CAPTURE TWENTY-ONE

817 22 3
                                    

Capture Twenty One

Lumipas ang dalawang buwan, halos gano'n lamang ang aming tratuhan. Oo, alam ko. Alam kong this is a sign of me being marupok, but you wanna know something crazy? I don't care.

Crazy right? Indeed.

Minsan sa pagpasok ko sa trabaho, kung maka akto siya ay akala mong bumalik sa kaniyang pagkabinata, kung minsan ay parang bodyguard ko kung maka dikit, ayaw niyang may tumitingin sa akin kaya sinasabayan niya ako sa tuwing papasok ako sa building niya.

Ewan ko ba, natatawa na lamang ako sa mga wirdong kinikilos niya. But I have to admit that I love it.

"Sama ako." natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hinarap ko siya habang nakapamewang. "What are you? Bata?" taas kilay kong tanong pagkatapos ay tinalikuran siya upang ligpitin ang aking mga gamit.

"Ah basta, I'll come with you." pagpupumilit niya. I rolled my eyes and was about to take my bag with me, when he snatched it away at siya na mismo ang nag suot no'n sa kaniyang sarili.

I smiled at that. Imagine a tall man, carrying a woman's bag on his shoulder. Haha ang cute! "You can't come there. Mag tatagal ako ro'n at for sure ma bo-bored ka lang." sabi ko, mahihimigan ang pagiging sarkasmo.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi sa akin. "Try me." he smirked after saying that at binuksan ang pintuan ng kaniyang opisina, he let me go out first before him.

Karen greeted us with a wide smile. Sa araw araw na pagpasok ko rito, lagi kong chi-ne-check ang kaniyang ayos.

Mukha namang nag improve na siya. I smiled at her, natigil lamang iyon nang hawakan ako ni Trayvon sa aking likod at bahagyang tinutulak paharap.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "You changed her. How?" tanong nito na may halong pagkamangha. I smirk and turned to him nang makapasok na kami sa elevator.

"That's what you called the bitch's slapped." sabi ko rito. Lumapit siya sa akin at hinawi ang ilang takas ng buhok sa aking mukha, his rough and big hand stopped at my chin.

Marahan iyong inaangat upang mas lalo niya akong matitigan. "A bitch with an angelic face? Hmm...not bad." inirapan ko siya at hinawi ang kaniyang kamay sa aking mukha.

"Still my baby..." bulong niya at walang pasabing kinurot ang aking ilong. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ro'n at tinawanan naman niya ako.

Naghaharutan ng walang label? Yes, kami 'yon.

PAGPASOK ko pa lamang sa loob ng dressing room. Kaagad na may lumapit sa akin na staff. I smiled at them at gano'n rin naman sila sa akin.

Iginaya ako ng isa sa harap ng isang vanity, kailangan raw ay fierce ang itsura ko ngayon sa shoot na ito, iyon ang theme ngayon.

Wala naman iyong kaso sa akin, ilang beses ko nang nagawa ang mga iyon. I even have a photo of me naked at ang tanging nakatakip lamang ay ang malaking sawa.

At first, syempre matatakot ako. Pero nasanay rin naman, bawal ang maarte kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, 'no.

Nakapikit ako habang marahan na nilalagyan ng make up artist ng powder ang aking mukha. They should be careful on my face, noong kabataan ko ay madalang lamang akong nagkakaroon ng tagyawat, dapat ay malambot ang gagamitin nilang brush sa akin, plus the fact that my skin is sensitive.

"Sino 'yon? Hala ang gwapo naman!"

"Sino naman kaya ang ipinunta niyan rito?"

Napadilat ang isang kong mata nang marinig ang kuwentuhan ng dalawang staff na iyon malapit sa amin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa kung sino man ang pinagkukuwentuhan nila.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now