CHAPTER 25

19 2 0
                                    

“PLEASE STOP THE RAIN”

CHAPTER 25:

—LYRA POV—

Isang malaking screen ang bumungad sakin ng makapasok na kami sa isang pribadong silid na exclusive lang kay Darwin, dahil ang silid na yun ay naglalaman ng memory bank ni Darwin.

Sa isang malaking screen makikita ang lahat ng memories namin ni Darwin, mula ng una kaming magkakilala sa isang elevator kung saan nasungitan ko siya. May mga pictures din namin na para bang isang timeline na nakadikit sa wall.

Habang pinagmamasdan ko ang lahat ng yun ay naluha nalang ako.

“Kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan mabura kana naman sa isip ko, dito mo 'ko dalhin. Nang sa ganun ay maalala kitang muli.” saad ni Darwin habang nakakatitig siya sa mga mata ko.

“I'm afraid that I might lost you again, kaya nagpatulong ako kay Troy na gawin 'to. By the help of technologies, ay nagawa 'tong memory bank.” paliwanag ni Darwin.

“Thank you for keeping our memories alive.” saad ko at saka ako yumakap kay Darwin agad din naman niya akong niyakap.

[3days later]

—CHLOE POV—

“Hi Tita.” nakangiting bati ko kay Tita Nathalie ng dumating ako sa coffee shop.

“Oh, Chloe. Good mood ka yata, anong meron? Ok na ba kayo ni Darwin?” interesadong tanong ni Tita Nathalie sakin.

Agad naman ako naupo sa tapat niya.

“Well, sa ngayon hindi pa po Tita. Pero soon, magiging ok na kami.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Soon?” pagtataka niya.

“Oo Tita, last day kasi nakausap ko si Mr. Chua, ang ka-close din na business tycon ni Darwin. I found na nagpagawa itong si Darwin ng memory bank, to keep the memories of him with Lyra. I asked Troy kung saan makikita ang memory bank ni Darwin, but as expected hindi niya sinabi sakin. So I decided na sundan nalang siya dahil alam kong pupuntahan niya si Darwin, at hindi ako nagkamali Tita. Nasa isang rest house sa Pampangga si Darwin kasama ang cheap na Lyra na yun. At tungkol naman doon sa memory bank ni Darwin, alam ko na kung saan 'to makikita. Sa isang Art Museum.” pagki-kwento ko.

Ngumiti naman sakin si Tita Nathalie, tila alam narin niya kung anong nasa isip ko.

—YNNA POV—

“Ngayon kana lang napatawag ah. Kamusta kana? Kamusta na kayo ni Darwin? Kailan ka ba papasiyal dito? Nami-miss na kita eh.” saad ko ng sagutin ko ang tawag ni Lyra.

“Miss you too gurl, don't worry. Bukas papasyal ako d'yan.” saad ni Lyra, at mababatid sa tono ng boses niya na masaya siya. Sana nga ay tuloy tuloy na ang sayang nararamdaman ng kaibigan ko.

“Bukas? Anong oras? Para naman makapag handa ako ng pagkain.” tanong ko.

“Mga bandang hapon siguro.” sagot niya.

“Sabi mo yan ah, iintayin kita.” paninigurado ko.

“Oo naman, promise.” saad niya.

—DARWIN POV—

“Sinong kausap mo?” seryosong tanong ko kay Lyra.

“Si Ynna, nagtatanong lang siya kung kailan daw ako pwedeng pumasiyal doon sa bahay. Sabi ko bukas. Ok lang ba sayo kung pupuntahan ko si Ynna?” sagot ni Lyra.

Agad naman ako lumapit sa kinaroroonan ni Lyra.

“Oo naman, bakit naman kita pagbabawalan.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Eh ikaw ba? Hindi ka ba sasama sakin?” tanong niya.

[Flashback: An hour ago]

“Magkita tayo sa Art Museum, may kailangan ka malaman.” text message sakin ni Mr. Chua.

