CAPTURE SIX

722 21 0
                                    

Capture Six

Matiwasay niya akong naihatid no'ng araw na iyon. He even gave his number to me, hindi ko naman alam kung para saan. Kinuha na rin niya iyong akin gano'n talaga, anong gusto niya? Ako pa ang unang mag move? No way.

Lumipas rin ang ang panahon na halos gano'n na ang ginagawa namin. Madalas sa kaniya ako sumasabay sa pag uwi at aalis kami sa kung saan. But our favorite spot is the bench infront of that ice cream parlor.

It is my favorite place now.

Sa tuwing bumibisita nga siya sa amin, hindi ko na rin siya nakikitang nagdadala ng kaniyang mga babae. Pati ang mga kaibigan niya ay iyon ang napapansin.

Oh, Is he a good boy now or...he's just hiding them from me? Probably not. Bakit naman niya gagawin iyon? Ano bang pake ko kung may girlfriend or flings siya, whatever!

Today is my 14th birthday, simple lang rin iyon katulad no'ng nauna. Mas pinaghandaan ko talaga iyong pang 18th ko, 'no. That day should be the most memorable birthday for me!

“Happy birthday!”

Kaliwa't kanan ang mga nakukuha kong pagbati. Pero sa lahat ng iyon, ngiti lamang at simpleng salamat ang naigawad ako.

Hinawakan ko ang kuwintas na iniregalo niya sa akin noong isang taon. “Where are you?” bulong ko sa sarili habang nakahawak pa rin do'n. Apat na oras na ang nakakalipas simula nang mag simula itong party ko, pero ni anino niya...hindi ko manlang nakita.

I tried texting him pero he does not respond any of my messages.

Nasaan na siya? Ito na ba ang kinakatakutan ko? Na lahat ng mga pinapakita niya ay pakitang tao lamang? Para saan pa 'yong mga efforts niya na paghatid at sundo sa akin? Mga panlilibre niya sa akin? His actions that always makes me flutter? His presence that always makes me nervous? His arms...that he once called my home?

Ha? Nasaan na?

Pinahid ko ang taksil na butil ng luha. My party for today is over, at hindi manlang siya nagpakita sa akin. “Star, did you already eat? Hindi ko pa nakita na dumalog ka sa pagkain.” bumuntong hininga ako at naglagay ng ngiti sa mga labi bago ako lumingon kay Kuya.

“Kumain na ako kuya,” I lied. “I'm tired na kuya. Hindi pa ba...” I cleared my throat and glance at his friends way. Sila na lamang kasi ang narito sa bahay. “...kayo tapos? It's already late. Mamaya niyan mapano pa sila.” sabi ko pagkatapos ay nag iwas ng tingin.

“Actually about that. Pauwi na sila, they just wanted to talk to you for a bit. Ayos lang ba? You seems so off lately. What's wrong? Hm?”   malambing na tanong niya at niyakap ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumuha sa kaniyang bisig. I felt him stiffened. “Baby what's wrong? Are you tired? You must rest, sasabihin ko nalang sa kani—” umiling ako at nanatiling tahimik.

Wala na akong pake kung mag karoon ng make up ang kaniyang baro, mukhang wala rin naman siyang pake ro'n.

Humiwalay ako sa kaniya at pinahid ang aking mga luha. Gusto kong harapin ang mga kaibigan niya, mapasalamatan ko manlang sila sa kanilang pag punta...

I did not tell Kuya Dark what's bothering me. Ayaw kong isipin niya na may namamagitan sa amin ng kaniyang bestfriend, dahil...wala naman talaga. Maybe, ako lang talaga iyong umasa.

But still...all of these are his fault!

“Oh, Ayan na si Star! Hello!” masiglang bati sa akin ni Arturo. Sa dalas nilang narito ay nasanay na ako sa mga kaingayan nila, lalo na sa kaniya.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now