CAPTURE THIRTY-ONE

838 28 2
                                    

Capture Thirty-One

Sa oras na maimulat ko ang aking mga mata ay ang kremang kisame kaagad ang sumalubong sa akin. Marahan akong umalis sa kama at dumiretso sa may tapat ng bintana, hinawi ko ang kurtina at napagtantong...madaling araw palang pala.

It is still dawn, later the sun will rise and everything around me will be clear na. I yawned silently so that I will not wake the two boys sleeping soundly on the bed.

At dahil maaga pa para lumabas, naisipan kong igayak nalang muna ang aming mga kagamitan.

Today is not just a normal day, this is the day where I'm going home...already. To the way I used to be. I tilted my head as I imagined myself inhaling the familiar atmosphere of the Manila.

Aaminin ko, na e-excite rin ako sa gagawin naming pag uwi ngayon, but at the same time ay nanghihinayang dahil maiiwanan namin ang store rito.

Pero wala naman akong magagawa dahil desisyon ni Trayvon ngayon. Desisyon siya ngayon.

Gaya nga ng aking sabi, ako pa lamang ang gising. I'm currently making some eggs and bacons, while I am done making the fried rice.

Naglabas na rin ako ng dalawang apples sa ref, tuwing umaga kasi ay nakasanayan na ni Travis na kumain ng apple habang kumakain rin ng cereals.

My son is weird, but I love him. Duh.

Habang nagluluto ako ng sunny side up na egg, nakarinig na ako ng mga yapak. Hindi ko naman iyon magawang tingnan kung sino dahil baka masunog itong niluluto ko.

Hanggang sa maramdam ko ang maliliit na kamay ng aking anak sa aking mga hita. I smile to myself, still not looking at him dahil nga sa niluluto.

“Good morning, baby. Layo ka muna sa akin at baka matalsikan ka ng mantika.” sabi ko rito. Naramdaman ko pa ang isang presensiya sa aking likuran, and of course it's Trayvon sino pa ba?

Kinuha niya ang kamay ni Travis sa mga hita ko kaya bahagyang naglapat ang aming mga balat. Halos mapatigil at kilabutan ako dahil ro'n, that skin contact is...unexpected.

Okay Star, pull yourself together.

“Morning.” bati nito gamit ang kaniyang husky voice. Halatang bagong gising. Biglaan akong napangiti nang may maisip, binuhat niya si Travis at paniguradong naka dukdok ito ngayon sa balikat niya dahil antok pa rin iyon kapag bumabangon.

I also imagine Trayvon's close eyes and messy hair while carrying our son. That's such a cutie, gusto ko tuloy humarap sa kanila at pagmasdan silang gano'n.

“Morning. Ah pwede na kayong maupo. Saglit nalang ito, gisingin ko na rin sila Ate Zyreen.” sabi ko upang hindi naman gano'n katahimik ang atmosphere here between us.

“Sure,” aniya at naupo na nga sa may isang silya dahil narinig ko ang pag galaw no'n. Nang makatapos ako sa pag pi-prito ay kaagad kong inihain ang mga ulam.

Sumulyap ako sa mag ama at ganoon na lamang ang naging gulat ko nang makitang nakatingin pala sa akin si Trayvon. I immediately look away at walang alinlangan na dinampot ang mga mansanas sa lamesa.

Kumuha ako ng kutsilyo at hinugasan muna iyon bago ito pag hihiwain. Pagkatapos naman no'n ay kinuha ko na ang cereal at fresh milk sa may ref.

Nilagyan ko ang favorite bowl ni Travis kapag kumakain siya nito, kapag kasi hindi rito ay iiyak pa. Mga bata, iiyak kapag hindi nakukuha ang mga gusto.

Habang ginagawa ko ang mga nakasanayan ko sa loob ng apat na taon, doon ko lang napagtanto sa sarili ko na mommy-ng mommy na pala talaga ako.

Kung noon ay basta nagising ako maliligo muna ako, o hindi kaya ay tatambay sa may side ng pool...pero ngayon?

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Onde histórias criam vida. Descubra agora