CAPTURE THIRTEEN

876 22 0
                                    

Capture Thirteen

“Saan ang punta mo, 'nak?” tanong ni Mama sa akin habang sumisimsim sa kaniyang tsaa. Katabi niya si Papa na nabaling sa akin ang atensiyon na kanina ay nasa news paper na kaniyang binabasa.

“Penelope promised na i-te-treat niya raw po ako dahil hindi siya nakapag stay ng matagal kahapon.” nakangiting sabi ko. Seven o'clock na rin kasing nagsimula iyong party ko kagabi and Penelope has a curfew, that's why...

“Oh, will you guys be okay just by yourself?” tanong naman ni Papa. Ngumiti ako rito at tumango. “We'll be fine, Pa. You don't have to worry about me.” sabi ko rito at lumapit sa kanila upang mahalikan silang pareho sa kanilang mga pisnge.

“Oh dear, masanay ka na r'yan sa Papa mo. Ganiyan na ganiyan rin siya sa akin noon. Well...hindi nga lang noong una.” sabi ni Mama at inirapan pa si Papa.

Umangat naman ang gilid ng labi ni Papa at hinawakan ang kamay ni Mama. “You can't still get over with that? My...remember you also hurt me by not remembering me. Dalawang taon rin 'yon, akala mo ba madali lang 'yon?” pang aakusa naman ni Papa kay Mama.

Nasabi nga sa akin ni Papa. Their love story is not that good, but in the end naging sila pa rin naman. Hope all.

Mama looks guilty kaya kaagad na tumawa si Papa at sinabing biro lamang iyon. I smiled seeing them like this, OMG! Dapat pala ay i-record ko ang mga ganitong moments nila at ipakita kay Trayvon.

Pero hindi rin, mayroon nga palang sariling diskarte pagdating sa mga ganito. Mas lalo akong napangiti dahil ro'n, malamang kung hindi lang busy sa isa't isa si Mama at Papa ngayon baka isipin nilang I am belong to mental hospital na.

Disgusting!

Matapos kong mag pa alam ay kaagad akong lumabas.

Trayvon, my boyfriend wants to come with us. Hindi naman ako makatanggi, sinabi ko na rin iyon kay Penelope at hindi siya makapaniwala ro'n.

She keeps on asking kung bakit raw, sino raw ba siya, is he my bodyguard or what. Gosh, sa sobrang irita ko nga ay halos masabunutan ko na siya, mabuti na lang at napigilan ko.

Trayvon requested na kung pwede raw ay sa malayong mall nalang niya kaming dalhin. I asked him why, ang sabi naman niya ay tinanggihan raw niya kasing samahan si Kuya sa mall rito.

Hindi ko tuloy maiwasan ang matuwa, isipin mo! He ditch Kuya, his bestfriend! So that he can come with his girlfriend! With me! Sinong hindi matutuwa, hindi ba? By the way, I already told that one to Penelope too.

I saw him leaning on his BMW, thanks God Kuya is not here na. Hindi naman sa gusto kong wala talaga rito here sa mansion ang presensiya ni Kuya, I just remember their rule...

Tumaas kaagad ang gilid ng kaniyang labi nang masilayan ako. Bakas sa kaniyang mukha ang pagiging sabik. Oh, how I wish that this feeling of us will never change.

He is my first love, and I also want him to be my last...kahit na imposible. Umayos siya ng tayo ang dalawang kamay na kaninang nasa parehong bulsa ngayon ay nakahalukipkip na.

“Com here,” I smiled when I heard him say that using his husky voice. Parang bagong gising ang kaniyang datingan, nakakapang...lambot.

I walk towards him and stop when I'm already in front. Pareho lamang kaming tahimik at hindi nagsasalita na nakatingin sa isa't isa. Kaunti na nga lang at malapit ko na siyang batukan, hanggang sa mapansin kong dumako ang kaniyang paningin sa aking kamay kung saan niya isinuot ang aking sing-sing.

Bahagya ko iyong ini angat upang matitigan namin iyon ng mabuti. “It really suits you.” kinuha niya iyon at inilapit sa kaniyang mga labi. Sumilay na naman ang magandang ngiti sa kaniyang labi matapos iyong ilang beses na halikan.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now