[End of Flashback]

“Gustuhin ko man na samahan ka pero kailangan ko kasi i-meet si Mr. Chua, siya yung gumawa ng memory bank ko. Wag ka mag alala, ako nalang ang susundo sayo kapag pauwe kana.” nakangiting pagkakasabi ko saka ko hinimas ang ulo ni Lyra, kaagad naman siya yumakap sakin.

——

—LYRA POV—

Bandang alas-tres ng hapon ng makauwe ako sa bahay. Nadatnan ko si Ynna na abala sa paglalagay ng pagkain sa round table. Mukhang pinaghahandaan ang pag dating ko.

“Sobrang busy mo naman.” nakangiting pagkakasabi ko at agad na napalingon si Ynna sa kinaroroonan ko.

“Lyra!” sambit niya at agad akong  niyakap.

“Loko kang babae ka na-miss kita.” saad ni Ynna habang nakayakap parin sakin.

“Baka gusto mo na 'kong bitawan? Hindi na ako nakakahinga. Tumataba kana gurl.” biro ko kay Ynna at agad naman siya kumalas mula sa pagkakayakap sakin.

“Bakit hindi ka man lang nagsabi na papunta kana pala. Oo nga pala, ikaw lang ba mag isa? Nasaan si Darwin?” tanong ni Ynna sakin.

Agad ko naman tinungo ang kusina saka uminom ng tubig, pagkatapos ay saka na ako sumagot sa tanong niya.

“May kakausapin daw kasi si Darwin. Si Mr. Chua, yung gumawa ng memory bank niya.” sagot ko.

“Memory bank?” pagtataka ni Ynna.

“Ay oo nga pala, hindi ko pa nga pala na iki-kwento sayo. Pero bago yun, pwede kumain na muna tayo? Kanina pa ako gutom eh.” saad ko.

——

—DARWIN POV—

“Anong ibig mong sabihin na nabura? Paano mangyayari yun? Secured ang silid na 'to. Kaya paanong made-delete yung memory bank.” galit na tanong ko.

“Sabi ni Mr. Chua, posible daw na may naglagay ng virus sa memory bank. Kaya na-delete lahat ang laman nito.” paliwanag ni Troy.

“Naglagay? Eh sino naman ang maglalagay ng virus doon? Tayong tatlong lang ni Lyra at ikaw ang nakakaalam ng code sa pintuan ng silid na ito, tayong tatlong lang din ang nakakaalam tungkol sa pagpapagawa ko ng memory bank. Kaya kanino ko dapat isisi ang paglalagay ng virus sa memory bank?” seryosong pagkakasabi ko.

“I'm so sorry Mr. Constantino, pero hindi na kayang i-restore ang laman ng memory bank. Kapag nawala ang nilalaman ng memory bank, it will be deleted forever.” sabat ni Mr. Chua dahilan upang sumakit ang ulo ko.

Hindi pwedeng mabura ang nilalaman ng memory bank, dahil yun lang ang makakatulong sakin upang muli kong maalala si Lyra, kung sakaling umulan na naman.

—LYRA POV—

“Lyra, nandito na si Darwin.” rinig kong sigaw ni Ynna mula sa first floor.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan ng silid ko.

At nakita ko si Darwin na sobrang lungkot ng mukha.

“Anong nangyari sayo?” pag aalala ko.

Agad naman siyang napaluhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

“Darwin, ok ka lang ba?” pag aalalang tanong ko sakanya.

“Yung memory bank, na-delete lahat ng laman nito, may nag lagay ng virus sa memory bank.” halos naluluhang pagkakasabi ni Darwin.

“Hindi na mare-restore ang laman nito. Lyra natatakot ako. Paano kung hindi na naman kita maalala. Paano kung masaktan na naman kita.” naiiyak na pagkakasabi ni Darwin at kaagad ko naman siyang niyakap.

Saka kami nagtinginan ni Ynna.

To be continue..

A/N: Hmmm sino kaya ang naglagay ng virus sa memory bank ni Darwin. Is it Chloe, the desperate so-called-girlfriend of Darwin or is it Lyra, Darwin's true love.

PLEASE STOP THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon