CHAPTER 18

18 2 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 18:

-DARWIN POV-

"Son! hindi mo pwedeng gawin 'to." pigil sakin ni Mommy ng sabihin ko sa kanila ni Daddy ang pag atras ko sa kasal namin ni Chloe.

"At bakit hindi? Buong buhay ko kayo ang nasunod sa kung ano o sino dapat ang pipiliin ko. Yung pagiging CEO ng Winslet, hindi niyo man lang ako tinanong ni Daddy kung gusto ko ba talaga pamunuan ang kompanya na yun. Tapos ngayon, pipilitin niyo akong magpakasal sa babaeng hindi ko naman talaga minahal." seryosong pagkakasabi ko kay Mommy.

"At sinong gusto mong pakasalan? Yung Lyra na yun, na siyang dahilan kung bakit ka na aksidente?" seryosong tanong ni mommy sakin.

"Darwin, anak. Sundin mo nalang ang mommy mo. Para rin 'to sa ikabubuti ng kompanya, kung magpapakasal kayo ni Chloe." sabat ni Daddy.

"Puro kompanya nalang ba talaga ang nasa isip niyo? Puro pera? At ako, hindi niyo man lang ba inisip kung ano ba talaga ang gusto ko?" seryosong tanong ko at hindi na naka kibo pa sila mommy at daddy saka ako nagmamadaling umalis ng mansion.

Paglabas ko ng pintuan ay nasalubong ko pa si Chloe.

"Darwin, let's talk." saad ni Chloe sabay hawak sa braso ko pero agad ko binawe ang braso ko.

"Wala tayong dapat na pag usapan." seryosong pagkakasabi ko saka ko binuksan ang pintuan ng kotse ko at agad akong sumakay saka 'to pinaandar.

-LYRA POV-

"So, bumalik na pala ang alaala ni Darwin. OMG! Kayo na ba ulit?" kinikilig na tanong sakin ni Ynna.

Agad naman ako ngumiti sakanya, senyales na pag oo ko.

"OMG! I'm so happy to both of you." masayang pagkakasabi ni Ynna.

Ilang saglit pa ay may kumatok na sa pintuan.

"May iniintay ka bang bisita, Lyra?" tanong sakin ni Ynna.

"Wala naman." sagot ko.

"Talaga? Baka naman si Darwin yung kumakatok. Teka lang, bubuksan ko muna." nakangiting pagkakasabi ni Ynna saka tinungo ang pintuan.

At ilang saglit pa nga ay bumalik na si Ynna, nakangiti siya sapagkat kasama niya si Darwin.

Agad naman ako napatayo mula sa kinauupuan ko na sofa.

"Darwin? Anong ginagawa mo dito? Gabi na." pagtataka ko.

Nakangiti naman siyang lumapit sakin saka ako niyakap.

"Sobrang na-miss kasi kita." saad niya habang nakayakap sakin.

"Namiss? Eh kahapon lang magkasama tayo diba?" saad ko saka ako kumawala mula sa pagkakayakap niya.

Hinawakan naman ni Darwin ang kamay ko.

"Alam ko, pero yung oras na hindi tayo magkasama pakiramdam ko ay isang taon na tayong hindi nagkikita." seryosong pagkakasabi ni Darwin habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ayieee nakakakilig naman." rinig kong sabat ni Ynna.

Agad naman ako bumaling ng tingin kay Ynna saka siya tumahimik.

"Pwede ba kita yayain na lumabas." nakangiting tanong ni Darwin sakin.

"Ngayong gabi? Eh saan naman tayo pupunta?" pagtataka ko.

"Basta, you just need to trust me." nakangiting pagkakasabi ni Darwin.

"Of course, I trusted you." nakangiting pagkakasabi ko.

At nang gabi nga na yun ay umalis kami ni Darwin.

Nagpunta kami sa isang park, kung saan ay nakakatuwang pagmasdan ang makukulay na ilaw at ang dancing fountain.

-DARWIN POV-

"Maganda ba?" nakangiting tanong ko kay Lyra habang pinagmamasdan siyang nakangiti habang tinitigan ang mga mga makukulay na ilaw sa paligid ng park.

Agad naman siya bumaling ng tingin sakin.

"Wala ng mas gaganda pa kung ikaw ang kasama ko." nakangiting pagkakasabi ni Lyra at agad ko naman siya niyakap mula sa likod.

"Lyra..."

"Hmm?"

"I'm sorry, dahil nasaktan kita nang sobrang noong panahon na wala akong maalala." malumanay na pagkakasabi ko.

"Naiintindihan ko naman yun eh. Pero kahit na hindi mo 'ko kilala ng mga panahon na yun, hindi ako tumigil na mahalin ka." saad naman ni Lyra saka siya humarap sakin.

"Natatakot lang ako, paano kapag hindi mo na naman ako naalala." pag aalala ni Lyra.

Hinawi ko naman ang buhok na humaharang sa maganda niyang mukha.

"Hindi na mangyayari yun, dahil hindi na ako papayag na makalimutan pa ulit kita. Hindi na ako papayag na makalimutan ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at intindihin ako." nakangiting pagkakasabi ko kay Lyra siya niyakap.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now