CHAPTER 3

32 1 0
                                    

“PLEASE STOP THE RAIN”

CHAPTER 3:

—LYRA POV—

Lunch break namin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magamit ang cellphone ko. Kaagad ko nga tinawagan ang kaibigan ko na si Ynna.

“Musta ang first day mo sa work?” agad na tanong ni Ynna sakin.

“Kaloka gurl, grabe. Nakakahiya talaga.” saad ko.

“Oh, bakit? Anong nangyari?” pagtataka ni Ynna.

“Kanina kasi, may lalake akong nakasabay kanina ng sumakay ng elevator. Ang sama niya kasi tumingin sakin kaya tinarayan ko siya. At alam mo ba kung ano ang nakakahiya? Yung lalakeng tinarayan ko, ay Boss ko pala. My goodness!” pagki-kwento ko.

“Balita ko gwapo daw yung CEO ng Winslet? Totoo ba? Saka single ba siya?” interesadong tanong ni Ynna sakin kaya agad na kumunot ang noo ko.

“Bakit mo naman naitanong yan?” pagtataka ko.

“Eh mag a-apply sana ako bilang girlfriend niya. Baka kasi hiring eh.” saad ni Ynna, tila sumakit yata ang ulo ko sa sinabi ng kaibigan ko.

“Alam mo kahit mag apply ka, tingin ko hindi ka papasa eh.” pang aasar ko.

“Grabe ka naman sakin. So sino sa tingin mo ang papasa, Ikaw?” saad ni Ynna.

“Naku, wag nalang. Dibale ng maging single ako forever wag lang maging girlfriend ng Darwin na yun. Parang pinaglihi sa sama ng loob.” saad ko.

“At sa tingin mo naman magiging girlfriend kita?” seryosong pagkakasabi ni sir Darwin kaya taranta ako na binaba ang cellphone ko.

“Ah s-sir D-darwin. Nand'yan po pala kayo, kanina pa po ba kayo d'yan?” nakangising tanong ko kahit nauutal na 'ko.

Agad naman siya umupo sa table ko, saka ako tinitigan.

“Go back to work. Hindi kita pinapa-sweldo para makipag usap kung kani-kanino lalo na kung hindi naman tungkol sa trabaho.” seryosong pagkakasabi niya sakin.

“Ok po. Pasensya na po.” malumanay na pagkakasabi ko.

Nang maglakad na siya palayo sakin ay tinignan ko siya ng masama, pero ng muli siyang lumingon ay saka ako ngumiti sakanya.

Hindi ko talaga alam kung tatagal ako dito, lalo na kung ganyan klase ang boss ko. Napaka-sungit, pasalamat siya gwapo siya.

The next day...

—TROY POV—

Naglalakad ako patungo sa office ng matalik kong kaibigan na si Darwin, ng aksidente kong makabangga ang isang babae sa paglalakad.

“Ah sorry...sorry hindi ko sinasadya.” pag hingi niya ng paumanhin sakin habang pinupulot ang mga dala niyang folder.

“It's ok, hindi mo naman sinasadya.” nakangiting pagkakasabi ko.

At nang tumingin na siya sakin, bigla nalang ako natulala sa taglay niyang ganda.

“Ayos kalang?” pag aalalang tanong niya.

“Ah Oo. Ayos lang ako, ikaw ba? Ok ka lang?” saad ko at hindi ko talaga maiwasan na humanga sa kagandahan niya.

“Pasensya kana ha, nagmamadali kasi ako eh. Papapirmahan ko kasi 'to sa masungit kong Boss.” saad niya.

“Masungit na Boss?” pagtataka ko.

“Ah wag mo nalang tanungin kung sino.” nakangising pagkakasabi niya.

“Ok sabi mo eh. By the way, I'm Troy.” nakangiting pagpapakilala ko sa sarili ko saka ko inilahad ang kamay ko sakanya.

“Lyra.” tipid na saad niya saka siya nakipag kamay sakin.

“Oh siya, mauna na ako ah. It's nice to meet you Troy.” nakangiting pagkakasabi ni Lyra saka siya nagmamadaling umalis.

Tinanaw ko pa si Lyra habang naglalakad siya palayo at nang 'di ko na siya makita ay saka ako sumakay ng elevator upang puntahan si Darwin sa office niya.

To be continue..

PLEASE STOP THE RAINWhere stories live. Discover now