CHAPTER 10

20 2 0
                                    

“PLEASE STOP THE RAIN”

CHAPTER 10:

—TROY POV—

“Bakit parang abot tenga yata yang ngiti mo?” puna ko kay Darwin ng magkita kami sa isang Sports Bar.

“Bro. si Lyra, pumayag na siyang ligawan ko siya.” nakangising pagkakasabi ni Darwin na kinabigla ko.

“Nililigawan mo si Lyra?” pag uulit ko, at aminado ako nakaramdam ako ng pagseselos at inggit sa nalaman ko.

“Oo Bro.” nakangiting pagkakasabi ni Darwin.

Hindi naman ako kumibo at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko.

“Oh, saan ka pupunta?” pagtataka ni Darwin.

“Uuwe na ako.” pagsisinungaling ko, ngunit ang totoo ay pupuntahan ko si Lyra upang alamin kung totoo ang sinasabi ni Darwin.

—LYRA POV—

Kasalukuyan kami nanonood ng TV ni Ynna habang nakaupo sa sofa, katatapos lang kasi namin kumain ng hapunan ng may kumatok sa pintuan.

“Ako nalang ang ang titingin kung sino.” saad ko saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko at saka tinungo ang pintuan.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa harapan ko si Troy, at amoy alak siya.

“Troy! Anong ginagawa mo dito? Gabi na.” pagkabigla ko.

“Pwede ba tayo mag usap?” seryosong tanong niya sakin.

“Mag usap? Tungkol saan?” pagtataka ko at saka ako lumabas ng pintuan.

“Totoo ba? Totoo ba na nililigawan kana ni Darwin?” seryosong tanong niya sakin.

“Paano mo nalaman? Sinabi niya ba sayo?” malumanay na tanong ko.

“So totoo nga. May balak ka ba na sagutin siya?” tanong muli ni Troy sakin.

“Ano bang klaseng tanong yan Troy?” pagtataka ko.

“Bakit hindi mo nalang sagutin ang tanong ko. May pag asa ba siya sayo?” seryosong tanong ni Troy sakin.

“Alam mo Troy, umuwe kana. Lasing kana eh, saka nalang tayo mag usap kapag hindi kana nakainum.” mahinahon na pagkakasabi ko.

“Hindi Lyra, hindi ako aalis dito hangga't 'di ka nagsasabi sakin ng totoo. May pag asa ba na maging kayo?” seryosong saad ni Troy.

“Bakit ba interesado kang malaman?” saad ko.

“Dahil parehas kami ni Darwin na nagkakagusto sa iisang babae, may gusto din ako sa'yo Lyra. Ay mali, mahal na pala kita.” seryosong pagkakasabi ni Troy na kinagulat ko.

“Anong sabi mo?” pag uulit ko.

“Ang sabi ko, mahal kita Lyra. At hindi ako papayag na kay Darwin ka mapunta. Kung meron man lalaking deserving sayo, ako yun.” saad ni Troy saka niya hinawakan ang kamay ko.

“Troy lasing ka lang, kaya mo 'to nasasabi. Umuwe kana, kung gusto mo tumawag nalang ako ng taxi para maihatid kana lang sa bahay mo. Kasi kung magda-drive ka, baka ma-aksidente ka lang.” saad ko.

“Lyra, hindi ako lasing. Alam ko kung anong mga sinasabi ko. Alam ko sa sarili ko na mahal kita.” saad muli ni Troy at saka niya ako niyakap.

—YNNA POV—

Napansin ko na parang kanina pa hindi bumabalik si Lyra kasi naisipan ko na sundan siya sa labas, at naabutan ko nga na nakayakap sakanya si cutie boy Troy.

Nang mag tama ang tingin namin ni Lyra ay sinenyasan niya ako na awatin si Troy mula sa pagkakayakap sakanya.

Ilang saglit pa nga ay kusa narin kumalas mula sa pagkakayap si Troy kay Lyra.

At napapayag naman namin siya na umuwe dahil gabing gabi na rin, isa pa medyo nakainum na siya.

“Grabe ka Lyra, ang haba ng hair mo.” biro ko kay Lyra habang naglalakad kami papabalik sa apartment.

“Grabe, mas naging komplekado yata ngayon ang buhay ko. Ynna what should I do?” tila malungkot na pagkakasabi niya.

“Follow your heart nalang. Yun lang ang maipapayo ko sayo Lyra.” nakangising pagkakasabi ko.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now