CAPTURE NINETEEN

769 24 4
                                    

Capture Nineteen

Mabilis na kumalat sa loob ng kaniyang building ang tungkol sa akin. Narito at narinig kong ako raw ay kasintahan ni Trayvon, because he only listen to me, plus Trayvon called me baby.

May ilan pa nga na nag sasabing ako raw iyong pinalit ni Trayvon do'n sa Lynette Ridavera na iyon. No way, kung sa kaniya lang rin ako ipapalit...ha! Huwag na lang, no thank you.

It was Saturday night, sa araw na iyon maaga akong napauwi ni Trayvon kaya maligaya ang kaluluwa at katawan ko. Sakto naman na inimbitahan rin ako ng mga dati kong kaibigan rito na mag bar.

Bar? Never pa akong nakapasok ro'n, even if I'm already on my legal age, hindi pa ako nakakatungo sa loob no'n. Hindi ko alam kung kakayanin ko ring makapasok ro'n, matapos kong malaman na ang papasukin naming bar ay iyong...iyong lugar kung saan ako nasaktan ng lubusan.

“Star...seryoso ka ba?, parang ayaw ko na Nakakatakot ang mga tao rito.” si Penelope habang mahigpit na nakakapit sa aking braso. I smiled at her and held her hand tightly.

“It will be fine, Pen. Hindi ako lalayo sa tabi mo, don't worry. Isa pa it's my first time here, hindi natin alam baka boring lang pala rito.” sabi ko kaya isang munting ngiti ang tinugon niya sa akin.

Pumasok na kami sa loob. The awful smell of the cigarettes and alcohol filled my nose. Yuck, parang gusto ko nang umuwi sa aking naamoy.

I scrunched my nose while Penelope cover her's. Mas lalo pang lumukot ang aking mukha nang makita ang ibang tao sa dance floor. They dance like a wild, they look so free.

I rolled my eyes. “Star! Penelope! Gosh! Kayo na ba 'yan?” I almost take step back when someone shouted our name at nagkandarapa na lumapit sa aming dalawa.

Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Pen, gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.

We smiled at the two girls infront of us. “Omg Pam! Si Star! And look! Oh my gosh!” ang ngiti namin ni Penelope kanina sa kanila ay unti unting naging ngiwi. What the heck is going on with these two? Ang ingay pa rin.

“Ano ba 'yan! Ang over mo talaga Em! Hindi ka nga yata nila natatandaan, feeling close ka girl?” sabi naman ni Pamela na tandang tanda namin, of course! Papayag ba naman kaming sumama sa kanila kung hindi namin sila nakikilala?

“Hi sa inyo! Ako si Emelia at si Pamela! Natatandaan niyo pa ba kami?” nakangiting sabi nito kaya kaagad kaming tumango. “Oh! Anong hindi natatandaan is r'yan! Ginawa mo naman silang may amnesia!” si Pamela.

Jeez, I'm enough with this. Gusto ko nang maupo at maranasan ang ibang ginagawa rito. Drink, is it. But not too much. Noong 18th birthday ko...hindi iyon ganoong ka grande dahil wala naman akong maraming kakilala sa Los Angeles, that's why Papa just rent one of the luxurious bar there for me to enjoy it...kaso hindi nila alam, hindi naman talaga iyon ang gusto ko.

I want to laugh, maging ako kasi ay hindi talaga alam kung ano ang gusto. May hinahanap ako pero hindi ko masabi, hindi ko magawa...magulo.

I shook my head to erased that thought in my head. Iginaya na kami nila Pamela sa kanilang table, at doon pa kami nakakilala ng mga bagong mukha.

They are nice, komportable naman kaming nakisabay sa kanila ni Penelope dahil lahat naman kami ay puro babae.

They gave us a drink called Tequila, I know this. Isa ito sa mga pinatikim sa akin ni Papa noong nasa legal age na ako. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit medyo nag away sila ni Mama.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Kde žijí příběhy. Začni objevovat