CAPTURE SEVEN

670 20 0
                                    

Capture Seven

Weeks passed and it's already our sem break.  Kuya Dark and his friends...of course including him, decided to have a vacation on our land in Zambales.

Gusto ko rin sanang sumama pero hindi ako pinayagan nila Mama. Hindi rin kasi sila makakasama dahil nga walang mag babantay sa kompanya.

I am now inside my room. Hindi alam kung anong gagawin sa buhay sa loob ng isang linggo...pwede ko namang ayain si Penelope na umalis at mag gala pero tiyak na pang dalawang araw lamang iyon.

Paano sa ibang mga araw, 'di ba?

I am busy imagining some random things when someone knock on my door. Tamad akong lumapit ro'n upang ito'y buksan. Bumungad sa akin si Manang Soleng, napalabi ako nang maalala na sasama nga pala sa bakasyon nila kuya si Manang Soleng, upang pangalagaan na ro'n ang aming mansion. Mabuti pa siya..

“May naghahanap sa'yo sa baba. Iyong kaklase mo raw dati.” ani nito kaya kaagad akong napakunot sa noo. Sino naman kaya iyon? No one inform me na he or she will make a visit for me.

“Okay po, pakisabi I'll be there in a minute.” sabi ko at muling isinarado ang pintuan upang makapag ayos. Kahit hindi ko man kilala kung sino iyong tinutukoy ni Manang, I still should look presentable. Dapat lagi, ganoon ang isang Star.

Sinuklay ko lamang ang aking buhok at inayos ng kaunti ang dress kong suot. Pagkatapos ay hindi na ako nagdalawang isip na babain kung sino man iyon.

Dumiretso kaagad ako sa aming sala kung saan ko nakikita ang lalaking nakatalikod mula sa akin, OMG!

Humarap ito sa akin at pareho kaming may malawak na ngiti para sa isa't isa. I ran towards him to give him a hug. Bagaman hindi ko ito i-ne-expect, he's still my friend kaya I should act like there's nothing new!

“Hi! Anong ginagawa mo rito? I thought sa summer pa?” tanong ko kay Leo matapos ng ilang segundo naming yakapan. Pinaupo ko siya para mas maging komportable ang kuwentuhan.

Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang strawberries na nasa maliit na basket, I think dala niya? He chuckled when he saw me glancing at it, kaya kinuha niya iyon at personal na ibinigay sa akin. I thank him for that at sinabing nag abala pa siya.

“Yeah. Well...my grandmother is not feeling well. We have decided to take her with us in L. A. para mas mabilis ang gamutan. We only have three days here kaya naisipan kong...dumalaw na rin sa'yo, and um...to actually asked you out.” nagulat ako sa kaniyang tinuruan, pero kaagad rin namang nakabawi.

He is asking me for a date? Well, it's a date naman talaga 'di ba?

Wala namang masama ro'n, I mean it's just a friendly date. Catch up ba, kumbaga.

“Ah. Sure, sure! Kailan ba?”

Sinabi niya sa akin kung ayos lang raw ba na ngayon raw. Wala naman akong gagawin dahil sakto ring sem break namin, kaya pumayag nalang rin ako.

Pero bago iyon, pinag pa alam niya muna ako kay Mama at Papa. “Gano'n ba? E ijo, saan naman kayo pupunta niyan?” tanong ni Mama, pagkatapos ay sumimsim sa kaniyang mainit na tsaa.

Humilig ako kay Papa, naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok pagkatapos ay hinaplos iyon ng marahan. “Sa mall po, madam. We'll eat and watch a movie.” sabi niya kaya medyo na excite ako.

“Who's driving your car?” mariing tanong ni Papa. I look at him and his face is nothing but, poker. I rolled my eyes, kung maka asta naman sila parang nanliligaw na sa akin si Leo.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now