CAPTURE THIRTY-SIX

835 22 2
                                    

Chapter Thirty-Six

The familiar view of Trayvon's previous home, welcome me. Iyon nga lang ay mas kapansin pansin ngayon ang ilang mga malalagong bulaklak at nalaman na nakapalibot sa buong bakuran ng mansion.

I heard before that his mother really love plants and flowers. Hindi na nakakapagtaka dahil sa oras na makita mo ang loob nito, iyon na agad ang bubungad sa'yo.

Butterflies are happily sniffing and flying around the flowers, some of them are just resting on top of the others...maybe already doing their business with the pollen grains.

Nawala ang isipin ko tungkol sa mga bulaklak at paru-paro nang biglaang pumalupot sa aking bewang ang matigas na braso ni Trayvon.

“Don't be nervous.” bulong nito sa akin pagkatapos ay marahang pinatakan ng halik ang gilid ng aking ulo. I put on a smile on my face, assuring him that I am just fine.

Totoong ni-nenerbyos man at kinakabahan ay hindi ko pa rin magawang hindi mapanatag sa kaniyang salita. Trayvon is my comfort zone. Totoo iyon at hindi ko na itatanggi.

“Mommy,” napatingin naman ako sa anak kong nasa tabi ni Trayvon. Inilipat ko siya sa pagitan namin ni Trayvon, ngayon ay hawak ko na rin ang isa pa nitong kamay.

“Ano 'yon?” tanong ko rito.

He is wearing a plain white shirt na pinatungan ko ng maong na jacket. Naka itim na pantalon naman ang suot niya sa pang ibaba, kaya hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa ka-gwapo-han ng aking anak. 

Isama mo pa ang medyo makulot niyang buhok. Para siyang batang modelyo tulad ko. Well, it is not imposible to happen. Kaunting contact ko lang sa mga talent scouts na hanggang ngayon ay kumo-contact pa rin sa akin, ay kayang kaya kong gawin iyon sa isang iglap lang.

“This house is so...big. To whom house is this, Mommy? Daddy?” manghang tanong nito sa aming dalawa ni Tray. Trayvon smirk, imbes na sumagot ay iniwan kaming dalawa ni Travis sa aming kinatatayuan.

Tumaas ang kilay ko dala ng pagtatakha, ngunit mabilis iyong nasagot nang makitang sinasalubong lang pala niya ang kaniyang mga magulang.

I watch him kiss and greet his parents. At iyon na naman ang kaba sa aking dibdib nang makitang dumapo na sa aming gawi ni Travis ang paningin ng mag asawa.

Tita Megan and Tito Theo looks so formal. Both of them are screaming power and elegance kahit na pareho lang naman silang nakatayo.

Nag seryoso ang mga mata ni Tita nang dumapo iyon sa akin. Nahigit ko ang aking hininga at halos mag panic dahil ro'n, pero nang makitang bumaba ang kaniyang tingin...alam ko na kaagad na ang anak ko na ang kaniyang pinagmamasdan.

Omg, I cannot look at her reaction. Baka masabuyan ako ng apoy, knowing that Travis is her first apo! You know? Alam niyo iyon? Iyong sa mga palabas? Magaan ang loob pagdating sa mga apo, pero kapag ina na ng kaniyang apo ang usapan, mainit na ang dugo.

Bahagya pa akong nagulat nang matanaw ang munting ngiti na sumilay sa labi nito. See? She already love Travis, habang ako ay matagal na niyang pinag iinitan.

“Bakit hindi kayo pumasok?” baling na tanong nito kay Trayvon. “Sa susunod ay dumiretso na kaagad kayo ng pasok, huwag niyong pinag hihintay ang apo ko sa may ilalim ng araw.” dugtong nito.

Wow, already protective with his grandson huh? Kailan naman kaya ako nito magugustuhan?

Lumingon muli ito sa aming gawi at ngumiti nang malawak sa apo. “C-can you...can you come to me? Apo ko.” alanganin na sabi nito habang nakatingin kay Travis.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now