CHAPTER 16

22 2 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 16:

-CHLOE POV-

"Babe, nakausap ko na nga pala yung magiging wedding coordinator natin. At kung ok lang daw sayo, pwede ba natin i-meet sila mamaya or bukas." masayang pagkakasabi ko kay Darwin pero tinignan niya lang ako at hindi man lang ngumiti sakin.

"Babe, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Bakit parang hindi ka man lang masaya." saad ko.

Pero hindi kumibo si Darwin saka siya umakyat sa hagdan, patungo yata sa silid niya.

Agad naman ako humarang sa nilalakan niya.

"Ano ba nangyayari sayo? Pwede ba kausapin mo naman ako Babe! Ikakasal na tayo pero bakit ganyan ka?" inis na pagkakasabi ko.

Agad naman ako tinignan ng seryoso ni Darwin.

"Umuwe kana muna. Wala pa ako sa mood na makipag usap." seryosong pagkakasabi ni Darwin sakin.

"What? Pinapauwe mo 'ko?!" inis na tanong ko.

"Chloe, makinig kana lang sakin kung ayaw mo magtalo pa tayo." seryoso niyang pagkakasabi.

"Ok, kung yan ang gusto mo." saad ko saka ko hinagkan sa pisngi si Darwin bago ako umalis.

[3days later]

-TROY POV-

Nasa loob ako ngayon ng kotse ko sa tapat ng gate ng bahay ni Lyra, pababa na ako ng kotse ko ng mapansin ko na palabas ng gate si Lyra na may hila hilang maleta.

"Lyra!" tawag ko sa pangalan ni Lyra kaya agad siyang lumingon sakin.

"Troy, anong ginagawa mo dito?" pagtataka ni Lyra.

Agad naman ako napasulyap sa maletang hilang hila niya.

"Saan ka pupunta? Aalis ka?" pagtataka ko.

Agad naman ngumiti sakin si Lyra.

"Tinanggap ko na kasi yung trabaho na ino-offer sakin abroad." nakangiting pagkakasabi niya.

"So aalis ka nga? Pero Lyra, paano si Darwin?" saad ko.

"Masaya na siya kay Chloe, mang gugulo pa ba ako? Kahit naman anong pilit ko, hindi narin naman niya ako maalala. Minsan sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari kay Darwin. Kung hindi ko siya pinilit na sunduin ako ng gabing yun hindi kami ma a-aksidente. Hindi siya magkakaroon ng post-traumatic rain amnesia. Ako ang nagdala kay Darwin sa ganitong sitwasyon------"

"Lyra, walang may gusto sa nangyari ng gabing yun. Aksidente ang lahat, kaya hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo." paliwanag ko.

"Troy, thank you for always being there for me. Pero hindi mo 'ko kailangan alalahin pa. Balang araw ay magiging ok rin ako. But for now, kailangan ko muna magpaka-layo layo para matulungan ko rin ang sarili ko na maka-move on." nakangiting pagkakasabi ni Lyra saka niya inutusan ang driver ng taxi na isakay sa compartment ang maleta na dala niya.

[Flashback: Yesterday]

-LYRA POV-

"Tita Nathalie?" pagkabigla ko ng makita ang mommy ni Darwin dito sa bahay.

"Mabuti naman at natatandaan mo pa 'ko." sarcastic na pagkakasabi niya.

"Ano po ginagawa niyo dito?" magalang na tanong ko.

"Tinatanong mo kung bakit ako nandito? Well, nabanggit ni Chloe na nagpunta ka daw sa bahay ng anak kong si Darwin. Ngayon, gusto ko malaman kung anong ginagawa mo doon. Sinusubukan mo ba na maalala ka ng anak ko?" sarcastic na tanong ni Tita Nathalie.

"Nagkakamali po kayo----"

"Baka nakakalimutan mo Lyra, kasalan mo kung bakit na-aksidente ang anak ko. Kaya pakiusap, layuan mo na ang anak ko. Pabayaan mo na sila ni Chloe, dahil ikakasal na sila." seryosong pagkakasabi ni Tita Nathalie.

Agad naman na tumulo ang luha sa mata ko.

[End of Flashback]

-DARWIN POV-

"Sir Darwin, may gusto po makipag usap sainyo." saad ng secretary ko.

"Sabihin mo busy ako." seryosong pagkakasabi ko.

"Eh sir importante daw po na makausap niya kayo." saad ng secretary ko.

"Pasensya na kung na-istorbo kita Bro. pero may kailangan lang akong sabihin sayo." saad ni Troy na kakapasok lang sa office ko.

"Ano yun?" seryosong tanong ko.

"Si Lyra, paalis na siya. Papunta na siya ngayon sa airport. Kailangan mo siyang maabutan bago siya umalis." saad ni Troy.

"Lyra? Yung girlfriend mo? Bakit mo ba sinasabi sakin 'to? Ano naman pakialam ko sa girlfriend mo?" sarcastic na tanong ko.

"Bro. hindi ko girlfriend si Lyra, alam kong hindi mo siya naalala sa ngayon dahil sa sakit mo. Pero Bro. mahalagang tao si Lyra sa buhay mo, dahil si Lyra lang naman ang babaeng pinakamamahal mo. Ex girlfriend mo si Lyra, nakipag hiwalay ka sakanya dahil ayaw mo siyang nakikitang nahihirapan. Dahil sa tuwing umuulan ay nakakalimutan mo siya. Pero Bro. kahit nakipag hiwalay kana kay Lyra, alam ko na mahal na mahal mo parin siya." paliwanag ni Troy.

[Flashback: 3years ago]

"Mahal na mahal kita, Lyra. Kahit anong mangyari, sana wag kang bibitaw dito sa mga kamay ko." nakangiting pagkakasabi ko habang hawak ko ang kamay ni Lyra.

"Promise." nakangiting pagkakasabi ni Lyra saka ko siya niyakap.

[End of Flashback]

-LYRA POV-

"Miss, may sumusunod yata satin. Kanina pa yung kotse na yan eh. May tinatakasan ka ba?" saad ng Taxi Driver at agad naman ako napalingon sa likod ko.

At nakita ko nga ang kotse ni Darwin na sinusundan ang taxi na sinasakyan ko.

"Kuya, pwede pakitabi ng kotse kahit saglit lang." utos ko sa Taxi Driver at agad naman niya tinabi ang taxi pagkatapos ay agad ako bumaba.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko rin na bumaba ng kotse si Darwin at saka nag lakad palapit sakin.

Hindi ko narin mapigilan ang pagluha ko hanggang sa makalapit na siya ng tuluyan sakin.

Walang kahit anong salita ang namitawi sa labi niya ng sandaling makalapit na siya sakin, pero naiiyak siyang napaluhod sa harapan ko.

"I'm sorry." paghingi niya ng tawad sakin.

Naiiyak narin ako na umupo sa harapan niya at agad niya ako niyakap.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now