CAPTURE TWENTY

797 26 0
                                    

Hi babies! Iyong picture ni Shawn, iyong buhok at mata lang talaga ni Trayvon ang na-i-imagine ko r'yan, kung gusto niyo naman siya na lang rin ang gawin niyong Tray sa isip, pero okay lang rin kung hindi. It's your choice! Enjoy reading!

Capture Twenty

Papa didn't stop until they already caught who kidnapped me. Pagkarating namin sa mansion nila Mama, sumalubong sa akin ang aking Ina na puro luha ang mga mata, dala ng pag aalala.

Si Kuya Dark naman ay wala pa, dahil bukas pa ang uwi. Ang sabi ko nga sa kaniya na ayos naman na ako at hindi na niya kailangan na magmadali, alam ko kasing may problema pa rin sila ni Ate Zyreen. Ayaw ko naman na maka abala.

"Anak ko, salamat sa Diyos!" salubong sa akin ni Mama at mahigpit kaagad akong niyakap. Mahigpit ko rin naman siyang niyakap pabalik.

Naupo si Papa sa aming tabi, hinihimas himas niya ang aking likod. "Ano ba'ng nangyari, ha?" naiiyak na tanong sa akin ni Mama. Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

I was about to answer Mama nang unahan ako ni Papa sa pagsasalita. "Trayvon called me first..." I stiffened when he mention that jerk's name. "Ang sabi niya ay nagkita kayo sa bar, but something happened that makes you upset. You ran with Penelope, he said that he tried to find you, pero ang kotse mo lang raw ang nakita niya ro'n." maawtoridad niyang sabi, hindi ako makatingin sa kaniya.

Ito na naman ang bilis nang pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Talaga bang...ginawa niya iyon? Pero ang alam ko...si Leo ang nauna.

"He said na tinatawagan ka raw niya ng paulit ulit, but then your phone is busy. Pinuntahan ka niya sa condo mo but you're not there. Tinawagan ka muli niya pero pinatayan mo naman. He reach for Penelope at ang sabi nag taxi lang raw kayong dalawa at doon na nga kami kinutuban. Sa sobrang pag aalala ko nakalimutan ko ang aking cellphone, tumatawag na pala si Leo." hinawi niya ang ilang takas na hibla ng aking buhok, pagkatapos ay hinaplos ang aking mukha.

"Nasigawan ko nga ang isang iyon sa sobrang aligaga, pero nang mabanggit niya na tungkol iyon sa'yo...kaagad akong nagpasalamat sa kaniya. But anak...bakit kay Leo ka tumawag at hindi kay Trayvon o sa amin ng Mama mo? I mean...Leo is far and we're just here." alanganin na sabi nito.

Nakagat ko ang aking labi dahil wala rin akong maisagot. Bakit nga ba?

Maybe because I'm mad at Trayvon? At ang unang pumasok sa isip ko ay si Leo?

Tama nga naman...gano'n nga.

"Tito," I close my eyes when I heard his deep voice. Gabi na, dapat umuwi nalang siya. Tiyak naman na alam na niyang naka uwi na ako.

I gritted my teeth. Kaagad tumayo si Papa upang harapin si Trayvon. I take a glance at him, pero kaagad na nag iwas ng tingin nang makitang nakatitig ito sa akin.

He's wearing a long sleeve polo shirt, the sleeves are rolled up to his elbows. Nakabukas rin ang dalawa niyang butones na siyang nakapag padagdag sa lakas ng dating niya.

Pero ito talaga ang pinaka napansin ko. His eyes are pitch black, naka igting rin ang kaniyang panga. Mukha siyang galit, pero nanatiling nakatingin sa akin. Oh, bakit siya galit? Hindi ba dapat ako ang nagagalit?

"Can I talk to your daughter? Just for only five minutes..." sabi nito sa aking ama. Tiningnan ako ni Papa pagkatapos ay binaling ang tingin kay Mama.

Huwag kang papayag Papa, I'm already exhausted! Please.

"Sure!" si Mama ang sumagot, lumapit siya kay Papa at hinila ito papaupo sa sofa. Mas lalo tuloy akong napasimangot. Parehas naman kaming walang kibo ni Trayvon, paano kami mag uusap kung narito silang dalawa?

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now