CAPTURE TWENTY-EIGHT

753 28 0
                                    

Capture Twenty-Eight

Inilapag ko sa kaniyang high chair si Travis at ikinabit ang maliit na seatbelt nito. “Stay ka lang d'yan ha. What do you want to do while I'm working?” tanong ko rito, habang hinahawi ang kaniyang buhok sa kaniyang noo.

“Practice mommy, practice my name po.”  sabi nito kaya napangiti ako. Hindi tulad ng ibang bata si Travis na halos maadik na sa kaka cellphone. Kaya nakakatuwa na mas gusto pa niyang pag aralang isulat ang kaniyang pangalan, kaysa sa mag laro ng mga online games and whatsoever.

“Alright! Mommy will get it na.” sabi ko rito at dumiretso sa may cabinet ng office namin ni Penelope. Narito kami ngayon sa aming store, si Leo ang naghatid sa aming tatlo nila Penelope.

This is store is just small and simple, of course...ayaw kong maging sikat ang store na ito dahil nga sa pagtatagong ginawa ko noon.

Mas madali akong mahahanap ni Trayvon kapag gano'n.

Ako at si Penelope ang nag ma-manage ng store na ito. Si Papa ang sumagot sa mga gastusin rito noong una, pero ng medyo lumago lago na sinabi ko sa kaniya na kami na ang bahala.

Nakakahiya na rin kasi, sobrang dami na nang naisakripisyo ni Papa para sa pag hi-hide kong ito. Anyway, we're selling foods and drinks in this store.

Pero i-isa lamang ang mga flavor.

Strawberry smoothie, strawberry fruit tea, strawberry milkshake, strawberry milk tea, strawberry cake, cupcakes, strawberry jam and of course, hindi pwedeng mawala ang  fresh strawberries!

'Di ba? Puro strawberries! Of course, isa ako sa may ari e.

At first, pareho kaming nahihirapan ni Penelope sa pag ma-manage nito. Hello, I'm a model before, while Penelope is bound to run their own company malamang wala kaming alam sa mga ganitong gawain.

Pero dahil kailangan namin ito, we try and try until we succeed. Hanggang sa lumakas na rin ang nagiging kita ng store simula noon, dahilan upang mas lalo lamang kaming ganahan ni Penelope.

Nang makuha ko na ang gusto ng aking anak, dali dali akong lumapit muli sa kaniyang puwesto at ibinigay ang mga ito sa kaniya.

“Go write your name here...” turo ko sa may papel. “...and let me know if you're already done, so that I can check it na. Okay?” sabi ko at ngumiti siya sa akin pagkatapos ay tumango tango.

I giggled at his reaction bago siya tuluyang talikuran. Lumapit na ako sa may counter kung nasaan si Penelope at isinuot na rin ang aking apron.

“Sino tutulong sa atin sa pag gawa?” tanong ko sa kaniya. Sa tuwing papasok kasi kami rito sa store, kailangan ay mag hihiwalay kami.

Isa sa may gawaan at ang isa naman sa amin ay rito sa may counter. Para fair, 'di ba. “Ako na. Mas komportable ako ro'n.” sabi niya sa akin pagkatapos ay nginisihan ako.

I rolled my eyes at her. “Whatever. Paki-tingin tingin na rin si Travis. Baka mag likot.” sabi ko at maligaya naman siyang tumango.

“Ma'am ako na po d'yan?” tanong ng isa sa mga empleyado namin rito. I shook my head at him. “Ako na, kaya ko na.” nakangiting sabi ko at ngumisi naman siya pabalik.

Umiling ako at nag simulang ayusin ang computer sa aking harapan. Ang isang iyon...I know that he's hitting on me after Penelope said that she already have a boyfriend, ngayon ay ako naman ang gustong tirahin.

Ako naman, I don't really have time for love anymore. Kung pagmamahal lang ang pag uusapan, ang anak ko lang ang magiging topic ko kapag gano'n.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now