CAPTURE EIGHTEEN

734 25 0
                                    

Capture Eighteen

Kinusot ko ang aking mga mata. Napabangon ako sa sobrang ingay ng aking cellphone, kanina is yata paulit ulit na tumutunog.

“What the hell? Sino ba naman ang matinong tao na tatawag sa ganitong oras?!” inis na usal ko habang tinitingnan ang caller ID. It's an unknown number.

Pikit mata ko iyong sinagot. “What?” iritado kong bungad rito. “Jesus. I've been calling you for already 26 times Star Shine.” my eyes strike wide open when I heard his baritone voice.

Dali dali akong tumayo sa aking kama at nagtungo sa aking bathroom. Gosh! I need to visit his company nga pala. “Yes? What is it? Akala ko ba I'm just going to visit my own office for now. Hindi ba pwedeng ma late r'yan?” reklamo ko, kahit na ako na iyong late.

I heard his heavy sigh. “I already gave you a lot of time, Ms. Rivera. Please, look at your watch.” sabi nito kaya sumilay ang pagtataka sa akin.

Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at ganoon na lamang ang naging pag awang ng aking mga labi. Kaka alas dose palang naman ah...alas otso naman iyong usapan.

Kasalanan ko bang nasanay na ako na tanghali nagigising?

I rolled my eyes. “Fine, I'll be there in a...” I look at the time. “...well, give me 25 minutes!” I said before I finally hung up.

Do I really have to do this? Ano ba 'yan!

I LOOK at myself infront of my human size mirror. I'm wearing a black pencil cut skirt, paired with my light pink long sleeve button up shirt. Iniwan kong bukas ang isang butones no'n dahilan upang makita ng kaunti ang aking itim na bra.

Perfect!

Akmang lalabas na ako sa aking condo ng biglang kumalam ang aking sikmura. I haven't eaten anything yet. I rolled my eyes at napalobo na lamang sa aking pisnge.

I don't have enough time for foods.

Mabilis akong naglakad patungo sa aking kotse. Kahapon lamang ito dinala rito, kung nagtataka kayo kung paano ako nakarating sa restaurant...obvious ba? Nag commute ako.

Hindi ko pa man napapa andar ang aking sasakyan, tumunog na naman ang aking cellphone. Napa irap ako nang makita kung sino iyon. “Gosh! Ito na nga!” naiirita kong sabi bago iyon sagutin.

“Hello?” tinatamad kong bungad rito. Narinig ko naman ang mabigat niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Ano? Suko ka na? Sakit ko sa ulo, 'no? Tsk.

“One hour already passed. I thought it's just 25 minutes? Hmm?” napapikit ako at napa sandal nalang ang ulo sa aking manibela.

“I'm on my way, okay? Sorry. You know that I'm just new to this.” madramang sabi ko. Hope this will effect on him. “Who's with you?” tanong niya sa mariin na tono.

“Ako lang. Kaya kung kakausapin mo pa ako rito ngayon, hindi talaga ako makakarating d'yan.”  I rolled my eyes as I said that. It's true naman eh. Ang over kasi!

“You mean you don't have a driver? Are you even sure that you can drive safely? Huh Star?” bahagya kong nailayo ang aking cellphone sa tainga dahil sa biglaang pag taas ng kaniyang boses.

What is his problem ba?!

Nahilot ko ang aking sintido. “I'm fine! Ganito rin naman ako sa Los Angeles noon. Ngayon kung tapos ka nang mag sermon, I will hung up na because I need to drive. Sige ka, mababangga ako nito. Ayan na oh!” kunwari ay nag da-drive na ako kahit hindi pa naman, I even tap the horn of my car para naman maging kapani paniwala.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now