CAPTURE THREE

906 28 3
                                    

Capture Three

Lumipas ang panahon at napansin kong mas napapadalas na ang pagpunta ng kaibigan ni Kuya. Lagi silang maingay at nag iinuman.

They're disgusting.

Pero may napansin pa akong kakaiba. Si Trayvon...he keeps on giving me a secret glance that every time our eyes will meet, I can see something and it's hard to explain. Kaya sa huli, nag iiwas na lamang ako ng tingin at ipinag sasawalang bahala iyon.

Bakit hindi siya lumapit kung may problema siya sa akin? I rolled my eyes at my idea, he's getting weird day by day.

Mama and Papa asked me about my birthday noong isang araw.  Ang sabi ko naman sa kanila ay ayaw ko ng enggrande, I still have my 18th birthday so do'n ko nalang ibubuhos ang panahon ko sa pag pa-plano.

Sa huli, sinabi ko sa kanila na ayos lang sa akin kung relatives at mga classmates ko nalang ang pumunta. Pumayag naman sila at sila na rin daw ang bahala sa lahat ng mga pagkain.

I thank them for doing all of these for me. I'm so masuwerte sa kanila, I don't deserve them.

Dumating na nga ang pinaka hihintay kong araw na iyon, my birthday is May 27, half month nalang ay pasukan na! And it's my first day of being a highschool student!

I'm so excited.

Ano kayang pakiramdam? Is it just the same or more exciting? Mama said kasi na highschool days are the best, kaya dapat raw ay i-enjoy ko rin.

Well, she doesn't have to tell me about that dahil nasa vocabulary ko naman talaga kaagad ang salitang enjoy.

“Happy birthday, Star.” malumanay na bati sa akin ni Penelope habang inaabot ang kaniyang regalo. I smiled widely at her saka siya niyakap nang mahigpit.

“Thank you, Pen. I love you so much!” sabi ko sa sobrang saya. She's my one and only bestfriend, kahit na sobrang opposite namin sa isa't isa siya pa rin ang naging kasundo ko.

Noong una nga, pinagtatabuyan pa niya ako dahil hindi raw siya tulad ko. She's into books, she doesn't like parties, she's a nerd and whatsoever. Lahat yata ay ginawa na niyang excuse para iwasan ko siya pero hindi ko iyon ginawa.

Like duh, ano naman kung nerd siya? I like her eh! Gusto ko siyang maging friend dahil ayaw ko sa mga plastic, she's true to me kaya gustong gusto ka siya.

But not in a girly way ha, that's disgusting.

“Kumain na tayo! Did you wear something para mamaya sa swimming?” tanong ko rito pero kaagad siyang namula, hindi alam kunf tatango ba o iiling.

I rolled my eyes at humalukipkip sa harap niya. “Oh c'mon Pen! This is my birthday, let's swim together later okay? Alam kong may suot ka r'yan under sa damit mo.” sabi ko at umambang itataas ang kaniyang damit ngunit kaagad siyang tumakbo papalayo sa akin.

I laugh because of that. Hinayaan ko na muna siyang kumuha ng pagkain para mamaya ay tuloy tuloy na ang pagsasaya namin.

Habang pinagmamasdan siyang umupo sa isa sa lamesa someone tap me at my shoulder. I'm wearing a red violet ombré gown nga pala, it was an off shoulder gown kaya kitang kita ang maputi at makinis kong balikat.

I turned to the person and it's my one and only brother. Kaagad akong naalerto at umayos ng tayo. His friends must be here too, panigurado.

“Hey baby, here's my gift to you.” sabi niya sabay abot ng maliit na kahon. Kumunot ang noo ko pero hindi ko maiwasan ang ma excite!

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Where stories live. Discover now