CAPTURE TWENTY-THREE

820 24 0
                                    

Capture Twenty-Three

Warning

Sobrang dami nang nangyari sa loob ng tatlong taon...

Three years had passed, yet my brother and I are still looking for the warmth of our mother.

Lalo na si Papa, sobrang baba ng naging timbang niya, he barely speak, he barely eat, he barely talk to us...kung ako ang tatanungin kung paano siya dapat na i-describe? Para na siyang patay.

I'm mad at him, Yes! Masakit ang biglaang pagkawala ni Mama noon! but that doesn't mean he will kill himself too!

Inabala ko ang sarili sa mga trabaho, I accepted all the photoshoots na nag aabang sa akin noon, kasabay rin no'n ang nagaganap na investment sa kompanya.

I called it being workaholic, ang iba kasi ang tawag sa akin ay depressed. What the heck? I'm not depressed! I'm just masipag lang talaga.

Pero kung ikukumpara niyo kami ni Kuya, I think he's better than me. Dahil noong nawala si Mama, siya namang pagdating ng kambal niya.

Now they are spending their life in Los Angeles, napagdesisyonan nilang pumaroon muna dahil kailangan rin ng tao sa kompanya.

Dito naman sa Pilipinas, si Papa na ang nag ma-manage. It's a good thing for me, dahil sa company may possibility na makalimutan niyang saglit si Mama. Well, iyon ang sa tingin ko. Ako kasi kahit anong trabaho ang gawin, nasa isip ko pa rin siya.

“Star! Pen!” pareho kaming napalingon sa boses na iyon na sumigaw sa aming mga pangalan. I'm with Penelope, here in the airport.

Leo is already done with his studies and now he's already a license engineer! Kaya pwede na siyang umuwi rito sa Pilipinas, and here he is na nga.

We hug each other as we giggled together. Natutuwa ako dahil close na silang dalawa, I mean, ngayon lang yata sila muling nagkita simula noong umalis rito si Leo.

“Na miss ko kayo.” si Leo habang humihiwalay sa aming yakapan. Ngumiti lamang si Penelope habang tumatango rito, I noticed some changes to her. Nag bago siya ng kaunti simula noong nag break sila ng boyfriend niyang si Clover, ha! That boy is a player! That is Tito Jack's son kaya kilala ko na 'yon.

Una pa lang ay binalaan ko na siya sa mga gawain ng isang iyon, pero hindi nakikinig sa akin si Penelope. Ayan! Nasaktan. But don't worry, of course bumawi ako. I kick Clover's balls for he deserves it!

“Yeah, we miss you too! So ano? Saan tayo?” ako na ang sumagot dahil mas lalo yatang napipe itong kasama ko.

Ang sabi ni Leo ay hindi pa raw siya kumakain ng kahit ano. Ayaw raw kasi niya ng mga pagkain ro'n sa eroplano, gosh ang arte rin ng isang 'to. Akalain niyo iyon? Tiniis ang gutom dahil sa ayaw niya ang pagkain? I rolled my eyes.

We make our way at the near restaurant dahil gutom na gutom na raw talaga siya. Hindi naman na kami nag reklamo dahil nakaka awa rin ang mokong.

“Kumusta? We barely talk to each other these past years, huh? Baby time? Ikaw Pen? Still can't move on? Tsk.”  si Leo, pagkatapos ay sumubo sa kaniyang steak. Sinamaan siya ng tingin ni Pen, pero hindi ni Leo ito nakikita dahil busy siya sa pag kain.

I chuckled. I told Leo what's going on between me and Trayvon. Nagtampo pa nga siya noon dahil hindi ko raw sinabi kaagad sa kaniya ang tungkol sa kabataan ko. Well, I admit, that's stupid of me, sa nakaraan na e, ano pang magagawa ko? Right?

I sighed and didn't reply to him. Baby time? Umiling ako at sumimsim sa aking strawberry oreo milk tea.

“Bakit ayaw niyong magsalita?” taas kilay na tanong ni Leo. I just pouted and shrugged, I suddenly felt guilty dahil nadadamay pa sa mood ko ang bagong dating na si Leo. Or should I say, sa mood naming dalawa ni Pen.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now