CHAPTER 17

19 2 0
                                    

"PLEASE STOP THE RAIN"

CHAPTER 17:

-CHLOE POV-

"Nasaan si Darwin?!" galit sigaw ko sa secretary ni Darwin ng madatnan ko na wala si Darwin sa office niya.

"Hindi ko po talaga alam kong nasaan si Sir Darwin, basta po kanina nagmamadali po siyang umalis." mahinanon na paliwanag ng secretary ni Darwin.

"You're so damn. Naturingan kang secretary ni Darwin tapos hindi mo alam kong nasaan siya?" pang iinsulto ko sakanya.

"That's enough Chloe." sabat ni Troy at agad naman umalis ang secretary ni Darwin.

"What are you doing here? Nasaan ang magaling mong kaibigan?" seryosong tanong ko kay Troy.

Agad naman ngumisi sakin si Troy na tila ba ay nang iinis siya.

"Siguro sa mga oras na 'to ay magkasama na sila ni Lyra." nakangiting pagkakasabi ni Troy.

"What?! No way! Kailangan kong sundan si Darwin, tell me nasaan siya?" inis na pagkakasabi ko.

"Mas mabuti kung hahayaan mo nalang silang dalawa, Chloe. Lalo na ngayon na naaalala na ni Darwin si Lyra." saad ni Troy na lalo kong kinagalit.

-DARWIN POV-

"Sorry If I hurt you when I lost my memories." paghingi ko ng tawad kay Lyra.

"Naaalala mo na 'ko?" naluluhang tanong niya sakin.

Agad ko naman pinusan ang luha niya at saka ngumiti sakanya.

"Oo, naaalala ko na ang nag iisang babae dito sa puso ko. At kahit anong mangyari ay hindi ko hahayaan na makalimutan kitang muli." nakangiting pagkakasabi ko.

"Pero ano bumalik ang alaala mo? Ang akala ko hindi na temporary ang post-traumatic rain amnesia mo." pagtataka ni Lyra.

"Hindi ko rin alam, pero ang mahalaga ngayon ay naaalala na kita." nakangiting pagkakasabi ko kay Lyra.

Naluluha naman na ngumiti sakin si Lyra. Pagkatapos ay agad ko siyang hinagkan sa labi.

--

-LYRA POV-

Hindi na nga natuloy ang pag alis ko papunta sa ibang, nag stay nalang ako dito sa pilipinas for good.

Masaya ako na muli akong naalala ni Darwin, ngunit hanggang kailan niya ako maaalala. Paano kung bumuhos na naman ang malakas na ulan, mabubura na naman ba ako sa isip ni Darwin?

"Chloe? Anong ginagawa mo dito?" pagtataka ko ng makita ko si Chloe sa labas ng gate ng bahay ko.

"Where's my boyfriend? Or should I say, my fiance? Saan mo siya tinatago?" mataray na pagkakasabi ni Chloe.

"Wala dito si Darwin." seryosong pagkakasabi ko.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?" mataray na pagkakasabi ni Chloe.

"Hindi naman kita pinipilit na maniwala sakin. Hindi ako sinungaling at manloloko tulad mo." sarcastic na pagkakasabi ko.

"And how dare you to call me sinungaling at manloloko?" depensa ni Chloe.

"Bakit hindi nga ba? Tinago mo kay Darwin ang totoo, hindi mo sinabi sakanya kung sino ako sa buhay mo. Mabuti nalang talaga at bumalik na ang alaala niya." sarcastic na pagkakasabi ko.

Akmang sasampalin sana ako ni Chloe ng isang kamay ang sumalag sa kamay ni Chloe.

At nang mapatingin ako kung kaninong kamay yun, nakita ko si Darwin.

"D-darwin?" nauutal na tanong ni Chloe.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ginugulo si Lyra?" seryosong tanong ni Darwin kay Chloe.

"So, pinagtatanggol mo ang babaeng yan kaysa sakin na fiance mo?" saad ni Chloe.

"At sinong may sabi sayo na magpapakasal tayo? Kung mayroon man ako dapat pakasalan, yun ay walang iba kundi si Lyra at hindi ikaw." seryosong pagkakasabi ni Darwin.

"Do you think na papayag ako na hindi matuloy ang kasal natin? No way!" matapang na pagkakasabi ni Chloe.

"Umalis kana, dahil baka hindi ako mapagtimpi sayo." seryosong utos ni Darwin kay Chloe at agad din naman umalis si Chloe.

"Are you ok? Nasaktan ka ba?" pag aalala ni Darwin sakin.

Hindi naman ako nagsalita at yumakap nalang kay Darwin, agad din naman niya akong niyakap.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now