CHAPTER 1

138 4 2
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 1:

-LYRA POV-

Until unti ng pumapatak ang ulan mula sa makulimlim na kalangitan. Kasabay nga ng pagbuhos nito ay ang pagpatak ng aking luha. Senyales na naman kasi na makakalimutan na naman ako ng boyfriend ko, who is suffering from post-traumatic rain amnesia. Nakakalimutan niya ang ka-opposite sex niya when it's raining, at isa na nga ako doon na girlfriend niya.

Naiintindihan ko naman ang pinagdaraanan ni Darwin, nagsimula lang ang ganoong sakit niya ng maaksidente kami and that was two years ago.

Pauwe na kami matapos niya akong sunduin mula sa pinagta-trabahuan ko na kompanya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahilan upang dumalas ang kalsada at mag zero visibilty ang daan, sa kalagitnaan nga ng pagma-maneho ng kotse ni Darwin ay na-aksidente kaming dalawa.

Agad naman kami naisugod sa pinakamalapit na hospital pero nag 50/50 siya noon at kinailangan salinan ng dugo dahil sa pangyayari na yun ay naging resulta ito upang magkaroon si Darwin ng post-traumatic rain amnesia.

At simula magkaroon siya ng ganoong klaseng sakit, nakakalimutan niya ako tuwing umuulan. Hindi niya ako maalala, ayaw ko naman pilitin siya na maalala ako dahil makasasama lang yun sakanya.

Bumabalik naman siya sa dati, naalala niya naman ako makalipas ang pitong araw na sunod sunod na hindi umuulan.

Kahit ganoon ang kalagayan niya, hindi ko naisip na iwanan siya. Dahil alam kong ngayon niya ako mas higit na kailangan.

"Lyra, anong problema? Ok ka lang?" pag aalalang tanong sakin ng bestfriend ko na si Ynna.

Nandito siya bahay matapos ako magpatulong sa kanya na mag general cleaning.

"Problema? Wala naman. I'm fine." pagsisinungaling ko saka ko pinilit na ngumiti.

"Nagsisinungaling ka, Lyra naman. Sa tagal natin magkaibigan kilang kilala na kita. Alam ko kapag malungkot ka at alam ko rin kapag nagsasabi ka ng totoo. At sa nakikita ko ngayon sayo, hindi ka ok." saad ni Ynna.

Pitong taon na kami magkaibigan ni Ynna, kaya parang magkapatid na kami sa sobrang close namin sa isa't isa. At sa tagal nga ng pagkakaibigan namin, kabisado na niya ang ugali ko.

"Ang lakas na naman kasi ng ulan, siguradong hindi na naman ako kilala ni Darwin. Next pa naman, 3rd Anniversary na namin." malungkot na pagkakasabi ko.

"Ikaw naman kasi, nagta-tiyaga ka pa kasi d'yan sa boyfriend mo. Problema mo pa tuloy kapag umuulan kasi nakakalimutan ka niya. Oh edi paano nalang kapag nagdi-date kayo? Tapos biglang bumuhos yung malakas ulan? Bigla kana lang niya iiwan sa gitnan ng date niyo ganun ba? Kasi hindi ka niya naalala?" saad ni Ynna.

"Hangga't kaya ko unawain siya gagawin ko. Mahal na mahal ko si Darwin, Ynna. Hindi ko siya kayang iwan. Oo masakit sakin kapag hindi niya ako naalala. Pero isip lang naman niya yung nakakalimot eh, dahil nararamdaman ko na sa puso niya hindi ako nawawala." paliwanag ko.

"Ok, wala na akong sinabi. Edi kayo na." sarcastic na pagkakasabi ni Ynna pero agad din naman siya ngumiti sakin.

"Basta ba masaya ang kaibigan, support ako." dagdag pa ni Ynna saka niya ako niyakap.

[1week later]

Nandito ako sa favorite Restaurant namin ni Darwin. Tumawag kasi siya, gusto daw niya makipag kita sakin. Kaya agad naman ako nagpunta dito.

Pagdating ko ay wala pa siya, pero makalipas ang lang halos 30mins ay dumating narin si Darwin.

"Hi Love." nakangiting bati ko kay Darwin saka siya niyakap at hinagkan sa pisngi.

"Kanina ka pa ba? Pasensya na medyo na-late ako. May tinapos pa kasi akong mga papers sa opisina." saad ni Darwin saka kami naupo.

"Ah hindi naman, kararating ko lang din. Busy ka yata eh, bakit ka nakipagkita? Hmmm alam ko na, miss na ako ng boyfriend ko?" nakangiting tanong ko pero seryosong tinignan lang ako ni Darwin.

"May problema ba sa kompanya? Nag away na naman ba kayo ng Daddy mo?" malumanay na tanong ko.

"Hindi, hindi 'to tungkol sa kompanya. It's about us, Lyra." seryosong pagkakasabi niya.

What did he calls me? Lyra? For 3years, ngayon nalang niya ako ulit tinawag sa pangalan ko.

"About us? Bakit? May problema ba tayo?" pagtataka ko.

-DARWIN POV-

Agad naman ako napabuntong hininga. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lyra na makikipag hiwalay na ako sakanya.

"Uy, bakit hindi kana nagsalita?" puna ni Lyra sakin.

Agad ko naman hinawakan ang kamay niya.

"Thank you for always being there for me. Hindi mo man aminin sakin pero alam ko, nararamdaman ko na pagod kana rin. Nahihirapan kana rin sa ganitong klaseng relasyon na meron tayo. Kaya pinapalaya na kita Lyra, tapusin na natin 'to. Maghiwalay na tayo." seryosong pagkakasabi ko.

Nakita ko naman ang agad na pagpatak ng luha ni Lyra matapos ko bitawan ang mga salitang yun.

"Nakikipag break ka sakin?" seryosong tanong ni Lyra habang patuloy sa pag tulo ang luha sa mata niya.

"Lyra I'm so sorry. I didn't mean to hurt you." malumanay na pagkakasabi ko.

"You didn't mean to hurt me? Eh ano 'tong ginagawa mo? You breaking up with me, sa tingin mo natutuwa ako?" sarcastic na pagkakasabi ni Lyra.

"Tell me, may iba kana ba? Noong panahon hirap kang alalahanin ako, may naka-relasyon ka ba?" seryosong tanong ni Lyra sakin.

"Oo." pagsisinungaling ko.

"Lyra----"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko.

Agad naman tumayo si Lyra mula sa kinauupan niya saka siya nagmamadali na umalis.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now