CHAPTER 21

21 2 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 21:

-TROY POV-

"Oh Chloe, ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?" pagtataka ko ng makita si Chloe sa labas ng pintuan ng condo unit ko.

"Kahapon ko pa tinatawagan si Darwin, but he's not answering my call. Nagpunta narin ako sa bahay niya pero wala siya doon. Ikaw ang kaibigan ni Darwin, kaya alam kong alam mo kung nasaan siya." mataray na pagkakasabi ni Chloe.

"Nagtataka ka pa na iniiwasan ka ni Darwin? Oo, kaibigan nga ako ni Darwin. Pero hindi ibig sabihin non ay alam ko na kung saan siya nagpupunta." sarcastic na pagkakasabi ko.

"Imposibleng hindi mo alam, kaya sabihin mo na sakin kung nasaan siya? Wag mo na siyang itago sakin. Alam mo, nagtataka nga ako sayo kung bakit hinahayaan mo na magkalapit sila Lyra at Darwin. Gayon alam naman natin dalawa na may gusto ka kay Lyra." tila pangongonsensya sakin ni Chloe.

"Oo, may gusto ako sakanya. Pero matagal na yun. Tanggap ko na kung sino talaga ang totoong makakapag pasaya kay Lyra. At hindi ako yun, kaya sana tulad ko ay matanggap mo rin." seryosong pagkakasabi ko saka ko agad na sinara ang pintuan ng condo unit ko.

--

-DARWIN POV-

Nandito kami ngayon ni Lyra sa Mansion, upang formal na sabihin kila Mommy at Daddy ang plano ko na pakasalan si Lyra.

Alam kong hindi 'to magiging madali na papayagin sila, pero kailangan parin ng basbas ng mga magulang ko.

Hindi alam ni Lyra ang totoong pakay namin dito sa Mansion, hindi ko pa kasi nasasabi sakanya ang plano ko na pakasalan siya. Ang alam lang niya kaya kami nandito sa Mansion ay para pumasyal lang kila Mommy.

Nakaupo kami ngayon sa sofa at napansin ko ang panginginig ng kamay ni Lyra. Kaya hinawakan ko 'to saka naman siya tumingin sakin.

"Don't be afraid." nakangiting pagkakasabi ko sakanya.

"Bakit pa kasi tayo nandito? Alam mo naman na ayaw na ayaw sakin ng mga magulang mo." mahinanon na pagkakasabi niya.

"Basta, malalaman mo nalang mamaya. Ito lang ang tatandaan mo, kahit anong sabihin nila Mommy at Daddy sayo, ilabas mo lang sa kabilang tenga mo. Sakin kalang makikinig." seryosong pagkakasabi ko kay Lyra at agad naman siyang tumango sakin.

Ilang saglit pa ay dumating na dito sa sala sila Mom and Dad. Ngunit malayo palang ay mataray na ang tingin ni Mommy kay Lyra.

Agad naman napasulyap sakin si Lyra.

"Yung sinabi ko sayo, wag mo intindihin kung ano man ang sasabihin nila." bulong ko kay Lyra.

-LYRA POV-

"Good morning po Tita Nathalie, Tito Manuel." magalang na bati ko sa parents ni Darwin. Si Tito Manuel ay tumango lang sakin, ngunit si Tita Nathalie ay tinarayan lang ako.

"Akala ko naman ay si Chloe ang kasama mo, bakit mo ba dinala ang babaeng yan dito. Huh, Darwin?" mataray na tanong ni Tita Nathalie kay Darwin.

At mas lalo pa nga humigpit ang pagkakahawak ni Darwin sa kamay ko.

"Hindi ko po sinama si Lyra dito para pagsalitaan niyo ng ganyan." seryosong pagkakasabi ni Darwin sa mommy niya.

"Darwin..." mahinanon na pagkakasabi ko.

"Sinama ko siya dito ay para hingin ang basbas niyo ni Daddy. Plano ko ng pakasalan si Lyra." seryosong pagkakasabi ni Darwin kaya agad ako napatingin sakanya.

Maging ang mommy at daddy niya ay nagulat din sa sinabi ni Darwin.

"Nagpapatawa ka ba? Magpapakasal ka sa babaeng yan? Talaga bang gusto mo sirain ang reputation ng kompanya? Hindi mo pakakasalan ang babaeng yan. Kung meron ka man dapat pakasalan, yun ay si Chloe." seryosong pagkakasabi ni Tita Nathalie.

"Ilang beses ko ba dapat ipa-intindi sainyo na hindi ko pakakasalan si Chloe. Wala akong pakialam sa reputation ng kompanya, dahil una palang naman ay kayo lang naman ang may gusto na maging CEO ako ng Winslet. Puro pera lang naman ang gusto niyo diba? Kaya niyo nga ako pinipilit na pakasalan ang babaeng hindi ko naman gusto." seryosong pagkakasabi ni Darwin.

"Darwin, tama na." mahinang awat ko.

"Ikaw Lyra, ano bang pinakain mo sa anak ko at hindi ka niya magawang iwan? Ginayuma mo si Darwin? Tignan mo nga estado mo sa buhay. Walang wala sa kalahati ni Chloe. Kaya kong pakakasalan ka ng anak ko, siguradong pe-perahan mo lang siya." baling naman sakin ng mommy ni Darwin.

"Enough!" sabat ni Darwin.

"Son, sumunod kana lang sa mommy mo. Pakasalan mo na si Chloe. Dahil malaki ang maitutulong satin ng pamilya ni Chloe para mas tumaas pa ang sales ng kompanya." saad naman ni Tito Manuel.

"Hinding hindi ko gagawin yun." seryosong saad ni Darwin.

"Kung gayon, mamili ka. Magpapakasal ka kay Chloe at ikaw parin ang CEO ng Winslet o papakasalan mo ang babaeng yan, pero tatanggalan kita lahat ng karapatan sa pamilyang 'to." seryosong pagkakasabi ni Tita Nathalie at kaagad ako napasulyap kay Darwin, tumingin din naman siya sakin.

"Tulad ng paulit ulit kong sinasabi, hindi ako magpapakasal kay Chloe. Sige, tanggalan niyo 'ko ng mana, dahil d'yan naman kayo magaling. Kailangan ba ako naging importante sainyo? Pero hindi niyo 'ko mapipilit na pakasalan si Chloe." seryosong sagot ni Darwin sa tanong ng mommy niya sabay hila sa kamay ko at agad kami lumabas ng Mansion.

-DARWIN POV-

"Sorry sa sinabi ni Mommy." seryosong pagkakasabi ko kay Lyra.

Nakita ko naman ang panggigilid ng luha sa mata niya kaya agad ko siyang niyakap.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon