaya agad ko 'tong tinanggal gamit ang kamay ko.

"Para kang bata, ang kalat mo kumain." nakangising pagkakasabi ko.

"Ah pasensya kana, favorite ko kasi 'to. Isa pa, gutom narin ako. Salamat ulit." nakangiting pagkakasabi ni Lyra.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamamdam ko sa tuwing ngumingiti siya, tila bumibilis ang tibok ng puso ko.

-DARWIN POV-

"Nasaan si Lyra?" seryosong tanong ko sa secretary ko ng makitang wala si Lyra sa working table niya.

"Ah sir, nakita ko po siya na nasa bakeshop. Kasama niya po si sir Troy." sagot ng secretary ko.

"Kasama niya si Troy? Hanggang ngayon?" seryosong tanong ko.

"Opo sir." sagot naman niya.

"Pag bumalik si Lyra, papuntahin mo agad siya sa office ko." seryosong pagkakasabi ko saka ako umalis.

-LYRA POV-

Pabalik na ako sa working table ko ng salubungin ako ng secretary ni sir Darwin.

"Pinapatawag ka ni sir Darwin sa office niya." seryosong pagkakasabi niya sakin.

"Ako? Pero bakit daw?" pagtataka ko.

"Hindi ko rin alam, kaya mas mabuti kung pupunta kana ngayon." saad niya.

At ako naman ay kaagad nga na umalis upang magtungo sa office ni sir Darwin.

Pagpasok ko sa office niya ay naka-upo siya sa table niya habang pinapaikot sa daliri niya ang ballpen, tila inaabangan niya ang pagdating ko.

"Sir Darwin, pinapatawag niyo daw po ako." mahinanon na tanong ko.

"May nakapag sabi sakin na magkasama daw kayo ni Troy kanina. Totoo ba?" seryosong tanong niya sakin.

"Ah opo. Pero saglit lang naman po kami nag usap ni Troy, less than 30mns." nakangising sagot ko.

"Ayaw ko ng mauulit na nakikipag usap ka sa iba sa oras ng trabaho. Ilang beses ko na ba yun sinabi sayo?" seryosong pagkakasabi ni sir Darwin.

"Eh Sir, saglit lang naman po yun eh. Isa pa. Nakakalimutan mo na ba sir? Muntik ko na ikamatay yung pagkaka-trapped natin sa elevator kanina. Kaya kailangan ko sumagap ng fresh air sa labas." palusot ko.

Agad naman siya naglakad palapit sakin kaya agad ako napaatras.

"Fresh air? Pero sa isang bakeshop kayo nagpunta?" sarcastic niyang tanong habang patuloy na naglalakad palapit sakin at ako naman ay patuloy din sa pag atras hanggang sa mapasandal na ako sa pader.

"Grabe ka naman sir Darwin, pati ba naman yung pagpunta ko sa bakeshop kailangan pa ipaalam sayo. Boyfriend ba kita ha?" mataray na tanong ko pero agad din naman ako humingi ng paumanhin sa pag ta-taray ko. Nakalimutan ko yata na CEO ng Winslet ang kaharap ko.

"Sa susunod, ipapaalam mo sakin kung saan at sino ang kasama mo. Maliwanag ba?" seryosong tanong niya na labis ko pinagtaka.

"Ah o-opo." pag sang ayon ko para hindi na humaba pa ang usapan.

"P-pwede na po ba ako bumalik sa trabaho ko?" nauutal kong tanong.

Agad naman dumistansya sakin si sir Darwin kaya nagmamadali akong lumabas ng office niya saka ako huminga ng malalim.

To be continue..


PLEASE STOP THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon