CHAPTER 23

18 0 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 23:

-DARWIN POV-

Makalipas ang halos tatlong oras na biyahe ay narating narin ang Pampangga.

"Kailangan ba talaga na naka blind fold ako?" natatawang tanong ni Lyra habang nilalagyan ko ng piring ang mata niya gamit ang panyo.

"Oo, para surprise." nakangising ko naman na sagot.

Pagkatapos ay ako muna ang bumaba ng kotse saka ko pinagbuksan siya ng pintuan sa front seat. Inalalayan ko siyang bumaba dahil nga sa naka-blind fold niya.

Hawak ko ang kamay niya habang inaalalayan siyang humakbang. Hanggang sa makarating na kami sa garden ng rest house na nabili ko.

Mahilig sa halaman at mga bulaklak si Lyra, kaya sigurado akong magugustuhan niya ang nabili kong rest house.

"Are you ready?" nakangiting tanong ko kay Lyra.

"Yes." nakangiti rin niya na sagot.

At saka ko nga dahan dahan na tinanggal ang blind fold niya.

-LYRA POV-

Nang tanggalin na ni Darwin ang blind fold ko ay mga bulaklak at magagandang halaman agad ang bumungad sakin.

"Wow!" nakangiting sambit ko at saka lumapit sa mga tanim na magaganda at makukulay na bulaklak.

Sinundan naman ako ni Darwin.

"Did you like it?" tanong niya sakin.

"Sobra." nakangiting pagkakasabi ko.

Kaagad naman niya ako niyakap mula sa aking likuran.

"Akala ko hindi mo magugustuhan eh. Mas gusto mo yata yung turon na binibigay sayo ni Troy eh." saad ni Darwin kaya bumaling ako ng tingin sakanya.

"Nagseselos ka?" natatawang tanong ko.

"Hindi ah." saad niya.

"Weh? Nagseselos ka eh." natatawang pagkakasabi ko.

Agad naman niya pinisil ang pisngi ko.

"Aray!" reaction ko.

Saka siya ngumisi sakin.

"Pasok na tayo sa loob, mas marami akong ipapakita sayo at sure ako na magugustuhan mo." nakangising pagkakasabi ni Darwin saka niya ako inakbayan papasok sa loob ng rest house.

--

-CHLOE POV-

"Chloe, tama na yang kakainum mo. Nakaka tatlong bote kana." pagpigil sakin ng kabigan ko na si Sheena sabay agaw ng bote ng red wine pero agad ko rin yun inagaw sakanya, sabay tunga.

"Chloe, that's enough." muling pag awat sakin ni Sheena.

"Ano bang problema mo Sheena? Pwede ba, umalis ka nga sa harapan ko. Hindi ikaw ang kailangan ko, si Darwin ang kailangan ko." singhal ko kay Sheena.

Napabuntong hininga naman si Sheena saka naupo sa tabi ko.

"Chloe, kahit makaubos ka pa ng sampong bote ng red wine. Hindi na babalik sayo si Darwin. He's now happy with-------"

Hindi na naituloy pa ni Sheena ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sakalin.

"Hindi ko gusto yang pananalita mo ah, sa tingin mo ba papayag nalang ako basta basta na mapunta si Darwin sa babaeng yun? Hindi." mariing pagkakasabi ko saka ko binitawan ang leeg ni Sheena halos maubo naman siya.

"Eh anong gagawin mo? Paano mo mapapapayag si Darwin na pakasalan ka? Even his mom, can't force him to marry you." saad ni Sheena.

[The next day]

-TROY POV-

Pasakay na ako sa kotse ko ng harangin ako ni Chloe.

"Hindi ko alam kung nasaan si Darwin, makakaalis kana." seryosong pagkakasabi ko.

"Hindi naman si Darwin ang pinunta ko dito dahil alam ko naman hindi mo sakin sasabihin kung nasaan siya." sarcastic na pagkakasabi ni Chloe.

"Alam mo naman pala, so anong kailangan mo?" seryosong tanong ko.

Agad naman tinanggal ni Chloe ang sun-glasses na suot niya.

"Ikaw ang kailangan ko." nakangiting pagkakasabi ni Chloe.

"Ako? Anong kailangan mo sakin?" sarcastic na tanong ko.

Humakbang naman si Chloe palapit sakin.

"Sabihin mo sakin kung nasaan ang memory bank ni Darwin." seryosong tanong ni Chloe.

"Nagpapatawa ka ba Chloe? Memory bank yun ni Darwin, kaya siya lang ang nakakaalam kung nasaan yun. At kung sakali man na alam ko kung nasaan yun. Hindi ko rin sasabihin sayo." seryosong pagkakasabi ko at kaagad ko na binuksan ang pintuan ng kotse ko saka ako sumakay at pina-andar ito.

--

-LYRA POV-

"Good morning." nakangiting bati sakin ni Darwin ng idilat ko ang mata ko.

"Good Morning too." nakangiti ko rin bati sakanya.

"How's your sleep?" tanong niya sakin.

"Ok naman, kasi kasama kita." nakangiting pagkakasabi ko.

Nakangiti naman si Darwin habang hinahaplos ang mukha ko.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now