CHAPTER 4

29 0 0
                                    

“PLEASE STOP THE RAIN”

CHAPTER 4:

—LYRA POV—

Agad nga ako nagtungo sa office ng Boss ko para pa-pirmahan itong mga papers na dala ko.

Ngunit pagpasok ko sa loob ng office niya ay nakita ko si Troy.

“Troy?” sambit ko

“Oh, Lyra. Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? Teka, don't tell me si Darwin ang Boss mo?” nakangising tanong ni Troy sakin.

“Magkakilala kayo?” sabat naman ni sir Darwin.

Agad naman kami nagtinginan ni Troy. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ko sakanya kanina about sa Boss ko.

“Kanina ko lang siya nakilala Bro. aksidente ko kasi siya nabangga ng papunta ako dito sayo. Eh, dito pala siya nagta-trabaho.” saad ni Troy.

Tinawag na Bro. ni Troy ang Boss ko? So it means, magkakilala nga sila.

“Bagong empleyado lang siya dito.” seryosong pagkakasabi ni sir Darwin habang nakatingin sakin.

At pagkatapos ay kinuha na niya ang mga folder na hawak ko upang mapirmahan na saka ako umalis.

—DARWIN POV—

“Hindi mo naman sinabi sakin na may magandang empleyado ka pala dito Bro.” saad ni Troy.

“Why should I tell you? Alam ko na may pagka babaero ka Troy. Idadamay mo pa yung mga empleyado ko dito.” seryosong pagkakasabi ko.

“Yun lang ba talaga ang dahilan? Baka naman type mo na rin si Lyra?” tila pang aasar ni Troy sakin.

“Kilala mo 'ko Troy, hindi ako basta basta pumapatol sa kung sino sinong babae lang.” sarcastic na pagkakasabi ko.

[3months later]

—LYRA POV—

Tatlong buwan na nga ang nakakalipas mula ng mag trabaho ako dito sa Winslet Group of Company bilang isang Marketing Staff. Tatlong taon ko narin tinitiis ang kasungitan ng Boss ko na si sir Darwin. Ewan ko ba, kahit wala naman ako ginagawang masama sakanya napaka sungit niya, hindi ko pa siya nakitang nakangiti. Laging seryoso, parang hindi pwedeng biruin.

Mabuti nalang din at kahit papano ay naging magkaibigan narin kami ni Troy. Madalas siya nagpupunta dito sa Winslet, hindi para bisitahin ang matalik niyang kaibigan na si sir Darwin kundi para puntahan ako.

Kasalukuyan ako ngayon nag iintay na bumukas ang alin man sa dalawang pintuan ng elevator. Makalipas ang dalawang minutong pag iintay ay bumukas na ang unang pinto. Papasok na sana ako sa loob ng elevator ng magsalubong ang tingin namin ni sir Darwin kaya napaatras ako.

“Sumabay kana sakin.” seryosong pagkakasabi niya.

“Po?” pag uulit ko.

“Bingi ka ba? Ang sabi ko sumabay kana.” paglilinaw niya.

Kaya nakayuko naman ako na pumasok sa loob ng elevator.

Kaming dalawa lang ni sir Darwin ang nasa loob ng elevator kaya aminado ako na kabado ako.

Nasa 9th floor palang kami pababa sa 1st floor, ng biglang mag patay sindi ang ilaw sa loob ng elevator at tila parang yumanig sa loob kaya muntik na akong matumba. Mabuti nalang at kaagad akong nahawakan ni sir Darwin sa braso. At saka nagtama ang paningin namin dalawa.

Ilang saglit pa ay tuluyan ng namatay ang ilaw sa loob ng elevator.

May phobia ako sa madidilim na lugar kaya ng namatay ang ilaw ay nanginginig akong napayakap kay sir Darwin. Tila hindi ko na alintana kung sino ang niyakap ko.

Ngunit imbes na itulak ako ni sir Darwin ay naramdaman ko rin ang pagyakap niya sakin.

“It's ok. I'm here, wag ka matakot.” mahinanon na pagkakasabi niya.

—TROY POV—

Nandito ako ngayon sa Winslet para puntahan si Lyra. Dala ko ang paborito niyang turon, nang mapansin ko na tila nagkakagulo ang mga security guards.

Kaya agad ko nilapitana ang isa sa mga ito upang tanungin kung anong nangyayari, at doon ay napag alaman ko na na-trapped daw sa elevator si Darwin at may kasama ito, si Lyra.

Kaya naman nagmamadali ako tinungo ang hagdan at saka nagmamadaling umakyat. Hinihingal ako na narating ang 9th floor kung saan may mga maintenance staff sa tapat ng isang elevator. Doon daw kasi na-trapped sila Darwin at Lyra.

—DARWIN POV—

Makalipas ang 30mns, ay nabuksan na ang pintuan ng elevator at ng bumukas ito ay nakita ko kung paano sumalubong si Troy upang yakapin si Lyra.

Takot na takot naman si Lyra na yumakap kay Troy.

“Boss ok lang kayo?” tanong sakin ng guard.

Hindi ako nakakibo dahil nakatitig lang ako kila Troy at Lyra. Hindi ko alam, pero bakit nakakaramdam ako ng pagseselos.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon