CHAPTER 2

45 1 0
                                    

“PLEASE STOP THE RAIN”

CHAPTER 2:

—DARWIN POV—

“So totoo nga na nakipag break kana kay Lyra? Bro. naman, bakit mo ginawa yun? Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Lyra diba? Lagi siya nand'yan para sayo, iniintindi ka niya. Tapos makikipag break ka lang? Bro. tawagan mo si Lyra, ayusin niyo 'to.” saad ni Troy matapos ko i-kwento sakanya ang naganap kanina.

“Nakokonsensya nga ako eh. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra. Mahal ko si Lyra, pero Bro. mas mabuti ng ganito. At least makakahanap siya ng lalakeng hindi siya magagawang kalimutan dahil lang sa bumubuhos ang malakas na ulan.” saad ko.

“Bro. hindi yun sapat na dahilan. Alam mo, kung meron man dapat na sumuko sainyo si Lyra yun. Pero hindi niya yun ginawa dahil mahal na mahal ka niya. Kung iniisip mo naman ay nasasaktan mo siya sa tuwing hindi mo siya naaalala, Bro. naiintindihan ka ni Lyra. Alam niya kung anong pinagdaraanan mo. Kaya pasensya na, pero hindi ako sang ayon sa ginawa mong pakikipag break kay Lyra.” seryosong pagkakasabi ni Troy sakin.

—LYRA POV—

“Uy Lyra, tama na yang kakaiyak mo. Tignan mo yung unan mo, basang basa na.” malumanay na pagkakasabi ni Ynna sakin.

“Ang sakit sakit eh.” umiiyak na pagkakasabi ko.

“Alam ko, masakit talaga yan. Pero may papala ka ba sa kakaiyak mo?” tanong ni Ynna sakin agad naman ako napatingin sakanya.

“Pero aamin ko, maging ako nabigla sa pakikipag hiwalay sayo ni Darwin. Naaalala ko tuloy kung paano kayo na-develop sa isa't isa, 3years ago.” saad ni Ynna.

[FLASHBACK: 3YEARS AGO]

—LYRA POV—

First day ko ngayon sa work ko kaya siyempre maaga ako papasok. Mahirap ng mapagalitan, balita ko kasi masungit daw yung CEO ng Winslet Group of Company.

Pag dating sa Lobby ng gusali ay nagmamadali ako na tinungo ang Elevator. Pasara na ang pintuan ng Elevator mabuti ay nakaabot pa ako.

Pagpasok ko ay masama ang tingin sakin ng isang lalake na naka suot ng business attire, may katangkaran, medyo chinito, maputi at oo, gwapo.

“Ang sama mo makatingin ah. May problema ka ba sakin?” mataray na pagkakasabi ko.

Pero hindi siya nagsalita at ng bumukas ang pintuan ng elevator sa 24th Floor ay kaagad na siyang lumabas. Kaya ako nalang ang natira sa loob.

—DARWIN POV—

Nainis ako sa babaeng nakasabay ko sa Elevator. Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung may nakakasabay ako na empleyado sa tuwing sasakay ako ng Elevator.

Kaya kahit nasa 24th Floor palang ay bumaba na ako. Ngayon ko palang nakita ang mukha ng babaeng yun dito, kaya nakasisiguro ako na bagong empleyado lang siya dito. Isa pa, hindi niya ako kilala. Hindi niya alam na ako ang CEO ng kompanyang pinagta-trabahuan niya.

—LYRA POV—

“Good Morning po.” bati ko sa mga office mate ko. Siyempre kailangan makisama ako sakanila, bago palang kasi ako dito.

“Ikaw ba si Lyra Dela Cruz?” seryosong tanong sakin ng babae.

“Yes, ako nga po.” magalang na sagot ko.

“Sumunod ka sakin, ituturo ko sayo kung saan ang magiging working area mo. But before that, kailangan mo muna i-meet ang boss natin. Si Mr. Darwin Constantino, ang CEO ng Winslet Group of Company.” seryosong pagkakasabi niya.

“Ah ok po.” magalang na sagot ko at saka niya ako sinamahan na magtungo sa office ng Boss namin.

—DARWIN POV—

“Sir Darwin, nandito na po ang new employee natin.” saad ni Faye, ang secretary ko.

“Sige, papasukin mo.” seryosong pagkakasabi ko.

At isang babae nga ang pumasok mula sa pintuan ng opisina ko.

At kitang kita ko ang pagkabigla niya ng malaman niyang ako ang Boss niya.

“Makakaalis kana Faye.” seryosong pagkakasabi ko kay Faye habang nakatitig ako sa bagong empleyado ng kompanyang 'to.

“Ok sir.” agad na sagot ni Faye saka siya lumabas ng office ko.

—LYRA POV—

Gulat na gulat ako ng malaman na ang lalakeng sinungitan ko sa Elevator kanina ay ang Boss ko pala.

Kaya naman pasimple akong nagtungo sa pintuan ng office niya para lumabas na.

“Saan ka pupunta?” seryosong tanong sakin ng Boss ko.

“Ah, pupunta na po sana ako sa working area ko.” nakangising palusot ko.

“Sa susunod, ayaw ko ng makikitang yang pagmumukha mo kapag sasakay ako ng elevator.” seryosong pagkakasabi niya sakin.

“Opo, pasensya na po sa nangyari kanina. Hindi na po yun mauulit. Nagmamadali lang po talaga ako eh, ayaw ko po kasi ma-late sa unang araw ko sa trabaho.” nakangising pagkakasabi ko.

“At ayaw ko rin ng maraming sinasabi. Kaya makakaalis kana.” seryosong pagkakasabi niya.

“Loko 'to ah, kung hindi lang kita Boss. Sinapak na kita.” mahinang pagkakasabi ko.

“May sinasabi ka?” seryosong tanong niya.

“Ah wala po. Ang sabi ko po, lalabas na po ako, Sir Darwin.” palusot ko at agad na lumabas ng office niya.

To be continue..



PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now